Amara Pilit ko mang ibaon sa puso ko ang katotohanan na unti-unti ko nang nagugustuhan si Galvert, ngunit lalo lamang akong nahihirapan. Habang tumatagal ay palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kapag magkasama kami ay ipinaparamdam nya sa akin na importante ako sa kanya. Ginagampanan nya ng maayos ang pagiging boyfriend nya kahit pa ba hindi naman ito pangmatagalan. Ang galing nyang hulihin ang kiliti ko. Talagang sanay na sanay syang humawak ng babae at alam na alam nya kung paano ba bilugin ang utak ng mga ito-- kasama na ako. Umpisa pa lang naman ay alam ko nang hindi totoo ang mga ipinapakita nya sa aking paglalambing kung kayat malakas ang kumpiyansa ko sa aking sarili na hindi ako matatamaan sa katulad nyang babaero. Nagtataka ako noong una sa mga babaeng madaling bu

