Amara
Binawi ko rin ang sinabi ko na hindi ko hahayaan si Galvert na mapalapit sa akin at ipatitigil ko ang paglalaro nya bilang kunwaring boyfriend ko. Ilang beses kong pinag-isipan ang bagay na ito.
Sa tuwing magpupumiglas ako sa kanya upang layuan nya ako ay lalo lamang kaming nagkakagulo. Hindi nya hahayaan na hindi namin matatapos ang game at ako ang magiging malaking dahilan nito, dahil una pa lang ay ayoko naman talaga sa ideyang ito.
Syempre maaapakan ang p*********i nya dahil mayroong isang babae na hindi naaakit sa mga pambobola nya.
Kaya naisip ko na lang na makipaglaro na lang din sa kanya tutal ay isang buwan lang naman ang itatagal ng pagkukunwari kong ito. Isang buwan lang ang pagtitiis ko sa mga lambingan naming dalawa.
Ngayon pa lang ay nangingilabot na ako pero kailangan kong maging matapang na tapusin ito hanggang sa katapusan ng buwan.
Naninibago ako sa naging set up naming dalawa. Hindi kami nag-aaway ngayon hindi gaya nung mga nakaraang araw. Minsan ay gusto ko nang maniwala sa kanya na totoong boyfriend ko nga sya ngunit kapag naiisip ko kung gaano sya kababaero ay kaagad kong binabawi ang paniniwala ko sa kanya.
Pumasok kami sa classroom at nakaangkla ako sa pekeng boyfriend ko, habang bitbit nya ang bag ko. Ganito naman palagi ang ginagawa nya sa mga naging girlfriend nya kung kaya’t wala ng bago doon. Ang naging bago lang sa paningin ng lahat ay ang hindi ko pagmamaktol o pagpupumiglas sa kanya sa tuwing hinahawakan nya ako. Kusang loob ko munang iaalay ang sarili ko sa kanya.
Maging ang mga kaibigan ko ay nagulat sa naging itsura namin ni Galvert na animoy totoo kaming magkasintahan.
Inayos pa ng boyfriend kong saksakan ng babaero ang silyang uupuan ko. “Thank you My loves.” Banggit ko
Ito na rin ang itinawag ko sa kanya dahil nahihirapan akong mag-isip pa ng bago. Saka pagkukunwari lang naman ang lahat ng ito kya hindi ko kailangang mag-effort.
“You are always welcome my Loves.” Banggit nya. Nakakasuka talaga.
Gusto kong maduwal sa pinaggagagawa naming dalawa. Hindi pa talaga ako bagay o handa na magkaroon ng boyfriend. Nandidiri ako sa mga sinasabi ko.
Naupo sya sa tabi ko at hindi sya nawawalan ng mga ngiti sa kanyang mga labi.
Napahimas pa sya sa kanyang labi na mamasa–masa at mamula mula. Nag-init ang mga pisngi ko sa ginagawa nyang pagtitig sa akin at habang inaakit nya ako ng kanyang labi.
Marahan kong sinampal ang pisngi nya at kinurot ko ito.
“Aarayy!” pagmamaktol nya.
“Ang cute cute mo talaga!” panggigigil ko sa kanya dahil gusto kong itigil na nya ang ginagawa nyang iyon.
“Of course, gwapo talaga ako. Kaya nga you are the luckiest girl this month. Akala ko ay sinasaktan mo na naman ako my loves eh. Nanggigigil ka lang pala sa akin.” Sambit nya
Napangiwi ako sa mga sinabi nya. Ang lakas talaga ng toyo at hangin sa utak nya. Masyado na naman syang kumpiyansa sa kanyang sarili.
“No, no my loves. Hindi na kita sasaktan. Promise ko yun sayo..” wika ko sa pinakamalambing na boses at kumukurap kurap pa ako sa kanya para masabing mabait na ako sa kanya.
Nakakatawa talaga ang game na ito. Pero dahil sa ginusto nila ito ay papatulan ko na lang. Madali lang naman matapos ang isang buwan. Isang buwan lang akong magkukunwari na malambing sa kanya.
“Woohh! Totoo ba ang nakikita ko? Hindi na kayo nag-aaway? Astig!” dinig kong wika ni Alodia.
Ngumiti ako sa kanya at pinandiltan ko sya ng mata. “Oo naman, totoong totoo ang mga nakikita mo, magkasundo na kami ng boyfriend ko, di ba my loves?” wika ko sabay kurot sa ilong nya.
Kinurot naman nya ang tagiliran ko kung kaya’t bahagyang nasagi nya ang dibdib ko!
Gosh!
Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Maging sya ay nabigla rin sa pagkakasagi nya sa dibdib ko. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng nangyari. Nakatulala akong nakatitig sa kanya. Alam kong hindi napansin ni Alodia ang nangyaring insidente. Mabuti na lang at walang nakapansin. Nakakahiya.
Kumukulo na naman ang dugo ko kay Galvert pero pinipigilan ko lang dahil nangako ako na makikipaglaro ako sa kanya sa loob ng isang buwan.
Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Sa sobrang gigil ko ay sinipa kong muli ang paa nya.
“Ahhh! Ouch, my loves ano ba?” sigaw nya habang namimilipit na naman sa sakit dahil sa pagtadyak ko sa binti nya.
Malambing akong ngumiti sa kanya. Yung ngiting nakakaloko at halatang naiinis dahil sa ginawa nyang panghihipo sa dibdib ko.
“Sorry po my loves. Hindi ko naman sinasadya. Masakit ba? Naku, sorry talaga.” Sambit ko habang nakataas ang kilay ko sa kanya.
Ipinatong nya ang kanyang malaki at mabigat na binti sa upuang kaharap namin. Bakas pa ang sapatos ko sa pantalon na suot nya dahil sa pagkakatdyak ko kanina. Pinagpag ko ang dumi na ako rin naman ang may kagagawan.
“Ay sus, kawawa naman ang my Loves ko. Ayan ha, inaalis ko na ang dumi na yan. Sorry po talaga.” Sabi ko habang pinupunasan ang nadumihan nyang pantalon.
Nakakahiya naman sa pulidong pagkakalaba at pagkakaplantsa ng uniporme nya.
Nakangiwi pa rin ako habang ginagawa ko iyon at pinipilit ko na lang ngumiti sa kanya. Nakakapagod din pa lang magpanggap.
Nang matanggal ko ang dumi sa pantalon nya ay saka ko sya muling binalikan ng tingin.
Ngunit huminto muli ang galaw ng orasan ng masilayan ko ang magaganda nyang mga ngiti at ang paraan ng pagtitig nya sa akin. Tila ba naliligayahan sya habang pinapanood nya ako. Napakagat labi ako dahil gusto kong pigilan ang namumuong mga ngiti sa bibig ko.
“Hoy! Ang haharot nyo! Pwede naman pala kayong hindi mag-away eh, pinasakit nyo pa ang mga tenga namin nitong mga nakalipas na araw. Puro pag-aaway nyo ang naririnig ko.” Sambit ni Alodia
Buti na lang at pinutol ni Alodia ang eksenang ito dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ba makaktakas sa isang Galvert Monreal.
“Itong kaibigan nyo lang naman ang problema eh. Masyadong galit sa mundo. Kaya tinuruan kong maging maamo at makipaglaro sa akin. Ayos ba?” sambit naman ni Galvert sabay kindat.
Kaagad akong sumubsob sa kanyang dibdib nang hatakin nya akong palapit sa kanya. Ito na naman ang magic kuryente na lagi kong nararanasan sa tuwing mapapalapit ako sa kanya.
Ramdam na ramdam ko ang kanyang mga daliri na humahagod sa aking likuran. Ang sarap ng kiliting idinudulot nito sa akin. Gusto ko na lang tumambay dito buong magdamag kaya lang…
“Huy girl anjan na si Mrs. Javier.” Banggit ni Alodia
Nagitla ako sa mga sinabi nya. Kaagad akong kumalas mula sa pagkakayakap ni Galvert. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil nakatingin si Mrs. Javier sa amin ni Galvert. Nakataas din ang mga kilay nito sa amin. Baka ang isipin nya ay kagaya ako ng ibang mga estudyante dyan na pag-ibig ang inaatupag imbes na pag-aaral. Focus Amara! Pag-aaral ang ipinunta mo dito sa Maynila.
Ngunit paano ako makakapagfocus kung sa pag-uumpisa ng klase ay hinawakan ni Galvert ang kamay ko. Marahan nya itong minamasahe upang pakalmahin ako. Sa totoo lang ay nagugustuhan ko ang ginagawa nyang iyon. Nakakarelax ang pagmamasahe nya sa mga kamay ko.
Pasimple kong pinagmasdan si Galvert. Kung hindi lang sya babaero ay hindi sya mahirap mahalin. Maalaga sya at malambing. Perpekto na sana eh, kaya lang nabahiran ng kawalanghiyaan ang utak nya. Sayang..
--
Lunch break..
Isa-isa nang lumalabas ang mga classmate namin upang magtungo sa cafeteria. Habang ako ay abala sa pag-aayos ng mga gamit ko na hindi magkasya sa loob ng aking bag.
“Napakaliit naman kasi ng bag mo, tapos lahat ay isinisiksik mo dyan?” pagrereklamo ni Galvert sa akin.
Naiinip na siguro ang loko.
“Akin na nga yan. Ako na ang magbibitbit ng mga libro para makaalis na tayo.” Naiirita nyang sambit
“Sungit.” Bulong ko naman.
Ang cute nyang tignan habang bitbit nya ang mga gamit ko. Bago pa man kami makalabas ay biglang nag-ring ang cellphone ko.
Nang kunin ko ito…
“Si nanay..” napangiti ako
Nakabusangot na ang itsura ni Galvert nang makita nyang sinagot ko pa ang cellphone ko. Pero wala akong pakialam sa kanya. Pwede naman nya akong iwan at mauna na sa cafeteria kung talagang nagugutom na sya.
“Hello nay..” pagbati ko
“Hi anak, kakain ka na ba? Pasensya ka na kung naistorbo kita. Hindi ko lang matiis na hindi ka makausap anak eh.” Malambing na wika nya sa akin.
“Ayos lang po ako nay, opo, kakain na rin po ako. Kayo po?” malambing ko ding tanong sa kanya.
Nang magawi ang tingin ko ay Galvert ay tila nag-iba na ang kanyang awra. Naging maaliwalas muli ito. Bakit kaya? Ang bilis namang magbago ng mood nya.
Ilang minuto kong kausap si nanay at sobrang saya ko talaga sa tuwing kausap ko sya.
Nang matapos ang pag-uusap namin ay may naiwang ngiti sa labi ko. Kahit kailan ay hindi ako nakakalimutan ni nanay. Araw-araw ay lagi nya akong kinakamusta. Kahit napakalayo namin sa isa’t-isa ay hindi ko naramdaman na wala ang kanyang presensya.
“Is that your mom?” malambing na tanong ni Galvert.
Kaagad ko syang binalingan ng tingin at tumango ako ng paulit ulit sa kanya.
“Hindi talaga nakakalimot si nanay. ” Masaya kong banggit sa kanya.
"Maswerte ka dahil may nanay ka na nag-mamahal at nag-aalaga pa rin sayo kahit na malayo ka sa kanya." Wika ni Galvert
Ngunit naramdaman ko ang pait sa kanyang mga mata. Kanina lang ay bahagyang maaliwalas na ang kanyang itsura ngunit ngayon ay tila nakakaramdam sya ng sakit.
“Bakit? Bakit parang nalulungkot ka?” tanong ko
Umiling naman sya sa akin bilang pagtutol.
“I just missed my mom..” mahinang banggit nya
Bakit kaya ganon? Bakit nang banggitin nya ang bagay na ito ay tila may kumurot sa puso ko? Tila ba sinapian si Galvert ng ibang pagkatao habang kaharap ko sya ngayon at sinasabing namimiss na nya ang kanyang ina.
Wala akong alam sa buhay nya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa nanay nya dahil hindi naman kami nagkukwentuhan tungkol dito. Akala ko ay perpekto ang buhay nya dahil lahat ng karangyaan sa mundo ay madali nyang natatamasa.
Ngunit ano itong nasasaksihan ko? Ang isang mayabang at ubod sa pagkababaerong si Galvert ay namimiss ang kanyang ina? Masyado nyang naantig ang puso ko.
“Let’s go? Nagugutom na ako my loves.” Malambing pa rin nyang wika.
Marahan akong tumango sa kanya. Kahit ang dami nyang hawak na mga gamit ay nagawa pa rin nyang hawakan ang mga kamay ko. Nagagawa pa rin nya ang mga bagay na imposible para sa iba.
Ngunit naging kyuryoso ako sa totoong kwento ng buhay ni Galvert. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanyang ina.
Tila gusto ko pang malaman ang tunay na pagkatao ng isang Galvert Monreal.