Amara Naalimpungatan ako dahil sa tindi ng sakit ng ulo ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nasilayan ko ang kaunting liwanag na syang dumudungaw sa bintana. Pinilit kong bumangon ngunit tila binibiyak ang aking utak. Nang gumalaw ako upang maupo sa aking kama ay nakaramdam ako ng pananakit sa maselang bahagi ng aking katawan. Tila ba pumipintig ito sa sakit kasabay ng aking utak. Kinabahan ako. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Naalala ko ang kaligayahang pinagsaluhan namin ni Galvert. Nang tignan ko ang aking sarili ay nakasuot ako ng maluwag na tshirt na pagmamay-ari ni Galvert. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa kwartong ito. Hindi na sumagi sa utak ko kung paano at sino ang nagbihis sa akin. Marahan akong tumayo habang hawak ko ang maselan

