Amara Halos nakaisang oras na akong nakaduty sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko ngunit wala pa ring Galvert na nagpapakita sa akin. Panay na nga ang masid ko sa may labas kung nariyan na ba sya. Kinakabahan pa rin ako kung sakaling magpakita sya sa akin ngayon. Pero paano nga kaya kung hindi sya sumulpot ngayong gabi? Ano ba ang maaari kong isipin? Wala na ba talaga syang pakialam sa akin o may isang bagay syang iniiwasan na hindi nya gustong malaman ko. Marami ang gumugulo sa utak ko. Habang nagpupunas ako ng mesa ay bigla na lamang sumulpot sa likuran ko si Ernest. My inilagay sya sa bulsa ng apron ko. Kunot noo ko naman syang pinagmasdan habang nakangiti sya sa akin. Kinuha ko ang bagay na inilagay nya sa apron ko. Napangiti naman ako nang makita ko ang maliit na bote ng

