FITS 8

1463 Words
CHARLOTTE POV "Baka hindi kita magawang samahan, Hiro," iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ko nang muli kaming magkausap. There's only three days left before the party. Maliban sa nalaman ko na magagabihan ang party na 'yon, hindi ko pa magawang magpaalam kay mama about doon. Paniguradong hindi rin siya papayag dahil hindi naman niya kilala si Hiro. Knowing her, panigurado ring mag-iisip 'yon sa kung anong mayroon sa amin ni Hiro.  "Tell me, is there anything that I can do to make you change your mind?" he asked me. Napabuntong-hininga ako. "Marami pa namang ibang babae sa department ninyo. Just, not me. Strict ang mamako pagdating sa mga lakad na masyado akong gagabihin," pagdadahilan ko.  I saw a faint smile appeared on his lips. "Ayos lang, naiintindihan ko naman. I am still glad that you give it a thought. Sorry nga pala kasi ikaw ang ginugulo ko para samahan ako sa party. Believe it or not, hindi ako kumportable sa ibang babae." Hindi ko napigilang matawa nang bahagya. "Ikaw? Hindi kumportable sa mga babae? Why? Eh, kada laro n'yo nga, napakaraming babae ang tumitili sa inyo ng kaibigan mo." "That's why," aniya. "Hindi ko lang gusto na ako ang nilalapitan. I want someone who don't see me as a special figure. I want someone who can treat me just as I am. After all, gusto ko lang naman maglaro ng basketball at syempre, maging Architect." "You will be," ani ko at saka ko inilipat ng tingin ang mga mata ko sa pigura ng tamaraw na nasa hardin na malapit sa kung nasaan kami. "I don't know you that much but after hearing your side pagdating sa treatment sa 'yo ng iba, I think you're passionate sa kung anumang gusto mong maabot. That's a good thing and you should keep that mindset up." Nang muli ko itong tignan ay nakita ko ang malapad na ngiti sa labi nito habang diretso itong nakatingin sa akin. Napataas naman nang bahagya ang kilay ko dahil sa reaksyon nito.  "What?" Umiling siya. "Wala naman. Ang refreshing lang makarinig ng ganyan," aniya. "Now, I couldn't help but be glad na natapal ko nang malakas ang bola no'ng araw na 'yon. Dahil doon, nagawa kitang makilala sa ganitong paraan." I hissed a bit as I let out a chuckle. "Ang sentimental mo masyado. Bumabawi lang ako kasi hindi kita masasamahan sa party na pupuntahan mo. Isa pa, what's so great about that? Konting usog pa at ako na ang tatamaan ng bolang 'yon." Hindi ko napigilang mapaismid dahil sa huling sinabi ko.  "You're a great person, Cha," saad nito out of context.  Hindi ko nagawang sumagot. Isang bahagyang ngiti lang ang iginanti ko sa sinabi nito dahil walang salita ang gustong kumawala mula sa labi ko. I am not confident about myself. Hindi ako naniniwala sa mga gano'ng compliment na tungkol sa akin. Being "great" is too much of a compliment for me. Pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang mga ganyang salita. "Bakit ka nga pala nag-HRM?" tanong nito bilang pambasag siguro sa katahimikan na namagitan sa amin.  "I don't have any choice," saad ko at saka tumawa. "Believe it or not, iyon naman talaga ang rason. As much as I want to take another path sa buhay ko, I can't. My life won't let me. So, I took a course na tingin ko ay maeenjoy ko kahit papaano." "Ano bang kurso ang gusto mo?" Bahagya ko itong tinaasan ng kilay. "Masyado kang curious about sa akin, dela Vega," puna ko. Tinawanan lang naman niya ako. Napatingin ako sa wrist watch ko nang tumunog ang bell. Oras na ng sunod kong klase at nasa 3rd floor pa iyon ng building namin kaya tumayo na ako. "Mauuna na ako, Hiro. May klase pa ako na kailangang attend-an. I hope that you'll enjoy the party. Sorry ulit." Akmang aalis na ako roon nang bigla niya akong tawagin sa palayaw ko. I looked at him once again at doon ay muli kong nakita ang pagkamot nito sa batok niya kasabay ng mga katagang hindi ko inasahang sasabihin niya.  "Okay lang ba na ihatid kita sa classroom mo?" Matama ko itong tinignan ngunit hindi man lang nito binawi ang sinabi niya. I sighed in defeat at saka tumango sa alok nito, na mukhang dapat ko namang pagsisihan nang magawa naming makapasok sa building. Nakalimot ako na hindi nga pala basta kung sino lang ang kasama ko.  Halos karamihan ng mata sa hallway ay nasa amin. As much as I know the truth na wala namang something sa amin ng kasama ko, hindi ko pa rin mapigilang mag-alala. I know how human mind works. Paniguradong may iba sa kanila na macucurious kung bakit magkasama kami ng isa sa mga sikat na estudyante ng school, lalo pa sa mga mata ng mga taong crush o iniidolo si Hiro. Ano ba kasing iniisip ko at pumayag ako sa alok ng isang 'to? Dahil sa guilt? Maybe. Binilisan ko ang paglakad ko ngunit sa kasamaang palad ay may kung anong matigas na bagay akong nabunggo. Nasapo ko ang noo ko lalo pa nang maamoy ko ang pabango ng taong nasa harapan ko. Nang mag-angat ako ng tingin, it was Leon, a senior student na parte ng Finance department. Kilalang-kilala ito sa building namin dahil hindi biro ang makabangga ang isang 'to. He's known for being ruthless at sa mga pantitrip nito sa mga estudyanteng gusto niyang pagtripan. He's a son of a former governor kaya hindi rin siya makanti ng school. "Sorry," hinging paumanhin ko. I heard how Leon hissed. "Sorry? Humarang ka sa dinaraanan ko at sorry lang ang maririnig ko galing sa pipitsuging gaya mo?" "I didn't mean to—" "Pare, nagsorry na ang tao. Hindi naman talaga niya sinadya na mabangga ka," singit ni Hiro. I looked at him para signalan ito na huwag na makialam pero nginitian niya lang ako bago agad ding ibinalik kay Leon ang tingin. I'm doomed. We're doomed. "Dela Vega, naliligaw ka ata ng building," ani Leon at saka nito ipinasok sa bulsa ng pantalon na suot niya ang kaniyang mga kamay. "Don't tell me na lampang babae na ang tipo mo ngayon?" "Okay lang na magkagusto sa babaeng tingin mo ay clumsy kesa gamitin ko ang pagiging lalaki ko para manakot ng ibang estudyante." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa isinagot ni Hiro. Gusto niya ba talaga na may mangyaring masama sa kaniya o sadyang hindi niya kilala ang taong kaharap niya? Gosh! "Wala ka pa ring pinagbago, dela Vega. Ubod ka pa rin ng yabang," tila hindi na nasisiyahan na saad ni Leon. Nang humakbang na rin papalapit ang mga kasama nito ay agad kong hinawakan ang braso ni Hiro at mabilis pa sa alas kwatro na hinila siya palayo sa lugar na 'yon. Hindi ko na rin alam kung saan kami dadalhin ng mga paa ko but what's important ay ang makalayo kami sa lugar na 'yon dahil hindi birong kalaban ang grupo ni Leon. Kahit pa may yabang na taglay si Hiro, hindi niya kakayanin ang lahat ng 'yon. Maliit pa rin naman ang katawan niya kumpara sa mga alipores ni Leon. Nang mapatigil kami ay roon ko lang napansin na nasa bakanteng lote kami napadpad ni Hiro. Napatingin ako sa wrist watch ko at late na ako para sa klase ko. Nasapo ko ang dibdib ko nang maramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko.  "Sa bilis mong tumakbo, pwede ka na sa track and field," tila pagbibiro pa ni Hiro kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Kung may death wish ka kaya sinagot mo nang gano'n ang grupo nina Leon, itaon mo naman na hindi mo ako kasama," saad ko. "I don't want to make my senior year miserable. Ano ba kasing trip mo at sinagot mo pa sila? Kilala sila sa department namin at kung hindi kita naalis do'n, lantang gulay ka na ngayon." "Don't worry, ngayong alam niyang sagot kita, he won't dare to lay a hand on you," ani pa nito. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ano ba siya? Anak ng mafia boss? "Trust me, he won't. Kilala ko si Leon at kilala niya rin ako. We both know each other's capabilities." This time, it was my turn to hissed. "I can't be with you all the time. Hindi rin sa lahat ng oras ay kasama kita para makasiguro ka riyan sa sinasabi mo—" Naputol ang dapat ay sasabihin ko nang bigla itong lumapit sa gawi ko at saka ngumiti. Mabilis naman sa alas kwatro akong nag-iwas ng tingin.  "If you can't be with me, then let me be the one to do that for you. I'll do my best to make sure you're safe, Cha." He left me, once again, dumbfounded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD