FITS 10

1834 Words
CHARLOTTE POV "Salamat naman at tapos na ang quiz na 'yon. Parang walang lumabas sa mga nireview ko," rinig kong litanya ni Annaisha habang nag-aayos ako ng gamit ko. I couldn't help but hissed because of her statement. "Nireview mo? Ang tanong, nagreview ka ba?" Tinawanan naman ako nito at saka inakbayan. Sa pagkakakilala ko kay Annaisha, hindi siya ang tipong magrereview talaga. "Aba, mukhang iba na ang impluwensya sa 'yo ni Dela Vega, ah? Ikaw ha, anong mayroon sa inyong dalawa, Cha?" "Wala," diretsong sagot ko at saka isinukbit na ang backpack ko. Nagpaalam naman muna kami ni Annaisha kay Sarah bago kami tuluyang lumabas ng room. Inaya ako ni Annaisha na dumaan sa banyo kaya wala akong ibang nagawa kundi ang samahan siya. Habang naghihintay ako kay Annaisha sa labas ng banyo ay biglang tumunog ang cellphone ko. It was a message from Hiro. Agad ko iyong binuksan at bumungad sa akin ang pagtatanong nito kung nasaan ako. Akmang magrereply na ako sa message nito nang sundan niya iyon ng panibagong mensahe. "Shet!" bulalas ko matapos kong mabasa ang message niya na nasa labas siya ng room namin. I immediately replied na wala na kami ni Annaisha roon at magkita na lang kami sa ground floor dahil knowing Annaisha, mag-aayos pa ito ng sarili niya. Hiro responded with a thumbs up and a smiley sticker. Ilang minuto pa akong naghintay kay Annaisha at nang makita ko na ito ay hinawakan ko na ang palapulsuhan niya saka siya hinila paalis ng banyong 'yon. I don't know what's happening to me at aligagang-aligaga ako na makababa para makita si Hiro. Maybe, ayoko lang din na may taong naghihintay sa akin. Maybe... I mean sino ba naman ang may gusto na may naghihintay sa kaniya?  "Kaya naman pala nagmamadali," rinig kong bulong ni Annaisha na hila-hila ko pa rin matapos naming makita si Hiro na nakangiti sa direksyon namin. He walked towards us at mas lumawak ang ngiti nito nang magkaharap na kami. Nakasabit sa balikat nito ang varsity jacket niya at tanging school shirt lang ang suot nito. Paniguradong katatapos lang ng training nila.  "How's your quiz?" tanong ni Hiro sa akin. "Okay naman. Mahirap," sagot ko. Pasimple akong kinurot ni Annaisha sa tagiliran ko kaya napapitlag ako. Pinanlakihan ko naman ng mata ang bruha dahil sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Hindi na bago sa akin na inaasar ako ni Annaisha kay Hiro. Mula nang mapalapit kami sa isa't isa, wala na atang araw na nanahimik si Annaisha kakatanong ng tungkol sa amin. Even though I kept on saying na magkaibigan lang kami ni Dela Vega, parang hindi ito naniniwala. "Nasaan pala si Calebabes ko, Hiro?" tanong ni Annaisha habang lumilingon-lingon sa paligid. "Minimeeting pa siya ni coach. Alam mo na, captain things," sagot naman ng isa. "But don't worry, susunod daw siya." "Susunod saan?" hindi ko napigilang maitanong. Nang tumingin siya ulit sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin. "Ililibre ko sana kayo. Celebration na rin para sa quiz na natapos ninyo," aniya. "Hindi naman kailangan na gawin mo 'yon. Quiz lang naman 'yon, hindi naman major exam o kung ano." "Feeling ko gusto ka lang makasama ni Hiro tapos para hindi siya mahalata, isasama niya kami ni Calebabes, diba?" ani Annaisha. "Sus! Mga galawang ganyan, alam na alam ko na 'yan, eh!" "Annaisha," I warned. Pakiramdam ko ay ang init-init na ng pisngi ko dahil sa sinabi nito. As much as possible ay iniiwasan kong gumawa ng awkwardness sa pagitan namin ni Dela Vega ngunit mukhang hindi makikiayon sa akin ang tadhana. Kung may kaibigan ka ba namang kagaya ni Annaisha na walang balak tumigil sa pang-aasar, goodluck.  I heard how Hiro chuckled. Even the way he laugh sounds like a beautiful symphony to my ears.  Ano bang nangyayari sa akin?! "Libre lang promise. After kasi nitong mga susunod na linggo, mabibusy na rin kami ni Caleb para sa final plate namin," aniya. "But I hope, hindi ako mawalan ng time para puntahan kayo rito." "More like, puntahan si Cha rito—" I cut her off. "Annaisha, last warning," I said. Nakita ko kung paanong napalabi ito. Tumingin ako kay Hiro. "Sorry." Mas sumama naman ang mukha ko nang biglang tumawa si Hiro at ginulo pa ang buhok ko, ang bagay na naging hobby na ata nito kada kasama ako. "You're cute kapag nagtataray ka," saad niya. I rolled my eyes. Matindi na rin ata talaga ang tama ng isang 'to kaya kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya. Mayroon bang lalaki na nakucute-an sa babaeng nagtataray? Saang aspeto ng pagtataray ko ang pasok sa depinisyon ng pagiging "cute"? Nang pumayag kami ni Annaisha sa alok ni Hiro ay mabilis din kaming umalis ng HRM building. Napansin ko rin na maraming tumitingin kay Hiro at alam ko na hindi iyon dahil galing ito sa ibang department o dahil nagtataka sila kung bakit ito nandito at kasama kami. Sa dalas nito na nakakasama kami, paniguradong nasanay na rin ang ilan sa kanila. Natingin sila sa kaniya dahil sa paghanga. I've never had the chance to know him personally pero alam na alam ko na star player ito ng basketball team ng eskwelahan namin. Sa bawat games nila, madalas na siya o si Caleb ang naiinterview kaya sila ang nakikita namin sa monitors na nakalagay sa open quadrangle ng school. Maging sa mga merch ng school, isa rin siya sa mga madalas na models no'n. Well, I can't blame those girls na hinahangaan siya, may it be dahil sa galing niya sa pagbabasketball o dahil sa angking kagwapuhan nito. Sumakay kami ni Annaisha sa kotse ni Hiro, na ikinagulat ko na mayroon siya. Kung titignan kasi ay napakasimpleng lalaki lang ni Hiro kaya hindi mo mahahalatang ang isang 'to ay may mga ganito kagarang kagamitan. He drove and we let him took us sa kung saan nito gustong kumain. Doon ko rin lang nalaman na he's a big fan of OPM at marami itong artist na gusto na gusto ko rin.  Nang makarating kami sa lugar na gusto niyang puntahan ay nakaramdam ako ng pag-aalangan na bumaba ng sasakyan. I know this place. Pamilyar na pamilyar sa akin ang lugar na 'to. "Cha, okay ka lang?" tanong sa akin ni Hiro nang mapansin nito na hindi ako bumababa ng sasakyan. Nagkatinginan kami ni Annaisha and I saw how worried she is by the way she looked at me. Pinilit kong ngumiti bago tumango. Hiro opened the door wider for me at bumaba na ako ng sasakyan. I took one deep breath bago iniiwas sa bar na nandoon ang tingin ko. "Don't worry, hindi ko kayo ipapasok sa bar. Dito tayo sa katabi niyang samgyup store." Bahagya akong ngumiti. Hindi iyon ang bagay na inaalala ko. In fact, hindi ako naghihinala ng mga gano'ng bagay pagdating kay Hiro. It's just that, ito ang bar na pinagtatrabauhan ni mama Cynthia. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nito kung magkukrus ang landas namin at hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon ni Hiro kapag nalaman nito na ang nanay ko ay entertainer sa bar na ito. Hindi lahat ng lalaki ay kayang sikmurain iyon. If he finds out at ayawan niya ako...then, maybe that's for his own good too. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makapasok na kami sa samgyup house na sinasabi ni Hiro. Ilang minuto lang din ay dumating na si Caleb kaya iyon na ang dinaldal ni Annaisha. Pareho naman kaming tahimik ni Hiro. Nang dumating na ang order nito ay sila na rin ni Caleb ang nagluto. Nilalagyan lang ako ni Hiro ng karne at hipon sa plato ko. May panaka-nakang pagkakataon na pinagbabalat niya ako ng hipon pero mas natuwa ito nang turuan ko siyang mag-alis ng balat gamit ang tinidor lang. "Busog na ako," sabi ko sa kaniya nang muli na naman niya akong lalagyan ng karne sa plato ko. He looked at me. "Maliit lang capacity ng tiyan ko kaya huwag kang magulat." Once again, he chuckled. "Cute," aniya. Nagkwentuhan pa kaming apat tungkol sa programs na kinukuha namin. Mukha ring kahit papaano ay gumagaan na ang loob ni Caleb sa kaibigan ko. Napapangiti na lang din ako kapag nakikita kong nagkakaroon na sila ng interaction. I remember how Annaisha told me for the first time na gusto nito si Caleb. That was right after their department played for the intramurals at nakalaban nila ang department namin sa championship. Since that day, she never stopped talking about him. Seeing her happy makes me happy, too. Naputol ang pagtingin ko sa kanila nang may kumurot nang bahagya sa pisngi ko. Napatingin ako kay Hiro at nakatingin lang din ito sa akin. "B-Bakit?" I asked. Umiling ito. "Wala naman. Naalala ko lang 'yong unang beses na nagkakilala tayo," aniya. "But, to tell you the truth, matagal na kitang kilala. Intramural meet no'n. Kalaban namin ang department ninyo sa championship. Ikaw 'yong isa sa mga cheerleader no'n sa grupo ninyo but your face was too serious. Parang labag sa loob mo ang ginagawa mo, gano'n." He laughed once again. Pakiramdam ko naman ay pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi nito. That was one of the worst days of my life! "Hindi lang parang labag, labag na labag talaga sa loob ko 'yon," anas ko.  "Since that day, ipinagtanong kita. Alam din 'yon ng mga ka-teammate ko. Kaya no'ng natapon ko ang graham balls ninyo, tinatapik nila ako dahil kinausap kita." Oh, that. Naaalala ko nga ang tagpong iyon. Ngayon ay mas malinaw na sa akin kung bakit tila inaasar siya ng kausap niya no'ng mga oras na 'yon.  "I have to—" hindi nito naituloy ang dapat ay sasabihin niya nang tumunog ang cellphone nito. He excused himself para sagutin ang tawag na 'yon kaya naiwan akong kasama sina Caleb at Annaisha. After few minutes, Hiro came back. But unlike his reaction earlier, para itong biglang nawalan ng kulay. Halata sa kaputian nito na namumutla siya.  "Okay ka lang ba?" tanong ko kahit pa mukhang may iniisip ito. He cleared his throat. "K-Kailangan ko lang umuwi agad," aniya. "Mom called and..." Hinintay ko ang sunod na sasabihin nito but seeing him having a hard time to finish his sentence, pinatigil ko na ito. He doesn't have to share it kung hindi niya kayang sabihin and we should respect that.  "We understand, pare. Mag-iingat ka sa pagdadrive," paalala ni Caleb sa kaibigan. Pinaalalahanan pa siya ni Hiro na ingatan kami at ipagdrive pauwi sa mga bahay namin. Humingi rin ito ng sorry sa akin but I assured him na okay lang ang lahat. Na hindi niya kailangang ihingi ng sorry ang mga gano'ng bagay.  "Mukhang may problema si Hiro," puna ni Annaisha. Napatingin akong muli sa pinto kung saan lumabas si Hiro. Hindi ko na ito matanaw mula sa pwesto ko kaya malamang ay nakaalis na ito ng lugar. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga at hilingin na sana ay okay lang siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD