FITS 27.2

1571 Words
CHARLOTTE POV Naging abala kami nina Annaisha buong araw dahil finals na namin. Mamayang hapon ay start na rin ng defense ng department namin para sa pinagawang feasibility study sa amin. Maging sina Hiro ay hindi namin halos makita ngayon dahil finals week din nila at balita ko ay ginigisa sila sa design nila ngayon. Katatapos lang din ng isa naming exam at kasalukuyang break time namin ngayon bago ang isa pang exam and after that, defense na. "Cha, kain ka na muna," ani Annaisha at saka ako hinagisan ng isang burger na binili nito mula sa canteen. Sila lang kasi ni Sarah ang pumunta roon para magmeryenda muna at nagpaiwan na ako sa classroom para aralin pa ang points na medyo naguguluhan ako. Pinapractice ko rin ang pagsasalita para kahit papaano ay maiwasan ko ang mautal mamaya, lalo pa at bawal na bawal 'yon sa defense. Makalipas ang ilang minuto ay muli na kaming pinapasok ng proctor namin sa room para magtake ng huling exam namin ngayong araw. Itinago ko na rin muna ang mga ginamit ko para sa pag-aaral ng feasibility study namin, maging ang notes ko sa subject na eexamin ngayon ay itinago ko na rin dahil kailangan na nasa tapat ng blackboard ang mga bag namin during exam. We were given two hours to take the exam. Nauunang pinapalabas ang mga nakakatapos ng exam kaya nang matapos ko na ang pagsasagot ay agad na rin akong nagpasa ng papel ko. Sinenyasan ko naman sina Annaisha at Sarah na mauuna na ako sa labas and they gave me an okay sign. Dumiretso na muna ako sa canteen matapos ang exam para bumili ng makakain ko. Tinext ko na lang din sina Annaisha na sa canteen na ako maghihintay sa kanila dahil malapit na rin naman sa canteen ang room kung saan kami magdedefense. Muli kong binasa ang feasibility study namin habang naghihintay ako sa kanilang dalawa. After few more minutes, dumating na rin ang mga ito kaya napagkasunduan na namin na magpalit ng formal wear namin para mamaya. "Basta kapag nautal ako mamaya, pakisalo na lang ako," ani Sarah. Umismid naman ako. "Isa ka sa pinakamagagaling magsalita sa room, Sah, wala kang mauuto rito." Matapos ang ilang pagkikwentuhan namin at pag-aayos ng kani-kaniyang sarili ay pumunta na kami sa Perez Hall para pumila para sa mangyayaring defense ngayong araw. Kalahati lang muna ng section namin ang magdedefense ngayon at bukas naman ang iba, kaya iyong mga walang defense ngayon ay libre na na umuwi. Bukas, kami naman ang may chance na makauwi nang maaga pagkatapos ng lahat ng exams namin. Pang-apat pa kami sa sasalang pero tinigilan ko na ng pag-i-scan ng papel namin dahil kailangan ko nang ipahinga ang sarili ko, gano'n din ang utak ko. Sina Annaisha at Sarah ay nagsicellphone na lang din at hindi na nagbabasa. It was almost 3:30pm nang magawa naming makapasok sa loob ng defense room. When we got there, we started right away dahil limitado ang oras na ibinibigay sa bawat presenter. "Kindly explain further in terms of the profit and loss over a period of time," sabi noong isa sa mga panel. Samut-saring mga tanong pa ang ibinato sa amin ng bawat isa sa mga panel na naroon at sa buong oras na ginigisa nila kami, puno lang ng kaba ang dibdib ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang unti-unti ay nabawasan na ang mga nagtatanong sa kanila. "Congratulations on your successful defense. You were able to present your work clearly and in complete detail. You were also able to answer all of our questions confidently which means that you studied your work thoroughly. For that, we will no longer require any revisions," anunsyo noong head panel. Sabay-sabay kaming nagpasalamat sa kanilang lahat at nakipagkamay na sa bawat isa sa kanila. Pare-pareho kaming may malalawak na ngiti nang makalabas kami ng defense hall. "s**t!" bulalas ni Annaisha. "Gagi, sulit ang pagpapagod natin!" Abala kami sa pagsicelebrate ng katatapos lang naming defense nang may biglang tumakip sa mga mata ko kaya natigilan ako. Judging from the scent of the person who did that, alam kong si Hiro ito. "Kilala na kita sa pabango mo, Hiro," sabi ko. Tumawa naman ito bago niya binitawan ang mga mata ko. Nangiti ako nang malapad nang makitang nakangiti rin ito. "Tapos na kayo? Kumusta?" he asked. "Walang revision!" I excitedly uttered. Napatalon pa ako na parang bata dahil tuluyan nang nagsisink in sa akin na wala na kaming poproblemahin sa papel namin. Ginulo naman nito ang buhok ko at saka ako c-in-ongratulate. Maging sina Annaisha at Sarah ay pinuri rin nito for a job well done. "Sabi ko naman sa 'yo kaya mo, eh," sabi pa ni Hiro sa akin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito. Days before our defense, may pagkakataon na nagmemessage ako kay Hiro at sinasabi rito na kinakabahan ako sa mangyayaring defense. Lagi namang inuulit-ulit nito sa akin na kaya ko 'yon at magtiwala lang ako sa sarili ko. Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Caleb at Stephen na may mga dalang pagkain para sa amin. Nagpasalamat kami sa kanila at kagaya ni Hiro, they congratulated us dahil sa successful defense namin at nagsabi pa na sila naman daw next year dahil sa susunod na taon pa ang pinakamain thesis nila. Tumambay na muna kami sandali sa quadrangle, listening to each other's rants about sa mga exams namin. Tawa naman ako nang tawa tuwing sinasabi ni Caleb na ang lalayo ng sagot na nakuha niya mula sa mga sagot ni Hiro at baka raw namali lang ng tanong ang teacher nila. "Tanggapin mo na lang kasi na tagilid ka ngayong finals," pang-aasar ni Annaisha rito kaya inakbayan siya ni Caleb at saka sinusumiksik si Annaisha sa dibdib nito. "Hoy! Ang baho mo! Ano ba!" "Cha," Hiro called kaya natigilan ang pagtawa ko sa ginagawa nina Annaisha. "Pwede ka pa ba lumabas ngayon? Gusto sana kitang isama kumain sa labas, celebration lang para sa natapos na defense mo." I hissed. "Kung tutuusin, ako dapat ang nanlilibre sa 'yo kasi ako naman 'tong may dapat icelebrate. Kaso hindi keri ng budget ko ang mga mamahaling kainan kaya kung ako ang manlilibre, tusok-tusok lang ang kakainin natin." "Kahit ata buhangin na lang ipakain mo sa isang 'yan, malugod niya pa ring kakainin," pang-aasar ni Caleb sa kaibigan niya. "Try mo muna kung matutunawan ka," pabalik na pang-aasar din ni Hiro rito. Binelatan lang naman siya ni Caleb at bumalik na ito sa pang-aasar kay Annaisha. "Speaking of streetfoods, may masarap na kainan sa Pampanga but it's too late para pumunta roon kasi mag-a-alas singko na. Paniguradong kailangan mo rin umuwi sa inyo nang maaga." "Pampanga? Ang layo naman niyan. May masarap din na kainan ng streetfoods sa divisoria at quiapo, natry mo na ba?" tanong ko rito. Agad naman siyang umiling. "Ano? G ka ba?" "Sure!" He excitedly told me. Nagpaalam na kami sa mga kasamahan namin dahil babyahe pa kami papuntang divisoria para maunang kumain doon. Susunod naman namin ang quiapo at bahala na kung saan pa kami mapunta sa mga susunod na oras. Kagaya ng nakagawian ay inalalayan ako nito sa pagsakay sa kotse niya. Maging sa pagsiseatbelt ay pinaalalahanan ako nito. Nang makarating kami sa divisoria ay hinanapan na muna namin ng magandang parking ang kotse nito sa Tutuban dahil masyadong maraming tao sa lugar. Nang maiayos na namin ang sasakyan niya ay hinawakan ko ito sa palapulsuhan niya at dinala ito sa mga bilihan ng mga streetfoods sa tapat ng 168. Una naming pinuntahan ang bilihan ng chicharon sebo na tinatawag. Panay ito parte ng katawan ng baka na niluto sa sarili nitong mantika. Sunod naman ay kumain si Hiro ng cheese corn, habang ako naman ay bumili ng inihaw na mais na paborito ko. Nagtuloy-tuloy pa ang paglalakad namin sa mga bilihan sa tapat ng 168. Sinubukan din ni Hiro ang inihaw na pusit, manggang isinawsaw sa bagoong at asin na pinaghalo, at maging ang version ko ng sawsawan ng streetfoods, ang pinaghalong suka at sweet and spicy na sawsawan, ay sinubukan din nito. Sunod naming pinuntahan ang quiapo kaya isinama ko ito sa sikat na bilihan ng sotanghon doon. Doon ko lang din nalaman na first time lang ni Hiro na kumain ng sotanghon and I am glad when he told me na nagustuhan niya ang pagkaing iyon. For our last stop, he drove us to Luneta at doon ay payapa kaming nanuod ng fountain show habang nakaupo sa damuhan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Pareho lang naming ninanamnam ang lamig ng gabi at ang kanta na mayroon sa lugar habang tila nagsasayaw ang tubig sa harapan namin. "Did you have fun?" tanong nito sa akin na bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Oo naman. Sobra," pag-amin ko. Kapag kasama ko si Hiro, nagpapasalamat ako na ginagawa nito ang makakaya niya para walang maging dull moment sa pagitan naming dalawa. That means a lot for someone like me na hindi nag-iinitiate ng usapan. "May gusto akong ibigay sa 'yo," aniya at may kinalikot sa bag niya sandali. Ilang segundo pa ay may iniabot itong magandang klase ng papel sa akin. It was an origami. "May nakasulat sa loob niyan but I want you to open that kung handa ka na. Kahit gaano pa katagal, basta handa ka na." Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. What did he write inside this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD