Galvert
Puro pasa at galos ang inabot ng paa ko nung nakaaraang araw dahil kay Amara. Ngayon naman ay sobrang namilipit ako sa sakit ng tiyan dahil sinikmuraan ako ng amazonang iyon. Sobrang lakas nya! Malakas syang sumipa at sumuntok. Hindi ko alam kung ilang vitamins ang nilalaklak nya para lumakas sya ng ganun.
Pero kahit ganito sya kasadista sa akin ay nahihiwagaan pa rin ako sa pagkatao nya. Gusto ko pa rin syang makilala ng lubusan.
I like her.
Mas gusto ko ang mga babaeng matapang at hindi masyadong nagpapakita ng interes sa akin. Ayoko ng madaling makuha. Gusto ko ng mga babaeng pakipot sa una pero bibigay din sa huli.
Hindi ako titigil hanggat di ko sya nakukuha. Kagaya ng ibang mga babaeng nagdaan sa buhay ko, alam kong ibibigay nya rin sa akin ang katawan nya na sya lang namang nais ko.
Nang makauwi ako ay naabutan ko si Daddy na kausap ang kanyang sexy at magandang sekretarya. Mukhang napapadalas ang pagdalaw ng babaeng ito dito. Kung makalingkis sya sa Daddy ko ay tila ba hindi sya nito sekretarya, tila ba may mas malalim pa silang relasyon na higit pa sa magkatrabaho.
Kitang-kita ko ang pagpisil ni Daddy sa likurang bahagi ng katawan ng babaeng iyon. Napaigtad ang kanyang sekretarya at napakagat labi.
Definitely, they didn’t notice my presence. Dinig ko ang hagikgikan nila habang naglalampungan sa labas ng opisina ng Daddy.
“Naughty ka talaga Mr. Gregory Monreal..” dinig ko pang wika ng babae
“Why? Ayaw mo ba? Nagustuhan mo naman yung ginawa ko kanina right? At gusto kong ulitin natin iyon.” Sambit ng Daddy
Nasaksihan ng dalawang mata ko ang paghalik nya sa pisngi ng babaeng iyon hanggang bumaba ito sa mapulang labi nito. Hindi na nila napigilan ang kanilang mga sarili. Talaga bang dito pa sila sa mansyon naglalambingan? Paano kung makita sila ni Georgina, ang kapatid ko?
Napailing na lang ako sa harutan nilang dalawa. Sa totoo lang ay may tinatago akong inis kay Daddy. Iba-ibang mga babae ang dinadala nya rito. Sa lahat ng maaari kong manahin sa kanya ay ang pagiging womanizer pa nya ang nakuha ko.
I cleared my throat. Malakas ang ginawa kong ingay para mapansin nila ako.
Sabay silang napatingin sa gawi ko. Kitang-kita ko sa reaksyon ng kanyang sekretarya ang labis na pagkabigla at tila nahiya sya sa presensya ko.
Inayos nya ang kanyang blusa na halos lumuwa ang mga dibdib nya sa suot nyang iyon.
“Excue me Sir, I’ll have to go.” Pagpapaalam ng sekretarya ni Daddy.
Kaagad nya kaming tinalikuran at tila nagmamadaling umalis ng mansyon. Halos hindi makangiti ang Daddy ko sa babaeng iyon dahil sa presensya ko.
Nang makaalis ang babaeng iyon ay kaagad kong kinompronta si Daddy.
Inayos ni Daddy ang necktie nya na tila nagulo ng babaeng iyon kanina. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila sa loob ng opisina basta naiinis ako sa kanilang dalawa.
“What was that?” galit kong tanong
“What?” kunot noo nyang wika sa akin
Umigting ang mga panga ko dahil sa labis na inis sa kanya.
“Do you have an affair with your secretary?” deretsahan kong tanong.
Ngunit malakas na pagtawa lang ang isinagot nya sa akin. Lalo lamang tumindi ang nararamdaman kong poot sa kanya.
“Hijo, Stella is my secretary. Iyon lang ang papel nya sa buhay ko. Hindi ako nakikipagrelasyon sa mga babae. Katawan lang nila ang habol ko, and you already knew that. Pagkatapos ko namang makuha ang inaasam ko ay tinatapunan ko sila ng pera. And I know that money is the only key to their happiness.” Wika nya
Tinapik nya ang aking balikat. Ipinapadama nya sa akin na wala akong dapat na alalahanin.
Nang aktong aalis na sya ay hindi ko napigilan ang damdamin ko.
“Kaya tayo iniwan ni mommy dahil sa pagiging babaero mo! Imbes na hanapin mo sya at makipag-ayos ay pinabayaan mo na syang mawala sa amin. Para ano? Para magpakasawa ka katawan ng iba?” galit na bulyaw ko
Nasaksihan ko na huminto si Daddy sa paglalakad at napabuntong hininga sya bago nya ako hinarap.
“Pag-aawayan na naman ba natin ito anak? Ang akala ko ay tanggap mo nang hinding-hindi na tayo mabubuo. Hindi na sya babalik. Hindi na babalik ang mommy nyo dahil sya ang unang sumuko. You don't know the true story hijo, so please stop this non sense issue.” Sagot nya
Kaagad na nya akong tinalikuran. Kinuyom ko ang mga kamao ko dahil sa sobrang galit sa kanya.
Umalis noon si mommy dahil hindi nya matiis ang pambababae ng asawa nya. Iniwan nya kami ni Georgina. Nangako si mommy na babalikan nya kami. Pinanghawakan ko ang pangako nyang iyon na babalik sya.
Pero pitong taon na ang lumilipas at hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na babalik si mommy. Umaasa pa rin ako na isang araw ay kakatok sya sa pintuan ng bahay na ito para magkasama-sama kaming muli.
Subalit bigo ako.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagpaparamdam sa amin.
Pinigilan ko ang damdamin kong pilit na kumakawala. Sobrang naaapektuhan ako kapag si mommy na ang pinag-uusapan. I missed her so much. I want to tell her that I am craving for her love and caress.
Kaagad akong umakyat sa aking kwarto bitbit ang bigat ng puso ko.
Ngunit bago ako makarating sa aking silid ay napansin kong bukas ang pintuan ng kwarto ng kapatid kong si Georgina.
Napagdesisyunan kong silipin ang kapatid ko.
Naantig ang puso ko at hindi na napigilan ng mga mata ko na ibuhos ang luha nang masilayan ko si Georgina.
Naaawa ako sa kapatid ko. Simula ng umalis si Mommy ay labis syang naapektuhan. Naging malungkutin sya at hindi na masyadong nagsasalita o nakikisalamuha sa mga tao.
Ngayon ay naabutan ko syang nakatulog sa kanyang kama habang yakap yakap ang larawan ni mommy.
Alam ko ang nararamdaman nya dahil maging ako ay nangungulila sa kanyang mga yakap.
Marahan kong kinuha ang larawan ni mommy na yakap ng kapatid ko. Ipinatong ko ang picture frame sa ibabaw ng side table.
Marahan ko ring hinagod ang buhok ng kapatid ko. Ako na lang ang karamay nya dahil hindi namin maasahan si Daddy. Lagi syang abala sa mga negosyo nya at lalo na sa mga babae nya. Mas mayroon pa syang oras sa mga iyon kaysa sa aming mga anak nya.
Tinabihan ko ang kapatid ko at malambing ko syang niyakap. Hindi ako makakapayag na mayroong umapi sa kanya.
Minsan nga ay natatakot ako sa karma. Baka isang araw ay sa kapatid ko bawiin ang lahat ng masamang ginawa namin ni Daddy sa mga babae.
Natatakot ako. Ayokong maranasan ng kapatid ko ang ginagawa ko sa mga babae.
Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag may babae nang nasa harapan ko. Gusto ko na ring magpakatino ngunit hindi ko pa nakikilala ang babaeng seseryosohin ko. Hindi pa yata nagkukrus ang landas naming dalawa.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa tabi ng kapatid kong si Georgina.
--
Kinaumagahan ay nasasabik kong sinundo sa kanilang dorm ang amazona kong girlfriend.
Kahit pa ba natatakot ako sa karma ay may nag-uudyok sa utak ko na gawin ang lahat ng paraan upang makuha ko ang loob ng babaeng ito.
I am so curious about her personality. Gustong gusto kong malaman kung paano ba sya mababaliw sa akin. Kagaya ng mga babaeng nakapalibot sa buong University, kalahati yata sa kanila ay nakuha ko na. Buti nga ay hindi ako inirereklamo ng mga babaeng pinaiyak ko.
Sa bagay ay ginusto naman nila iyon. Pinaligaya ko rin naman sila sa kama kaya hindi nila ako maaaring isuplong.
“Good morning my loves!” Magandang bungad ko kay Amara.
Pero katulad ng inaasahan ko ay isang damukal na sama ng loob ang ibinigay nya sa akin. Para bang ako ang pinakakinaiinisan nyang tao? Mas lalo ko tuloy nagugustuhan ang katulad nya.
Kaagad ko syang inakbayan.
Pero ang bilis ng mga kamay nya at akmang susuntukin na naman nya ako sa mukha.
Aba! Hindi na ako papayag, puro pasa at galos na nga ang inaabot ko sa kanya. Hindi na ako papayag na masaktan nya akong muli.
Nahuli ko muli ang mga kamao nya.
“Kapag hindi mo tinigilan ang kakapanakit mo sa akin my loves, hahalikan kita. Ito ang magiging ganti ko sa lahat ng pananakit mo.” Pagbabanta ko sa kanya.
Gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha nya. Subukan pa nyang saktan ako at hindi talaga ako magdadalawang isip na halikan sya.
Kaagad nyang ibinababa ang mga kamao nya na handa na naman sana akong suntukin kanina. Siguro naman ay nakatatak na sa utak nya ang mangyayari sa kanya kapag sinuntok pa nya ako. Nakaready anytime ang mga labi ko para sa kanya.
Nakangisi ako habang inaalalayan ko syang maksakay sa kotse ko. Maayos naman syang sumakay ng sasakyan ko.
“Alright, ayan ang gusto ko. Ang bait bait naman pala ng girlfriend ko.” Pang-aasar ko sa kanya.
Tawang tawa talaga ako sa itsura nya. Alam kong pinipigilan nya ang sarili nya na saktan ako. Ngunit alam kong natatakot syang mahalikan ko sya.
Hinimas ko ang kanyang mga pisngi at maamo akong tumitig sa mga mata nya.
“Kung ako sayo ay makipaglaro ka na lang sa akin sa loob ng isang buwan. Mag-enjoy lang tayo, para hindi na tayo nag-aaway. Isang buwan lang Amara. Gusto kong maramdaman kung paano ka ba maglambing sa akin bilang girlfriend ko. Gusto kong maramdaman kung paano mo ako alagaan.This is just a game and after one month, malaya ka na.” banggit ko sa kanya.
Hindi nya ako kinibo. Alam ko namang labag sa loob nya ang mga sinabi ko. Sinubukan ko lang naman kung uubra sa kanya ang paglalambing ko.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam kung paanong pang-aamo ang gagawin ko sa kanya. Ang tigas ng puso nya.
Ganito siguro talaga kapag hindi ka gusto ng isang tao, wala syang pakialam palagi sayo.
At hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Nasasaktan ako sa katotohanang may isang tao pala bukod sa mommy ko ang hindi nakikita ang kahalagahan ko.
Ngunit ikinagulat ko nang bigla na lang akong yakapin ni Amara.
Ngayon lang parang bumilis ang t***k ng puso ko. Kabisado ko ang mga babae. Alam na alam ko kung paano ko sila paiikutin sa mga kamay ko ngunit ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
Nakayakap sya sa akin at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ngayon lang ako naduwag sa isang babae.
“Okay, payag na ako. Matagal kong pinag-isipan ito. Sa bagay laro lang naman di ba? Pero pagkatapos ng one month ay wala na ulit tayong pakialam sa isa’t-isa.” Sambit nya
Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil sa mga sinabi nya. Talagang wala syang pakialam sa akin dahil pagkatapos ng larong ito ay babalik na muli kami sa dati. Tila estranghero ang turing sa isa’t-isa.
“Alright, my loves..” mahinang sambit ko
Ginawaran ko sya ng matamis na halik sa kanyang noo. Simula ngayon ay napagpasyahan na ni Amara na makipag laro din sa akin.
Sa ganitong paraan ay mas lalong mapapadali ang plano kong pag-angkin sa kanya. Alam kong makukuha ko rin sya bago pa matapos ang isang buwan.
Paulit-ulit ang pagdampi ng mga labi ko sa kanyang noo. Nababaliw ako sa simpleng halimuyak nya. Hindi sya kagaya ng mga babaeng nakakasama ko na ang lakas ng amoy ng perfume kapag kasama ko sila.
Pero si Amara ay natural na amoy nya ang nangingibabaw sa akin na syang kinababaliwan ko.
“I love you baby boy.” Bulong nya
At mas ikinabigla ko nang sya ang unang humalik sa aking pisngi.
Ang sarap lang sa pakiramdam habang nilalambing nya ako. Ngayon lang ako natuwa ng ganito buong buhay ko. Ngayon lang ako naging maligaya ng ganito.
At ano kaya itong pumipintig-pintig sa dibdib ko?
Hindi ko maipaliwanag. Hindi pamilyar na pakiramdam ang nag-uumapaw sa puso ko.