CHARLOTTE POV
Ngayon na ang umpisa ng bakasyon namin kaya minabuti ko na lang din muna na tulungan si mama sa paglilinis ng bahay namin dahil ngayon na lang din ako magkakaroon ng oras talaga para tulungan ito sa ganitong mga gawaing bahay.
"Ikaw na ang maglabas ng mga basura pagkatapos ay magluto ka na," utos sa akin ni mama habang kasalukuyan nitong pinupunasan ang mga alikabok sa estante na naroon sa sala. Agad ko namang sinunod ang naging utos nito sa akin dahil maya-maya lang din ay oras na ng pananghalian. "Charlotte, 'yong kwarto mo ba nailabas mo na rin lahat ng kalat no'n?" sigaw ni mama habang nasa kusina ako.
"Opo, ma," sagot ko.
Hindi na ito muling nagtanong pa sa akin at nakita kong abala ito sa paglalabas ng mga labahan nito galing sa kwarto niya. Nang matapos ako sa pagluluto ay agad ko ring dinaluhan si mama sa paglalaba nito. Wala naman itong sinabi nang magvolunteer ako na ako na ang magsasalang sa washing ng mga damit nito. Nang makapagsalang kami ng isang batch ng labahin ay minabuti ko na lang din muna na ayain si mama na kumain muna ng pananghalian dahil paniguradong gutom na rin ito.
"Bakasyon mo na nga pala ano? Kaya naman pala nagpapakasipag ka na ulit," aniya habang naglalagay ng kanin sa pinggan nito. Mas pinili ko na lang din na huwag na magsalita. "Maiba nga pala ako, iyong lalaking kasama mo rito, hindi lang siya kaibigan para sa 'yo ano?"
Halos mabulunan ako sa naging tanong ni mama sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla niyang naisipang itanong ang gano'ng bagay.
"Para gawin ang gano'ng bagay para sa lalaking iyon, kapag sinabi mong kaibigan lang ang tingin mo sa kaniya, kahit na sino ay hindi maniniwala," dagdag pa nito na alam kong ang pinararating ay ang pagsiwalat ko ng relasyon nila ng tatay ni Hiro. "Hindi naman kita pakikialaman sa ganyang bagay lalo pa kung gusto mo rin talaga ang lalaking 'yon. Basta kapag nasaktan ka, huwag kang ngangawa-ngawa sa akin. Iyang mga lalaki, kapag sineryoso mo, sa huli, ikaw lang din ang masasaktan. Kaya hangga't maaari, hayaan mong sila lang ang magseryoso sa 'yo. Pwede mong mahalin pero magtira ka para sa sarili mo. Para kapag nag-umpisa na silang magloko, hindi ka madedehado anuman ang mangyari. Ikaw pa naman aanga-anga ka sa ganyang bagay kasi masyado kang nagpapaniwala sa true love kuno, eh hindi naman totoo 'yang true love na 'yan! Para lang 'yan sa mayayaman."
"Ma, mabuting tao po si Hiro," pagdedepensa ko kay Hiro. "Minsan din naman po kayong naniwala sa true love no'ng naging kayo po ni papa."
"Ibahin mo 'ko, Charlotte. Ako kapag nasaktan ako, kaya ko. Eh, ikaw? Kapag nasaktan ka, sa kangkongan ka dadamputin dahil paniguradong iiyak ka nang malala sa ganyan," saad nito na tila ayaw pa rin magpatalo. "Isa pa, mabuting tao ang papa mo. Kahit ganito lang akong klase ng babae, hindi niya ako ikinahiya o kung ano pa man. Tinanggap niya ako nang buong-buo. Ikaw, gaano ka kasigurado na kaya ka ring tanggapin noong anak mayaman na 'yon?"
Mas pinili ko na lang na hindi magsalita. Ang sabi rin ni mama ay hahayaan niya na ako, basta huwag lang akong lalapit sa kaniya kapag nasaktan ako dahil binalaan niya naman daw ako sa ganitong bagay. Hindi ko rin masasabing handa akong masaktan sa ganitong bagay pero gusto kong maniwala at magtiwala na hindi ako sasaktan ni Hiro at kung mangyayari man na masasaktan ako, ang mahalaga ay wala akong pagsisisihan dahil sinubukan ko naman at worth it naman.
Nang matapos na kami sa lahat ng ginagawa namin ni mama ay minabuti ko na muna na bumalik sa kwarto ko at ayusin ang mga gamit ko sa review table ko dahil hindi ko nailigpit nang maayos ang mga nakapatong doon kanina. While I was scanning my things, napansin ko roon ang isang pamilyar na papel. It was the origami given to me by Hiro pagkatapos ng naging defense namin. Hindi ko pa rin magawang buksan iyon dahil ayon sa kaniya ay buksan ko lang ang origami na iyon kapag handa na ako. Hindi ko alam kung anong klaseng paghahanda pa ang sinasabi niya pero sa tuwing babalikin kong buksan iyon, naiisip ko na baka hindi ako handa sa kung ano ang mababasa ko sa loob no'n.
Naglinis na muna ako ng katawan ko at nagbihis bago ko muling tinitigan ang ibinigay ni Hiro sa akin. Para namang may kung anong bumabagabag sa loob ko dahil wala naman na siyang ibang sinabi pa tungkol dito. With my remaining courage, mas pinili ko na lang na buksan ang origami na 'yon at agad kong natutop ang bibig ko sa nakalagay sa loob. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa bawat katagang nakasulat sa loob ng origami.
If you're reading this, it means that you're ready for my untold truth. Charlotte, may I court you?
Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit-ulit na basahin ang nakalagay sa origami para lang makasigurado na hindi ako namamalikmata lang o hindi lang panaginip ang lahat ng 'to. Hindi naman na lingid sa akin ang nararamdaman ni Hiro para sa akin but him, asking me if he could court me, still feels different. Ni hindi ko alam kung paano ako dapat magreact sa isinulat nito sa ibinigay niya.
Hindi ko rin alam kung ilang minuto kong pinag-isipan kung ano ang susunod kong gagawin ngayong nabasa ko na ang sulat na galing kay Hiro. Nang magkaroon ako ng pinal na desisyon at sagot sa sarili ko, kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Hiro. Tinanong ko ito kung libre ba siya mamayang gabi dahil gusto kong makipagkita sa parke kung saan madalas akong tumatambay. After few minutes, he replied at sinabi nito na libre naman siya. Tinanong din nito kung anong oras kami magkikita and I told him na magkita na lang kami after dinner at umagree naman ito.
Wala pa akong ideya kung paano ko dapat kausapin si Hiro mamaya, pero ang alam ko lang ay gusto kong masabi sa kaniya ang sagot ko sa tanong nito. Muli ko pang tinignan ang papel na hawak-hawak ko kasabay ng pagbagsak ko ng katawan ko sa higaan ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag gusto ka nang ligawan ng taong gusto mo. Pero sa mga oras na 'to, wala pa akong lakas ng loob na ipaalam kay mama ang bagay na ito dahil paniguradong hindi siya masisiyahan sa balita. Kagaya ng paghihintay ko bago buksan ang ibinigay na ito ni Hiro, hihintayin ko na lang din ang tamang oras para sabihin kay mama na nagpapaalam na si Hiro na liligawan ako nito.
Gustuhin ko mang magpahinga ay hindi ko na nagawa. Iniisip ko lang ang mga bagay na pwedeng mangyari mamaya, maging ang mga sasabihin ko sa oras na magkita kami ni Hiro. Dahil hindi na rin ako makatulog ay pumunta na lang ako ulit sa kusina para mag-asikaso ng hapunan namin mamaya. Doon ay nakita ko naman si mama na naghahanda rin ng sarili niya dahil may pupuntahan daw siya. I took that chance para magpaalam dito na pupunta ako sa parke mamaya pagkatapos ng hapunan dahil may usapan kami ni Hiro.
"Bahala ka," ang naging sagot niya bago ito umalis.
Naghanap na lang din ako ng pwede kong masuot mamaya sa pagkikita namin ni Hiro kahit pa alam ko sa sarili ko na hindi ko naman talaga kailangang paghandaan ng husto ang mangyayari mamaya, pero hindi ko kayang itrato nang kaswal ang magiging pagkikita namin ngayong araw matapos ng nabasa ko.
Nagscroll na lang ako bilang pampalipas oras at nang dumating na ang alas sais ay minabuti ko nang kumain ng hapunan dahil wala pa rin naman si mama at mukhang matatagalan pa bago ito umuwi. Pagkatapos kong kumain ay muli kong minessage si Hiro na kung pwede ay 7:30 na lang kami magkita sa park, and he replied instantly na kahit na anong oras ay pwede siya.
Nag-ayos na ako ng sarili ko at saka nagbihis. Nang makuntento na ako sa porma ko ngayong gabi ay naglakad na ako papunta sa parke kung saan kami magkikita habang hawak-hawak ko ang papel na ibinigay ni Hiro sa akin. Sa buong oras na hinihintay ko itong dumating sa kaparehong lugar ay hindi ko mapigilan ang malakas at mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Si Hiro ang unang lalaki na nagtanong sa akin ng tanong na 'to kaya hindi ako sanay sa pakiramdam.
Ilang sandali lang din ay dumating na si Hiro sakay ng sasakyan niya. Nang makita niya ako ay agad itong ngumiti at tumakbo papunta sa gawi ko.
"Are you okay? May problema ka ba kaya mo gustong makipagkita—"
Hindi na nito naituloy ang dapat ay sasabihin niya nang iangat ko ang papel na hawak-hawak ko. Nang mamukhaan niya iyon ay agad din siyang natigilan at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Nakita mo na pala," halos pabulong na saad nito habang nakayuko. Hindi ko naman napigilan ang matawa dahil sa reaksyon nito. "You don't have to force yourself because even if you saw it, hindi naman ako nagmamadali na makuha ang sagot mo—" I cut him off.
"Kinakabahan ka ba?"
I heard him took a deep breath. "Medyo," aniya. "Natatakot akong mareject pero syempre, kung ayaw mo, kailangan kong respetuhin 'yon—" muli ay hindi ko pinatapos ang pagsasalita nito nang kunin ko ang kamay niya at inilagay roon ang isang papel.
"Wala akong magandang klase ng papel but I hope this one's enough to give my answer," sabi ko.
I saw how he gulped one more time at dahan-dahang binuksan ang papel na bigay ko. Ang kaninang namumutla nitong labi ay napalitan ng isang ngiti nang makita na nito ang naging sagot ko.
I said yes.