CHARLOTTE POV
Mas napalapit kami ni Hiro sa isa't isa matapos ang mga nangyari. Mas madalas na rin tuloy na nakakasama namin nina Annaisha at ni Sarah sina Hiro at Caleb sa pagkain kada lunch time. Minsan ay nakakasabay naman namin si Stephen but dahil may girlfriend ang isang 'yon ay sobrang bilang lang ng pagkakataon na makasama siya.
"Ah! Gusto ko na magbakasyon!" anas ni Annaisha at saka isinubsob ang mukha niya sa librong hawak nito. May oral recitation kami sa isa sa mga pinakaterror na prof namin sa department ng HRM kaya todo ang pag-aaral naming tatlo ngayon. Kung hindi ako nagkakamali ay isang oras mahigit na rin kaming nakaupo rito sa study space na malapit sa room namin. "Akala ko naman kasi sa HRM panay kain-kain at luto-luto lang, hindi ko naman inexpect na mamumuti ang buhok ko dahil sa mga pa-recitations dito!"
Sabay kaming natawa ni Sarah dahil sa sinabi nito. Hindi naman na kasi bago kay Annaisha ang nagrereklamo kapag may ganitong activities kami. However, kahit pa ganyan siya, magaganda ang standings niya sa bawat subjects namin. Kung tutuusin ay naging top student pa nga ito ng department namin last year. Sadyang siya 'yong gifted na ayaw mag-aral, tipong mag-aral o hindi, pumapasa.
"First sem pa lang, may second sem pa tayo bago ang graduation. Matinding kembutan pa ito," ani Sarah. Napatango-tango ako, agreeing to what Sarah said.
"Hey!" Napatingin ako sa likuran ko nang may kamay na dumapo sa balikat ko. Doon ay nakita ko si Hiro na kasama si Caleb. Nakasuot pa sila ng varsity jacket nila, mukhang papunta pa lang sa practice dahil hindi pa sila mga pawisan. "May recitation na naman kayo?"
Tumango ako. "Parang 'di naman ata nawalan," pagbibiro ko.
He chuckled a bit bago nito ginulo nang bahagya ang buhok ko na ikinasimangot ko naman. Umupo ito sa upuan na nasa tabi ng akin.
"Sana kapag ginugulo, kaya rin ayusin 'no?" I hissed ngunit mas lumawak lang ang pagngiti nito sa akin.
"Aigoo, may batang nagrereklamo," he uttered at saka inayos ang buhok ko na siya rin ang gumulo. Akmang tatampalin ko na ang kamay nito nang may tumikhim bigla. Nang tignan ko sina Annaisha ay nakatingin silang tatlo sa amin. I cleared my throat at saka lumayo kay Hiro nang konti.
"Mukhang nakalimutan ninyo na nandito pa kami," ani Annaisha at saka ako pasimpleng kinindatan. Pinanlakihan ko naman siya ng mata ngunit inilipat niya kay Hiro ang mga tingin niya. "Ano ba kasing plano mo sa kaibigan ko, Dela Vega? Panay ka naman paramdam, eh."
"Annaisha!" asik ko. Pasimple akong tumingin kay Hiro ngunit seryoso lang ito. "Pasensya ka na sa sinasabi ng kaibigan—"
"I like her," diretsong saad nito na ikinalaki ng mga mata ko. Ano bang pinagsasasabi niya? He looked at me at saka ngumiti. "I like her so much."
Hindi ko nagawang magsalita. Panay ang tili nina Annaisha at Sarah ang lumukob sa lugar. Maging si Caleb ay nangiti sa sinabi ng kaibigan. Samantalang ako ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman after hearing what he just said, ang alam ko lang ay hindi ako natutuwa na marinig 'yon. He blurted it out like that at malamang ay nadala lang siya ng pang-aasar ni Annaisha, o ng closeness naming dalawa, o iyong dahil sa madalas nila kaming nakakasama. There are a lot of possibilities!
"But I won't be forcing her to like me back. Marami pa naman kaming panahon para mas makilala ang isa't isa. Masaya lang ako na nagustuhan ko siya," dagdag nito at saka tumayo at tinapik sa balikat ang kaibigan. "Aalis na muna kami ni Caleb, may training pa kami at nakakatakot maging dragon si coach."
Muli itong lumingon sa akin, iniiwas ko naman agad ang tingin ko. Ang sunod kong naramdaman ay ang kamay nito na ginulo na naman nang bahagya ang buhok ko na paborito niyang gawin at kasunod no'n ay ang pag-alis nila. Hindi ko nagawang magpaalam pabalik dahil walang salita ang gustong kumawala sa bibig ko. What just happened?
"Hey," I heard Annaisha called. Tumingin ako sa kaniya. "Ayos ka lang? Sorry, mukhang sumobra ako."
I smiled a bit. "Ayos lang. Medyo nagulat lang ako sa narinig ko pero hayaan na," ani ko at saka bumuntong-hininga. "Magreview na lang tayo ulit at malapit na ang klase natin," pag-iiba ko sa topic.
Pilit kong itinuon sa libro ang sarili ko at ibinalik ang focus ko sa inaaral ko. Nang matapos kami sa pagrereview at makabalik na kami sa klase ay nawala sa isip ko ang sinabi ni Hiro but when our class is done, naisip ko na naman ulit ang sinabi nito. Kahit papaano, nakakahinga na rin ako dahil sa dinagdag niya na hindi niya ako pipilitin na gustuhin siya pabalik. Hindi ko lang din maintindihan kung bakit ang bilis niya akong nagustuhan. Halos magdadalawang buwan pa lang nang magkakilala kaming dalawa.
"Aish!" Nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa mga gumugulo sa akin. Nakauwi na ako't lahat-lahat, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Hiro. Unang beses ito na may nagkagusto sa akin sa tanang buhay ko sa college. Unang beses din na may nagsabi sa mga kaibigan ko na gusto niya ako. I can't blame him, hindi niya pa ako kilala kaya madali para sa kaniya na gustuhin ako.
Lumabas ako ng kwarto ko at doon ay bumungad sa akin si mama na naninigarilyo habang ang mga paa nito ay nakataas sa mesa. Tatawa-tawa itong nanunuod ng TV ngunit nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad itong nanahimik.
"Magluluto na po muna ako," saad ko.
"Mabuti pa nga. Pagod na ako kakatrabaho habang ikaw ay nandiyan lang sa kwarto mo," aniya. Hindi ko nalang sinagot ang sinabi nito. "Aba'y kumilos ka rin. Hindi ka na prinsesa na gaya ng dati. Alalahanin mo, wala na ang tatay mo. Hindi rin lahat ng bagay ay makukuha mo nang gano'n-gano'n lang porke binubuhay kita, Charlotte."
"Opo, ma," halos pabulong na saad ko.
"Ma, ma, hindi naman kita anak," huling litanya nito bago niya ako iwan sa kusina. Naging mahigpit ang paghawak ko sa lalagyan ng pampadingas nang marinig ko ang mga katagang iyon.
She's right, hindi niya ako anak. Naging mama ko lang siya dahil siya ang pangalawang kinakasama ng tatay ko matapos nilang maghiwalay ng mama ko. Last year, namatay si papa dahil sa sakit sa puso kaya naiwan ako kay tita Cynthia na itinuring ko na rin na parang nanay ko. Kung nasaan si mama ay wala na akong alam at wala na akong balak alamin.
I thought, our relationship will get better mula no'ng nawala si papa, ngunit hindi pala. Everything became much worse dahil mas naramdaman ko na ngayong wala na sina mama at papa, mag-isa na lang ako, umaasa sa hindi ko kaano-ano para may maabot sa buhay. Ayaw ko man, sa higpit ng sched namin ay wala akong choice. Hindi rin madaling humanap ng trabaho sa malapit dahil kay tita Cynthia. May reputasyon ito sa lugar namin gawa na labas-pasok na ito sa presinto mula nang mawala si papa. May mga pagkakataon din na iba-ibang lalaki na ang nakakasama nito. Ipinangako ko na lang sa sarili ko na kapag nakatapos na ako, ako naman ang tutulong sa kaniya.
Nang matapos akong magluto ay tinawag ko si mama para makakain na kaming dalawa. Ako rin ang naghugas ng mga pinagkainan naming dalawa dahil aalis daw si mama. Alam ko na rin ang usual routine nito kaya hindi na ako umapela pa at pinaalalahanan na lang ito na mag-ingat. Nang matapos na ako sa pag-aasikaso sa kusina ay bumalik na rin ako sa kwarto ko para makapag-aral na nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hiro's name appeared on the screen. I opened his message at napangiti naman ako nang makitang nagsorry ito at nagsend pa ng sticker na pusa with the word "please."
H-in-eart react ko ang message at sticker nito bago ko inilayo sa akin ang cellphone ko. May quiz ako sa isa sa mga major ko bukas at kailangan kong magfocus ngunit nakakailang basa pa lang ako ay muli na namang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko iyon at isa pang mensahe galing kay Hiro ang bumungad sa akin.
From: Hiro Dela Vega
Alam kong busy ka sa pag-aaral. I hope you're proud of yourself dahil sa sipag at tiyaga mo. I'll be cheering for you! Kaya mo 'yan! :)
I found myself smiling because of that simple message. Dela Vega, ano bang dapat kong gawin sa 'yo?