FITS 25

1317 Words
CHARLOTTE POV "Maraming salamat po sa pag-imbita sa akin, tita, tito," pagpapaalam ko sa mga magulang ni Hiro nang dumating na ang oras para umuwi. "It is our pleasure to meet you, hija," ani ng mommy ni Hiro. "Pihikan sa babae ang anak ko so seeing him bring a girl in our house is a breather, Cha. Muntikan ko na kayang isipin na bakla 'tong anak ko. Of course, wala namang mali roon, but I want an apo 'no!" "Mommy naman," tila pag-aawat ni Hiro. Natawa naman ako dahil nakita ko ang pamumula ng tenga ni Hiro sa sinasabi ng mommy niya. "Hindi makakaalis si Cha niyan kasi chinichika mo pa." His mom chuckled. "Okay, okay. Papaawat na at medyo pagod na rin ako. I have meetings to attend to tomorrow kaya kailangan ko na rin magpahinga," aniya. "O siya, Cha ha? Aasahan ko na papasyalan mo 'ko ulit when you have time—" "Mommy!" "All right, all right! Ito na, mananahimik na. Napakasungit mo. I can't believe that you're my son." Pare-pareho kaming natawa nang tila nagtatampo na ang nanay ni Hiro sa sarili nitong anak kaya agad namang naglambing ang isa sa ina. I am happy for Hiro na ganitong pamilya ang mayroon siya. He deserves this. Tuluyan na kaming nagpaalam sa pamilya ni Hiro at agad niya naman akong inalalayan sa paglabas namin ng gate nila, maging sa pagsakay sa kaniyang sasakyan. "Sorry about mom," ani nito nang makasakay sa driver's seat. "Ano ka ba, wala namang mali ro'n," saad ko. "Nakakatuwa nga ang mommy mo kasi ang bait-bait niya tapos welcome na welcome ako sa bahay ninyo. But..." I breathed at saka nilingon si Hiro, "when will you tell her the truth about me? Nakakaguilty na ang bait sa akin ng mommy mo tapos nagtatago tayo ng gano'n sa kaniya." A subtle smile came out of his lips. "Hindi ko pa kayang sabihin kay mommy," aniya. "Bago pa lang niya nababawi ang lungkot niya sa nangyari sa kanila ni daddy, ayokong masira ulit 'yong ngiting nakikita ko na ulit kanina." Napabuntong-hininga ako. Hindi ko masisisi si Hiro. After all, sino ba namang anak ang gustong masaktan ang sariling ina nila? Kahit ako ay hindi ko gugustuhin na masaktan si mama ng ibang tao. "When the mess happened, nawalan ako ng gana no'n na umuwi rito sa bahay," he uttered. "Kada uuwi ako, makikita ko si mommy na umiiyak, asking me the same questions all over again. Questions na kahit ako hindi ko masagot dahil una, hindi ko naman alam kung nasaan si daddy at pangalawa, hindi ko kayang sagutin no'n ang tanong ni mommy kung saan ba siya nagkukulang kay daddy. In my eyes, she's the epitome of perfection. Nakakagalit lang din na naisipan pa ni daddy na pagtaksilan si mommy sa kabila ng kabutihan at pagmamahal na ibinigay ni mommy sa kaniya." Wala akong nakapang salita para sabihin. Wala ako sa pwesto para makialam o magbigay ng komento sa naging issue sa pamilya nila. He's still in deep pain, pain na tanging acceptance at forgiveness na lang ang makakaalis. I know exactly how he feels. Paniguradong gaya ko, dinoubt din nito ang sarili niya, thinking if he wasn't enough to keep the bond between his parents. "No matter what, nandito lang ako," ang tanging nasambit ko. Sumilay naman ang isang ngiti sa labi nito. Hindi man iyon buo, kahit papaano ay nakahinga pa rin ako nang maluwag dahil hindi gaya noon, hindi na ito umiiyak dahil sa sakit na hindi niya nailalabas. Tahimik ang naging byahe namin. Wala sa amin ni Hiro ang nagsasalita. Maybe he's thinking, at ako naman ay mas pinili kong manahimik to give him peace and to respect his privacy. Nagtetext na rin sa akin si mama at nireplyan ko naman ito agad na pauwi na ako. Hindi naman na rin ito nagreply kaya muli ko na lang na itinago ang cellphone ko. Nang makarating na kami ni Hiro sa bahay ay sandali pa akong nanatili sa loob ng sasakyan. Hiro's not moving, nakahawak lang ito sa manibela ng sasakyan niya. I didn't left him dahil alam kong hindi ito okay. He could use a company and as of the moment, ako lang ang makakasama niya. When his breathing became calmer, naging kalmado na rin ako. Patago kong tinignan ang mga sumunod na galaw niya. I don't know but I am affected too sa lahat ng nararamdaman nito. Kapag nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Kapag malungkot siya, nalulungkot din ako. I am at my point in life na ag kasiyahan niya ay kasiyahan ko na rin. I don't know if I am feeling these emotions dahil sa kaibigan ang turing ko rito because I am starting to doubt myself, too. I am doubting myself dahil may kung ano sa loob ko na nagsasabi na iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Not because he likes me at pakiramdam ko ay responsibilidad kong ibalik ang nararamdaman nito, but because I actually like him too. Nang mukhang naging okay na ito ay bumaba na siya ng sasakyan niya, umikot at saka ako pinagbuksan ng pinto sa gawi ko. Nagpasalamat naman ako dahil sa simple gesture nito. "Mag-iingat ka sa pag-uwi mo," sabi ko. "Thank you sobra para sa araw na 'to. Sobra akong nag-enjoy. Pakisabi rin sa parents mo na maraming salamat." Ginulo nito ang buhok ko nang bahagya. Nang makitang sumama ang mukha ko sa ginawa niya ay siya rin ang nag-ayos ng buhok ko. Para namang may kung ano sa dibdib at tiyan ko ang naghurumintado nang maramdaman ang kamay niya na tumama sa tenga ko. "You don't have to thank me for it," aniya. "In fact, ako pa ang dapat magpasalamat sa 'yo kasi napasaya mo nang sobra si mommy. It means a lot, Cha." Ngumiti ako bilang tugon. Nagpaalam na kami sa isa't isa nang biglang lumabas si mama ng bahay na may hawak pang sigarilyo. Hiro waved and greeted at my mother nang makita ito. Tanging tango lang naman ang naisagot ni mama sa kaniya kaya minabuti na ng isa na umalis. Nang mawala na sa tingin ko ang sasakyan nito, nilingon ko si mama at saka ako nagmano. "Galing ka sa kanila so nakita mo ang mommy ni Hiro," ani mama. Tumango ako. "Kumusta naman sila? Iyong daddy ni Hiro, kumusta?" Hindi ko napigilan ang pagbuntong-hininga nang marinig ang tanong nito sa akin. "Ma, okay sila. Inaayos nila ang pamilya nila kaya sana po huwag na natin guluhin," saad ko. "Pinapasabi rin po pala ng daddy ni Hiro na pasensya na sa gulong idinulot niya sa atin," dagdag ko. Sa hindi ko inaasahan ay tumawa ito. "Porke ba kinukumusta ko ang tao ay may balak na ako agad na manggulo? Hoy, Charlotte, ayos-ayusin mo nga 'yang mindset mo sa akin!" asik ni mama at saka ako inirapan. "Sabihin mo ro'n sa tatay ni Hiro na kainin niya ang pasensya niya! Punyeta!" Itinapon ni mama ang sigarilyong hawak nito at saka ako tinalikuran. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga at saka sumunod kay mama sa pagpasok sa bahay. Dinig na dinig ko ang padabog na pagsara nito ng pinto ng kwarto niya kaya dumiretso na ako sa kwarto ko. Mabilis akong naglinis ng katawan ko at saka nahiga ng kama. Sa hindi ko inaasahang sandali ay tumulo ang luha ko. In order to save Hiro's family, kailangan kong masaktan ang nag-iisang kapamilya ko. But still, I won't let my mom destroy another family because upon doing so, hindi lang pamilya ng ibang tao ang sisirain niya, dadagdagan niya lang din ang issue na ibinabato ng ibang tao sa kaniya. So, if hurting her will prevent her from doing that, lulunukin ko na ang konsensya ko at gagawin ang makakaya ko para hindi na mas mapariwara si mama. If I have to hurt her in order to protect her, iyon ang gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD