Chapter 8

2245 Words
Amara Bago pa man kami makarating sa cafeteria ni Galvert ay narinig ko ang pagsinghap nya at tila galit na galit. “What the--?” bulong pa nya habang umiigting ang kanyang mga panga. Nagtaka ako sa kanyang mga ikinikilos. Nakatingin sya sa isang Senior high student na babae habang kausap nito ang isang estudyanteng lalaki. Bakit kaya mainit ang ulo nya? Sino ba ang babaeng iyon? Nagseselos ba sya dahil may kausap na iba ang babaeng iyon? “Wait lang!” galit na wika nya Ibinigay nya sa akin ang mga gamit ko at nagkanda-ugaga naman akong bitbitin ang lahat ng iyon. Bahagya akong nainis sa kanya dahil bigla na lang nyang ibinalibag sa kin ang mga gamit ko. Sino ba kasi ang babaeng iyon at bigla na lang nagulo ang mundo nya. Nagmamadali syang tumakbo papunta sa dalawang estudyanteng iyon. Nasaksihan ko na hinatak ni Galvert ang babaeng iyon palayo sa lalaking kausap nito. Parang dumadagundong ang puso ko sa mga nasisilayan ko. Dinuro-duro pa ni Galvert ang lalaking kausap ng babaeng hinatak nya at galit na galit nyang pinagsalitaan ito. Sino kaya iyon? Lahat tuloy ng estudyanteng dumadaan ay nagtitinginan na sa kumosyong nangyayari. Bigla tuloy akong nainggit sa pagtrato nya sa babaeng iyon. Tila ba napakaespesyal nito sa kanya. Kinuyom ko ang mga kamao ko habang yakap yakap ang mga gamit ko. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Bakit ba ako nagseselos at naiinggit? Bakit ba ako labis na naaapektuhan sa mga nangyayari? Nasaksihan ko na umurong palayo ang lalaking estudyante sa kinaroroonan nina Galvert at ng Senior high student na iyon. Pag-alis pa lang nung lalaki ay kaagad na hinarap ni Galvert ang estudyanteng babae. Maganda ang babaeng iyon. Halatang galing din sa marangyang pamilya. Mga ganitong tipo ng babae ang nababagay sa Black Fire Trio. Napabuntong hininga ako. Napakalayo ng itsura ko sa babaeng iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hinahatak ni Galvert ang babaeng iyon papunta sa kinaroroonan ko. Tila nag-aaway silang dalawa. Hindi ako makakilos habang pinagmamasdan ko sila na papalapit sa akin. Gosh! Ano bang gagawin ko? Pagdating nila sa harapan ko ay nagbabangayan silang dalawa. “How many times do I have to remind you, that you must ignore that bull.shit!” galit na wika ni Galvert Ngunit mas ikinagulat ko nang kuning muli ni Galvert ang mga gamit ko mula sa akin. Kahit galit na galit sya ay hindi pa rin nya nalimutang buhatin ang mga ito. Natutuwa ako sa kanya dahil magkasalubong ang mga kilay nya pero bitbit nya ang luma kong bag at mga libro. Ang cute lang nyang tignan. “You are the reason why he left me! Naiinis ako sayo!” sambit nung babaeng hinatak nya. Umiling iling si Galvert at pinahid ang luha sa mga mata ng babaeng iyon. Ang lambing ni Galvert sa kanya kung kaya’t nakakaramdam na naman ako ng matinding kirot sa puso ko. “Huwag mo ngang iyakan ang lalaking iyon. Wala syang kwenta. Huwag ka nang umiyak, nandito na ako. I will never let anyone hurt you again. Please stop crying.” Sambit nya Marahan kaming naglakad papuntang cafeteria habang umiiyak pa rin ang magandang babaeng iyon sa kanyang tabi. “Sinaktan mo din kasi ang kapatid nya kaya ako ang nagdurusa ngayon. I love him so much Kuya. I thought he was sincere with me, but he just wants a revenge. Hindi nya ako minahal. Ang tanging gusto nya lang ay maghiganti sa ginawa mo sa kapatid nya. Kelan ka ba kasi magtitino? Ako ang nagdurusa sa lahat ng ginagawa mong kawalanghiyaan sa mga babae.” Matapang at galit na bigkas ng babaeng iyon kay Galvert. Malalim ang ibinigay na buntong hininga ni Galvert. Kung gayon ay kapatid ni Galvert ang babaeng ito. Bakit ba ako natuwa? At sa narinig ko ay mukhang niloko sya ng lalaking kausap nya kanina. Naantig ang puso ko sa eksenang ito. Isang mapagmahal na kuya na labis na nag-aalala sa kanyang kapatid ang nakikita ko ngayon sa kanya. Hindi ko ito madalas makita sa personalidad nya at talagang namangha ako sa ipinakita nyang ito. “Hey Georgina. Kinse anyos ka pa lang. Dapat ay pag-aaral muna ang atupagin mo.” Namumula na sa galit si Galvert Pero si Georgina ay nakuha pang asarin ang kuya nya. “Oh really? Dapat ba ay pag-aaral ang inaatupag ng isang fifteen years old? Yung mga classmates ko ninakawan mo ng virginity at pinaikot mo sa mga kamay mo. Bakit hindi mo masabi yan sa kanila?” matapang na wika nito habang nakataas pa ang isang kilay. Mas lalong namula sa galit si Galvert. “Ginusto nila iyon.” Maikling sagot nya “Well, ginusto ko ding masaktan kaya huwag ka ng makilaam pa sa akin. Please lang.” banggit ni Georgina Aalis na sana sya ngunit bigla syang napatingin sa akin. Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Natakot naman ako sa pag-eksamin nya sa buong pagkatao ko. “Good luck girl. Huwag mo sanang ibigay sa kuya ko ang virginity mo!” mataray na wika nya sa akin. Tinalikuran na nya kami at lumihis sya ng daan. Mukhang papunta sya sa Building B na nasa kabilang ibayo. Nang mawala ang presensya nya ay lumuwag ang dibdib ko. Matapang si Gerogina at mukhang hindi sya kayang pasunurin ni Galvert. Nakahanap sya ng kanyang katapat sa katauhan ng kapatid nya. “Tigas ng ulo nya!” galit na wika ni Galvert Napailing na lang ako sa kanya. “Narinig mo ba ang sinabi nya? Kelan ka daw ba magtitino? Halos lahat na yata ng estudyante dito ay nakuha mo na.” sambit ko Napatingin sya sa akin at bumaba ang mga ito sa aking dibdib. Kinabahan na naman ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin. “Hindi ko pa nakukuha ang lahat..” wika nya. Napaurong akong patalikod dahil sa mga sinabi nya. Kung gayon ay may balak talaga syang kunin ang p********e ko? Nakakainis sya! Kaagad nyang hinatak ang mga kamay ko. Para akong batong nanigas dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi nya. “Kumain na tayo my loves. Kailangan natin ng lakas para magawa ang mga bagay bagay.” Sambit nya na tila may ibang pahiwatig ang mga ito. Napanguso ako sa mga tinuran nya. Ang dumi ng utak nya. “Hoy sandali lang, magkaintindihan nga tayo!” pagpipigil ko sa kanya. Kunot noo nya akong pinagmasdan. “What?” maangas na tanong nya. Pinagekis ko ang mga kamay ko sa aking dibdib at matapang ko syang hinarap. “Pumayag akong makipaglaro sayo sa loob ng isang buwan pero hindi kasama doon ang pagkuha mo sa virginty ko. Hinding hindi mo ako makukuha Galvert!” galit na wika sa kanya. Mas diniinan ko ang pagkakabigkas ko upang tumatak sa kokote nya ang bagay na ito. “Relax, masyado mo namang pinangungunahan ang lahat. My loves pwede ba kumain muna tayo? Gutom na talaga ako.” Malambing nyang wika. Sa mga haplos nya sa akin ay kaagad namang nawawala ang inis ko sa kanya. Sa ngayon ay kakalmahin ko muna ang sarili ko at iisipin na lang na wala syang masamang plano sa akin. Hanggat hindi naman kami nagsosolo sa isang lugar ay panatag ang puso ko. At hindi ko naman papayagan ang sarili ko na makarating kami sa isang lugar na kaming dalawa lang. Iyon lang ang dapat kong isipin sa ngayon. Pagpasok namin sa cafeteria ay awtomatikong nahahawi ang mga estudyante upang bigyan kami ng daan. Hindi na rin namin kailangang pumila dahil alam ng mga estudyante na ang Black Fire Trio ang priority kahit saang lugar sa Universidad na ito. Simula nung maging lucky girlfriend nya ako ay hindi na ako nagbabaon ng pagkain dahil sinasagot naman nya ang pananghalian ko hanggang sa meryenda, may bonus pa ngang dessert. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko bilang lucky girlfriend ng BFT, ang laki ng natitipid ko. At isa pa ay hindi ko na kailangang pumila sa cafeteria dahil malakas ang BFT sa Universidad na ito. Ang sarap ng buhay kung lagi sanang ganito. Kaya lang panandalian lang naman ang lahat. Habang nakapila kami ay namataan namin si Scarlet na nakatayo sa may gilid. Kilala si Scarlet sa buong Universidad dahil sa taglay nitong kagandahan. Half German half pinay kasi sya kaya naman angat talaga ang ganda nya sa lahat ng mga estudyante. “Hi beautiful. Mag-isa ka lang? Sabayan mo na kami sa pila.” Sambit ni Galvert kay Scarlet at halatang todo ang papogi nito sa kaharap nyang babae. Pumintig ng ilang ulit ang puso ko dahil sa ginawa nya. Talagang hindi nya mapigilan ang sarili nyang makipag-usap sa mga babaeng natitipuhan nya. Nakakainis ang buong pagkatao nya! “No thanks, I am willing to wait. Saka maraming nauna sa akin, nakakahiya naman.” Banggit ni Scarlet. Tila sinampal ng buong buo si Galvert dahil sa mga sinabi sa kanya ni Scarlet. Natuwa ako sa pagkakapahiya nya. Napahimas sa kanyang batok si Galvert at pinakatitigan nya si Scarlet. Bakit ba napakasakit ng puso ko sa tuwing may ibang pinagmamasdan ang lalaking ito? Sa paraan ng pagtitig nya kay Scarlet ay para bang hinuhubaran na nya ito. “Okay lang yan sa kanila. Miyembro ng BFT ang nagyaya sayo na mauna sa pila. Alam kong alam mo ang rules ng BFT. Don’t be shy babe..” paglalambing pa nya. Hinawakan pa ni Galvert ang kamay ni Scarlet. Kitang kita ko sa mga mata ni Galvert ang kagustuhang makasama ang magandang babae sa harapan nya. Tila ba naging palamuti lang ako dito. Nagmumukha akong tanga dahil ako ang lucky girlfriend nya pero mas pinahahalagahan nya si Scarlet. Hindi na rin nakatanggi si Scarlet at kusa syang sumama kay Galvert. Nauna sila sa counter at sabay na pumili ng makakakain. Samantalang ako? Para akong hangin na hindi napapansin. Padabog akong nagtungo sa kinaroronan ng dalawang iyon. Nakaakbay pa talaga ang Galvert na ito kay Scarlet? Sa sobrang inis ko ay pumagitna ako sa kanila at isiniksik ko ang sarili ko para mapaghiwalay sila. “Ouch!” maarteng sambit ni Scarlet. Wala akong pakialam kung muntikan na syang matumba dahil sa ginawa ko. Ang mahalaga sa akin ay mapaghiwlay ko silang dalawa. Salubong ang kilay ko habang nakatitig kay Galvert. Naiinis ako sa kanya. “My loves? Nakakalimutan mo yata ako!” galit na bulyaw ko. Napalunok ng dalawang beses si Galvert at ramdam kong natakot sya sa pagbulyaw ko sa kanya. “N-no, hindi kita nakalimutan. Ikaw pa ba makakalimutan ko?” paglalambing nya. Pero ang Scarlet na ito ay parang walang pakialam. “Ate, kukunin ko na yung nag-iisang cupcake.” Banggit ng Scarlet na iyon Tumaas ang kilay ko. “My Loves, gusto ko yung cupcake na iyon eh, ayan tuloy kinuha na nya. Inuna mo pa kasi sya! Wala na tuloy akong ganang kumain.” galit na galit kong bulyaw sa kanya. Nakabusangot na ako sa harapan nya. Napahawak naman sa kanyang noo si Galvert. “Ate, wala na bang available na cupcakes para sa girlfriend ko?” tanong nya Umiling sa kanya ang nagbabantay sa counter. "Last na po yan Sir." Mas lalo akong nainis dahil sa isinagot nito. Ngayon ko malalaman kung sino ang mas matimbang sa kanya? Ako na lucky girlfriend nya o ang magandang si Scarlet. Kapag si Scarlet talaga ang pinili nya ngayon ay talagang iiwanan ko sya! Subukan nya lang talaga. “Ms. Scarlet, okay lang ba na ibigay mo na lang sa girlfriend ko ang cupcake? I’m sorry..” banggit ni Galvert Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko. Alam naman pala nya kung sino ang matimbang sa kanya ngayon eh. “Oh sure.” Sagot naman nung babae Napangiti ako nang ilagay ni ate ang paborito kong cupcake sa tray namin ni Galvert. Nakaarko ang mga kilay ko hanggat nakikita ko ang presensya ni Scarlet. Hindi ako mapalagay kapag nariyan sya sa paligid. Nang umalis si Scarlet ay may palihim na sulyap si Galvert sa kanya. Aba! Sinusubukan nya talaga ako? Naningkit muli ang mga mata ko sa pekeng boyfriend ko. “Gusto mong bulagin kita? Yung mata mo kung saan saan nakatingin!” galit ko na namang bulyaw sa kanya. Nirolyohan ko sya ng mga mata dahil talagang naiinis ako sa kanya. Napakagat labi sya. At maya maya lang ay napangiti sya sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang kanyang mga ngiti basta kinaiinisan ko sya. “Ano? Bakit ka ba nakangiti dyan?” galit na tanong ko. Mas lalong lumawak ang mga ngiti nya at napapailing na lang sya sa akin. “Gusto ko yan. Gustong gusto ko ang pagseselos mo.” Sambit nya Napanganga ako. Nagseselos ba ako? Masyado bang halata ang mga ipinakita ko sa kanya kanina? Gosh! Napalunok naman ako ang dalawang beses dahil sa sinabi nya. “Ha? Ahaha, oh di ba ang galing kong umarte? Ganun naman ang gusto mo di ba? Ang umarte akong girlfriend mo!” wika ko. Bigla syang napanguso sa harapan ko. Nadismaya yata sya nang sabihin kong umaarte lang ako. Pero ang totoo, hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Nagpapanggap nga lang pala kami at wala talaga akong karapatan na punahin ang mga ginagawa nya. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko na hindi mainis nang makita ko kung paano sya makipagharutan sa Scarlet na iyon. Nasa panganib na yata ang buhay ko dahil tila nagugustuhan ko na ang pagkukunwaring girlfriend nya! Gosh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD