FITS 26

1250 Words
CHARLOTTE POV "So, anong nangyari no'ng pumunta ka sa bahay nina Hiro?" pangungusisa pa rin ni Annaisha sa akin. Muli naman ay napasimangot ako dahil mula no'ng nagkita kami ulit ay ayan na ang naging tanong niya sa akin. Pinagsisisihan ko tuloy bigla na binanggit ko pa rito na pumunta ako sa bahay nina Hiro. Natatawa naman si Sarah habang naiiling na pinagmamasdan kaming dalawa. "Feeling ko maisusubo na ni Cha ang burger niya sa 'yo isang beses pa na magtanong ka ng tungkol sa pagpunta niya kina Hiro," saad ni Sarah. Thank you for giving me an idea, Sah. "Ano ba naman kasi kayo, curious lang naman ako sa mga naging ganap kasi kinikilig ako. Akalain mong hindi pa sila pero may meet the parents na," ani Annaisha at saka ako mahinang pinaghahampas sa braso ko at impit pa itong napapatili. "Hay naku, kailan kaya gagawin ni Calebabes sa akin ang ginagawa ni Hiro? Feeling ko talaga natotorpe lang ang isang 'yon sa akin. Ayaw niya pa umamin, eh gusto ko rin naman siya," dagdag nito na tila nagdidaydream na naman kay Caleb. Nagkatinginan kami ni Sarah at sabay kaming napailing. "Kung may hinihintay man si Caleb, siguro 'yon ay 'yong kung kailan ka susuko sa paghahabol sa kaniya," pang-aasar ko at saka ito binelatan. Mabilis na sumama ang mukha ni Annaisha at sa kabutihang palad ay hindi na ito ulit nagtanong sa akin ng tungkol sa pagpunta ko kina Hiro. Iyon lang pala ang makakapagpatahimik sa isang 'to edi sana ay kanina ko pa sinabi ang bagay na 'yon. "Sa'n pala tayo bukas para sa pag-aayos no'ng feasib natin?" tanong ni Sarah. "Sa amin na lang, baka hindi rin ako payagan na lumabas ng bahay eh," ani Annaisha na sinang-ayonan naman namin ni Sarah. Magdedefense na rin kami about doon at hindi pa namin nafafinalize ang final paper. We barely have two weeks left bago matapos ang semester na 'to. "Cha! Sarah! Annaisha!" Napalingon ako sa likuran ko nang may bumati sa amin. Doon ay nakita ko si Caleb na papalapit sa amin. Nakasuot pa ito ng uniporme niyang pangbasketball. Tumingin ako sa likuran nito ngunit tanging ang ibang teammates niya lang ang kasama niya at wala si Hiro. "Kung si Hiro ang hanap mo, Cha, busy kasama ni Thalia," aniya. "Thalia? Sino 'yon?" pagtatanong ni Annaisha. "Ah, classmate namin na kagrupo niya sa design," sagot ni Caleb. "Malapit na rin kasi ang pasahan at medyo nabibusy kami nitong mga nakaraan kaya ayon, nakonsensya ang kumag dahil si Thalia ang nag-aasikaso ng lahat para sa kanilang dalawa." Kilala ko si Thalia. Hindi naman ito ang unang beses na narinig ko ang pangalan nito at hindi rin bago sa akin ang mukha niya. We met when Hiro's still in the clinic at mukha nga ring malapit ang dalawa sa isa't isa. "Nagsabi ba sa 'yo si Hiro?" tanong ni Annaisha sa akin. "Nagsabi ng?" "I mean nagpaalam gano'n na may iba siyang makakasamang babae." I hissed. "Bakit pa niya kailangang magpaalam sa akin? Acads related 'yon, Annaisha. Isa pa, hindi naman kami magkaano-ano para magpaalam pa ito sa kung ano ang gagawin niya." "Don't worry, Annaisha, kahit naman maloko 'yon si Hiro sa tropa, alam ko naman na wala siyang balak na pumorma sa iba," tila assurance ni Caleb. Hindi na sumagot pa si Annaisha nang tignan ko ito kaya si Caleb ang nilingon ko. "Pasensya na, Caleb, at saka maraming salamat," saad ko. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ito sa amin dahil limitado lang din ang break time niya. Hanggang sa matapos kami sa cafeteria ay hindi ko na rin talaga nakita si Hiro. Mukhang abala nga ito sa ginagawa nila sa design. I checked my account but wala ring message roon si Hiro. Ilang sandali pa ay may friend request na pumasok sa account ko. I was shocked nang makita ko kung kanino galing 'yon. It was from Thalia Eirenne. I accepted it at agad naman na nagnotify iyon sa akin. I checked her profile at ang kaniyang kasalukuyang story. It was a video of Hiro na tutok na tutok sa laptop nito. Nang makita ni Hiro ang camera ay nagpeace sign ito na ikinatawa naman ni Thalia. "Wah, sa cellphone ko pa lang siya nakikita pero ayoko na sa kaniya." Dali-dali kong naitago ang cellphone ko nang marinig ang boses ni Annaisha sa likuran ko. Hindi ko napansin ang paglapit nito kaya nakita niya ang pinanunuod ko. "Mabait na tao si Thalia. There's nothing to worry about dahil magkaibigan sila ni Hiro," saad ko. "At kayo? Ano kayo?" she asked. "Isa pa, halata ngang ang bait-bait ng isang 'yan. Akalain mong nag-effort pa na i-add ka muna bago siya naglagay ng my day. Hindi naman halatang sinadya, 'no?" she added in a very sarcastic tone. I heaved a deep sigh. "Nagkataon lang naman siguro," saad ko bago umayos ng upo. "O sige, dadamayan kita na magtanga-tangahan para naman hindi ka nag-iisa," ani ulit nito sa sarkastikong tono ng pananalita bago naupo sa tabi ko. "Babae ka rin. Alam mo kung kailan ang nagkataon at kailan ang sinadya, Cha. Look at her side note sa my day niya. Kulang na lang sabihin niyang jowa niya si Hiro." "She has all the rights, Annaisha. Isa pa, ano naman ang mapapala ko kung maiinis at malulungkot ako? Hindi naman din kami. Magkaibigan lang kami ni Hiro kaya dapat lang na magset kami ng boundary sa isa't isa," paliwanag ko. Pakiramdam ko ay nagsisinungaling na lang ako nang mga oras na 'yon. May kung ano sa akin na hindi tanggap ang rason ko. "Sana lahat ng kaibigan alam ang limitasyon diba?" aniya. Hinampas ko ang balikat nito dahil ayaw niya pa ring tigilang i-bash ang taong wala rito. Nang dumating ang prof namin para sa susunod na subject ay halos magpasalamat ako dahil nanahimik si Annaisha lalo pa at favorite subject niya ito. Nang magvibrate ang cellphone ko ay pasimple kong tinignan 'yon. It was a message from Hiro. Binasa ko iyon at humihingi ito ng pasensya na hindi siya nakapagpaalam sa akin. Mukhang nabanggit ni Caleb ang nangyari kanina sa cafeteria. I typed a reply to him na okay lang 'yon at hindi naman niya kailangang gawin ang bagay na 'yon. Inihabol ko na rin na nagbibiro lang si Annaisha. Nagreply rin ito agad na babawi siya sa akin. Napangiti naman ako nang bahagya dahil doon. Sinabihan ko na lang ito na magfocus muna sa kailangan niyang gawin at huwag na muna mag-isip ng kung ano bago ko itinago ang cellphone ko. "Lawak ng ngiti ah?" pabulong na saad ni Annaisha at saka tinusok pa ang tagiliran ko kaya medyo napapitlag ako. Sinamaan ko ito ng tingin pero binelatan lang ako ng lukaret. "Isang text lang ni Hiro, bumibigay na. Hay naku." "Gaga, nakarating sa kaniya ang pinagsasasabi mo kanina kaya humingi ako ng pasensya," saad ko. "Makinig ka na lang at paniguradong tatawagin ka ng prof natin mamaya," dagdag ko dahil ayon naman ang palaging senaryo. Masyadong naging paborito ni Annaisha ang subject na 'to kaya paborito rin siya ng prof namin dito—paboritong tawagin kapag may recitation. May panahon pa na naextend kami nang 30 minutes dahil sa pagdedebate nilang dalawa. Hindi ako nagkamali dahil nang matapos ang klase ay si Annaisha ang unang pinagrecite nito. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon para yumuko at mag-isip. Ngayon ko mas narealize ang lungkot sa dibdib ko, isang kakaibang lungkot na ngayon ko lang naramdaman...and he's the reason.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD