CHARLOTTE POV
Wala kaming pangalawang klase kaya naisipan ko munang tumambay sa bakanteng lote sa likod ng school. Tanging ang parteng ito lang ang tahimik dito. Wala naman kasing may gustong pumunta sa lugar na 'to gawa ng mga kwento-kwento na first year pa lang ako ay umiikot na. May nagpaparamdam daw kasi sa parteng ito ng paaralan but I doubt. Mula naman kasi no'ng nalaman ko ang tungkol sa lugar na 'to ay wala naman akong naging karanasan sa mga gano'ng pangyayari.
Naputol ang pag-iisip at pagsusulat ko nang tumunog ang cellphone ko. It was Hiro. Agad naman akong napangiti nang makita ang pangalan nito. Hindi namin siya nakasama nitong mga nakaraang araw dahil may importante raw itong inaasikaso, ayon kay Caleb. Ang tanging alam ko lang sa ngayon ay may problema itong inaayos. There's only one thing certain, I shouldn't ask Hiro tungkol sa mga nangyari. Ayokong iinvade ang privacy niya lalo pa at mukhang seryoso ang bagay na gumugulo sa kaniya.
I typed a simple reply about my location bago ko inilapag muli ang cellphone ko. Nagpatuloy ako sa pag-iisip at pagsusulat ng tula na kanina ko pa naiisip habang nagkaklase kami. I was too busy that I didn't notice na may dumating na sa kinaroroonan ko. The last thing I know, may nagtakip ng mga mata ko. Nang maamoy ko ang pabango nito, I couldn't stop myself from hissing dahil pamilyar na pamilyar na sa akin ang amoy niya.
"Hiro, ang lakas-lakas ng pabango mo baka hindi ka nainform," I uttered full of sarcasm in my tone. Narinig ko naman ang pagtawa nito at ang pagbitaw niya sa mga mata ko. Umikot siya para makaupo sa isa pang bench doon na katapat ng akin. "Kumusta? Himala ata na hindi kayo busy sa plates ninyo."
He shook his head. "Medyo busy, pero okay lang naman na puntahan kita. I need some good rest, too," aniya. "What are you doing? Kanina pa kita tinitignan sa malayo at seryosong-seryoso ka sa ginagawa mo."
"A poem," I simply answered, almost whispering. Hindi ako sanay na shinishare ang ginagawa ko pagdating sa mga ganitong bagay dahil narinig ko na ang pinakamasakit na salita na pwede kong marinig just because of doing what I really love to do. Kung binigyan lang ako ng pagkakataon, I would've picked a program related to Literature and Creative Writing...but I wasn't that privileged to do that.
"Pwede ko bang mabasa ang gawa mo?" he asked.
I bit my lower lip. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng kaba. It's not that I am not confident with what I wrote, but I am scared sa pwedeng isipin ni Hiro tungkol sa akin. Baka kagaya ni mama, isipin lang nito na wala akong future sa pagsusulat o hindi naman kaya ay wala akong mapapala sa paggawa ng mga ganito, that I should stop fantasizing about being an author kasi hinding-hindi ko 'yon maaabot.
My mind went blank when I felt Hiro's hand on mine. I looked at him at seryoso rin itong nakatingin sa akin. His eyes were telling me that he's worried about me. Siguro'y rumehistro sa mukha ko ang lahat ng naiisip ko kani-kanina lang.
"Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli. "Okay lang sa akin kung hindi ka pa ready. I'll wait na marinig ko ang tulang isinulat mo."
What he said brought an instant comfort to my raging system. May kung ano sa akin na naiisip na bigyan ko ng chance si Hiro dahil hindi naman siya gaya ni mama, that he won't tell me to snap out of it dahil wala akong mararating sa ganitong larangan.
"I brought you some chocolates," saad ni Hiro na ikinagulat ko at saka iniabot sa akin ang isang kulay brown na paper bag.
"Bakit naman? Hindi ko pa naman birthday para regaluhan mo ako," saad ko at saka tinignan ang laman ng paper bag. Nakita ko roon ang iba't ibang chocolate brands.
He shrugged his shoulder. "I thought it might be extra handy for you," saad niya. "When I am bothered, palagi akong kumakain ng chocolate. Minsan nagagalit na lang din si coach kapag nadadagdagan ang timbang ko," dagdag nito at saka tumawa nang bahagya. "But there's something about it that I couldn't resist. It makes me happy, it makes me calm na parang hindi ito isang uri lang ng pagkain..."
Diretso lang akong nakatingin sa kaniya habang nagsasalita ito. Hindi ko na rin masabi kung may naiintindihan pa ba ako sa sinasabi nito o pinapanuod ko na lang siya at inaaral ang mga feature nito habang nagkikwento siya. How his lashes were curve, how his dimple shows kada ngingiti o tatawa ito, how wavy his hair is, the color of his eyes, his pointed nose—
"Hey," pagtawag ni Hiro na ikinabalik ng diwa ko. Agad akong nag-iwas ng tingin nang mahuli ako nito na nakatingin sa kaniya. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko. I hope hindi pa katagalan nang marealize niya na nakatitig ako or I'm doomed. "Wala kang naintindihan sa mga sinabi ko," he added as he gave me peal of laughter.
With that simple sound he made, he made my heart skipped a beat.
"Cute," aniya at saka ginulo ang buhok ko.
Hindi ako nakapagsalita. Nang wala na ni isang nagsasalita sa amin ay umubob si Hiro sementadong mesa na pumapagitan sa aming dalawa.
"Gamitin mo na 'tong notebook ko," saad ko. Muli itong nag-angat ng tingin at nagpasalamat sa akin at muli ay umubob, but this time, nakasapin na sa ulo nito ang notebook ko. He seems tired and drained, yet here he is, spending his supposedly free time with me.
Hinayaan ko siyang magpahinga as I flipped through another page of my notebook at nagsulat ng kung ano roon. This time, my ideas were vivid as water. I know the message that I want to condemn dahil sa presensya ni Hiro. Nang matapos ko ang tula, I smiled a bit as I read it.
"In this garden of dahlia, may you find your lady's mantle..." saad ko bilang pagbasa sa huling linya na para kay Hiro.
"It was beautiful."
Sa gulat ko ay nagsalita ito. Mas mabilis pa sa alas kwatro na isinara ko ang notebook na hawak ko.
"I thought—" hindi ko na natuloy ang dapat ay sasabihin ko nang ngumiti ito sa akin. So, he wasn't asleep. He heard all of it.
"Dahlia symbolizes every negative emotion that a human being can feel, and lady's mantle is a flower of comfort," aniya. "What you said means that in this world full of negative emotions that we can feel, may we find our source of comfort, our own peace, and that was beautifully written, Cha," he added after he conveyed the exact meaning of my poem. Hindi na rin ako nagulat na maalam siya sa symbolisms. After all, he's an Architecture student.
"Thank you," simpleng saad ko.
"Thank you," pagbabalik nito sa akin at saka ngumiti nang bahagya.
"For what?"
"For being my lady's mantle, Cha," he said at napasinghap naman ako nang bumilis ang t***k ng puso ko. "I am at peace when I'm with you," dagdag nito. Nang hindi ako makapagsalita ay ginulo nito ang buhok ko at saka muling umubob. I gander at him and he's closing his eyes. This time, mukhang nakatulog na talaga ito.
He didn't judge me. I smiled because I feel like I found my own comfort, too.