FITS 27.1

802 Words
CHARLOTTE POV Pagod na pagod ako nang umuwi ako sa bahay namin. Galing ako sa bahay nina Annaisha at tinapos na namin ang final paper namin para sa defense for this year. Nagbrainstorming na rin kami for possible questions na maaaring itanong upon our defense at saka sinubukan naming sagutin ang mga iyon. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakapatay ang mga ilaw. I checked my wristwatch at 8:30pm na kaya imposibleng wala pa si mama galing sa trabaho nito. Nagpunta ako sa switch para buksan ang ilaw. Dumiretso naman ako sa kusina para ayusin ang barbeque na nadaanan ko sa labas na magiging ulam ko at isinalin ang ice water na nabili ko sa kanto. Akmang iinom na ako nang makita ko ang papel na nakapatong sa may plastik na bulaklak sa mesa. I unfolded the note at napatampal ako sa noo ko nang mabasa ang laman no'n. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ni mama at kinuha ang taguan nito ng pera sa ilalim ng kama niya. Kumuha ako ng saktong pera roon at saka dinampot ulit ang bag ko at saka tumakbo palabas ng bahay. Sakto namang may dumaang tricycle kaya mabilis akong nakasakay papunta sa presinto na nasa sulat. Wala akong ibang nagawa buong byahe kundi ang mapabuntong-hininga at masabunutan ang sarili. Hindi ko alam kung anong nangyari kaya naguguluhan ako kung bakit nasa presinto na naman si mama. "Manong, bayad," ani ko sa driver. Hindi ko na hinintay pa ang magiging tugon nito, maging ang barya ko at tumakbo na ako agad papasok ng police station at dumiretso sa front desk. Hindi ko pa man binabanggit ang pangalan ni mama ay alam na nila kung sino ang sadya ko. Sa dami ba naman ng beses na nagagawi ako sa istasyon na 'to, imposible nga naman na hindi pa nila kami kilala. Nang makita ko si mama ay naninigarilyo pa ito. Binayaran ko ang pyansa na nakasaad sa sulat at agad namang inasikaso 'yon ng mga pulis. "Mauuna na ako sa labas," paalam ni mama sa akin. Napahinga lang ako nang malalim nang talikuran na ako nito. "Iyang nanay mo, wala pa ring kadala-dala. Buti na lang kagaya mo ang anak niya at hindi ka sumusuko sa mga pinaggagagawa niyan," ani no'ng pulis sa front desk. "Napakasira ng ulo eh. Bigla ba namang nanuntok sa bar ng customer—" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito. "Mawalang galang na po, sir, pero pakirespeto naman po ang nanay ko," saad ko. "Wala ako sa pinangyarihan ng lahat pero alam kong hindi niya 'yon gagawin nang walang rason." "Tanungin mo ang nanay mo sa rason niya dahil ayaw niyang magsalita sa amin. Goodluck sa buhay ninyo, ineng," sagot nito at saka iniabot sa akin ang isang papel na patunay ng pagbayad ko at pagkarelease ng nanay ko. Nagpasalamat na lang ako rito at saka lumabas na. Doon ay nakita ko si mama na nakapameywang habang naninigarilyo. Agad kong kinuha ang sigarilyo nito at tinapakan 'yon. "Hindi po maganda sa kalusugan na palagi na kayong naninigarilyo," saad ko at saka napahinga nang malalim. "Ma naman, akala ko tapos na tayo rito? Bakit parang bumabalik na naman kayo sa gawain ninyo dati na lalabas-pasok ng presinto? Nanuntok daw kayo ng customer ninyo, pinagpipiyestahan tuloy kayo ng mga pulis sa loob." Sa gulat ko ay tumawa ito. "Wala naman silang alam kung bakit ko ginawa ang bagay na 'yon kaya sino sa amin ang nagiging tanga na patawa-tawa? Isa pa, parang hindi ka pa nasanay sa ganito, Cha. Wala namang bago sa ganitong buhay—" "Ma naman!" Napahilamos ako sa mukha ko. "Gusto ko rin na maayos ang buhay natin pero hindi ko 'yon kakayanin nang mag-isa kaya pakiusap naman po, huwag na kayo bumalik sa ganitong gawain ninyo." "Buti nga suntok lang ang ginawa ko sa gagong 'yon, kung tutuusin pwede ko na siyang patayin eh—" "Ma!" Napalingon ako sa paligid para tignan kung may malapit sa amin na nakarinig no'ng sinabi niya. Ngumiti ito nang bahagya. "Mukhang pati ikaw may husga sa akin dahil sa alam mo," aniya. Natigilan naman ako dahil sa sinabi nito. Inalis nito ang kamay ko na nakahawak sa palapulsuhan niya at saka ako tinalikuran. "Ma..." pagtawag ko rito. Huminto ito ngunit hindi ako nilingon. Akmang lalapit na ako sa gawi niya nang muli siyang magsalita. "Sinuntok ko 'yong gago kasi matagal na niyang binubugbog ang kinakasama niya na katrabaho ko sa bar. Kahit pa sabihing ganito lang ang trabaho namin, wala pa ring kahit na sino ang may karapatan na tratuhin kami na parang hayop," sabi ni mama. Hindi ako nakasagot dahil biglang bumigat ang pakiramdam ko. "Gusto ko na umuwi. Bilisan mo riyan." Napayuko ako dahil sa kawalan ng sasabihin. Mabibigat man ang bawat hakbang ay sumunod ako kay mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD