CHARLOTTE POV
Gaya ng sinabi ni Hiro, iniwasan nga namin ang isa't isa. Nakakapanibago kahit papaano na hindi namin sila nakakasama but I know that I have to respect his request dahil ako naman ang may atraso sa kaniya. Every time that our path almost crossed each other, ako na mismo ang umiiwas. In that way, mas makakapag-isip si Hiro nang maayos. Palagi rin naman akong inaalalayan nina Annaisha kaya kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko.
Kahit papaano rin ay nakikita ko na ang pagbabalik ng ngiti at tawa ni Hiro, one thing that I am happy about him. Noong nakaraang araw lang ay nakita ko sila ni Caleb na nagtatawanan habang papunta sa gym. May pagkakataon din na nakita ko silang nagkukulitan habang nagjajogging sila bilang parte ng kanilang training. All of which I did habang sinisiguro ko rin na hindi makakaabala kay Hiro ang palihim na pagtingin ko sa kaniya dahil paniguradong hindi rin nito magugustuhang makita ako sa ngayon.
"Cha, sama ka bukas ha? Manunuod tayo ng game nina Hiro. Sina Leon makakalaban nila so I think, magiging maganda ang laban," ani Annaisha matapos ang klase namin. "After all, sina Hiro lang naman ang kayang sumupalpal doon sa napakayabang na nilalang na 'yon," dagdag pa nito na tinawanan nilang dalawa ni Sarah.
Nakaramdam ako ng pagkailang sa pag-aaya ni Annaisha. Hindi ko alam kung dapat kong paunlakan 'yon dahil nando'n sina Hiro, baka masira ko lang ang paglalaro niya kapag nakita niyang nanunuod ako.
Hindi lang kilala sa pagiging mayabang ang grupo nina Leon, kilala rin sila sa pagiging masyadong pisikal sa paglalaro. Sa tanang buhay ko sa college na nakasama ko sila sa school, wala pa akong nababalitaang malinis na laro nila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Caleb at pumayag sila sa hamon ng grupo nina Leon. Hindi ko rin sigurado kung may kinalaman si Hiro sa naging desisyon ng kaibigan dahil si Hiro lang naman ang nakasagupa ni Leon nang isang beses. Ano't ano pa man, they already had an agreement para sa opening ng sem-ender party na gaganapin bukas at magpapatuloy hanggang sa dulo ng linggong 'to.
"Pero nakakatakot din na sina Leon ang makakatapat ng grupo nina Caleb kasi kung hindi ako nagkakamali, last year lang ay may siniko't dinagukan si Leon habang naglalaro. Sumuka kaya ng dugo sa court ang lalaking 'yon. Halos dalawang linggo ring hindi nakapasok, ha," ani Sarah.
Naaalala ko nga ang balitang sinasabi nito. Ang alam ko ay may atraso rin sa grupo nina Leon iyong lalaki kaya pinuruhan ni Leon nang husto no'ng nakatapat nila sa court. Nadisqualify sila sa intramurals meet noon, ngunit sadyang kakaiba sina Leon dahil halos wala lang sa kanila nang mangyari 'yon.
"Cha, ha? Huwag kang mawawala bukas," ani Annaisha sa akin. Simpleng pagtango lang ang naging sagot ko dahil alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot mula sa akin. Siguro'y dapat ko na lang siguraduhin na malayo sa pwesto ni Hiro ang magiging pwesto namin.
Nagpaalam na ako sa kanila ni Sarah upang mauna na sa pag-uwi sa bahay. Kailangan ko pa ring mag-asikaso roon dahil hindi pa rin ako kinakausap ni mama. Para lang akong hangin sa bahay kung daan-daanan nito. Hindi ko rin alam kung paano ako lalapit sa kaniya because when I tried, pinagtaasan lang ako nito ng boses. Kahit gano'n, hinding-hindi ko itotolerate ang ginawa nito sa pamilya ni Hiro. Hinding-hindi kailan man magiging tama ang bagay na 'yon.
Pagkarating ko sa bahay ay nasa sala ito at nanunuod ng TV. Inilapag ko naman ang mga gamit na dala-dala ko at saka dumiretso na agad sa kusina. Naghugas muna ako ng kamay bago ako nag-asikaso ng mga lulutuin ko. Nang pinakukuluan ko na lang ang ulam na inihahanda ko ay mabilisan muna akong umakyat sa taas para makapaglinis naman ng katawan at makapagpalit ng damit. Nang matapos ay muli akong bumaba para tapusin ang ginagawa ko, nang makita ko si mama na tinitikman ang ulam na niluto ko. Nang mukhang naramdaman nito ang presensya ko ay agad niyang inilapag ang lalagyang hawak-hawak niya at saka bumalik sa sala.
"Hindi ako kakain dito, busog ako," aniya at saka pinatay ang TV at pumasok na sa kwarto niya. Muli ay isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Mula nang mangyari ang sa daddy ni Hiro ay hindi na naayos ang relasyon namin ni mama. Araw-araw tuloy ay hindi ko naiiwasang malungkot kada makikita ko at mararamdaman ko ang malamig na pakikitungo nito sa akin.
Gaya rin ng mga nakaraang gabi ay kumain ako mag-isa. Hindi rin nagsisinungaling si mama na hindi siya kakain dito sa bahay dahil sa sunod na pagbukas ng pinto nito ay bihis na bihis na ito at mukhang pupunta na sa bar na pinagtatrabauhan niya. Bumalot ang mas matinding katahimikan sa bahay nang maiwan ako roon mag-isa. Iniligpit at inasikaso ko na lang ang mga ginamit ko at hinayaan na lang ang sarili na dalawin ng antok.
Kinabukasan ay maaga akong nag-asikaso para pumasok. Wala pa rin si mama sa bahay nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili. Nang makarating ako sa school ay abalang-abala ang bawat department sa pag-aasikaso ng mga booth dahil sa katapusan ng linggong ito ay pipili ng isang department na mananalo. Naputol naman ang pagtingin ko nang may kung sinong umakbay at humila sa akin. It was Annaisha.
"Good morning, Cha," pagbati nito. Natawa naman ako nang bahagya dahil mukhang good mood na good mood ito. "Mas maganda pa ako sa umaga pero good morning pa rin," dagdag niya pa.
Inalis ko na muna sa pagkakakulong sa braso niya ang leeg ko at saka ngumisi at umiling. Binelatan ko pa ito nang sumama ang mukha niya. Para kaming batang naghabulan sa hallway ni Annaisha. In that short period of time, nakalimot ako sa kung anong mga nararamdaman ko.
Tumulong na rin muna kami sa HRM department ni Annaisha para sa pag-aayos ng booth. Nang dumating si Sarah ay umalalay na rin ito sa amin. Halos patapos na ang lunch break bago kami natapos sa pagdedesign ng mesang ididisplay sa booth kaya late na kami nakakain ng pananghalian.
"Uy!"
Halos mapapitlag ako sa kinauupuan ko nang may kamay na dumapo sa balikat ko. Nilingon ko kung sino iyon and I was surprised to see na si Caleb iyon. Tumagos pa sa likuran nito ang pagtingin ko and there, I saw Hiro standing behind Caleb ngunit hindi niya kami tinitignan. Hawak-hawak lang nito ang strap ng backpack niya habang ang isang kamay naman ay nasa loob ng pants nito. Iniiwas ko na lang din ang tingin ko sa takot na mahuli ako nito na nakatingin sa kaniya.
"Nuod kayo ng game namin mamaya," ani Caleb. "Lalo ka na, Cha. Alam mo ba na kaya ako pumayag na makalaban 'yon kasi sabi ni Hiro—"
Hindi natapos ni Caleb ang dapat ay sasabihin niya nang magsalita si Hiro. "Enough, Caleb."
Muli ay napatingin ako kay Hiro at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang mga mata naming dalawa, ngunit napakabilis lang ng lahat dahil agad din siyang nag-iwas ng tingin.
"Oo naman, manunuod kami ng laban ninyo," tila pagbasag ni Annaisha sa namumuong tensyon dahil sa nangyayari sa pagitan namin ni Hiro. "Pakibalagbag na lang ang grupo nina Leon, please," dagdag pa nito na tila nagbibiro. Tinapik lang naman ni Caleb ang balikat ko at saka muli nang tumayo.
"See you mamaya sa gym. Isisave ko para sa inyong tatlo ang upuan na malapit sa bench namin," ani Caleb at mula sa peripheral vision ko ay nakita kong inakbayan na nito ang kaibigan. "Alis na kami at may dalaw ang kaibigan ko—aw!" Napadaing si Caleb nang bahagya siyang sikuin ni Hiro at saka nito tinanggal ang pagkakaakbay ng kaibigan sa kaniya. Without saying another word, Hiro left. Nagpaalam pa ulit si Caleb sa amin at saka humingi ng pasensya bago nito sinundan ang kaibigan.
Thinking about what Caleb said, mukhang wala pa man ay hindi na ako makakalayo sa kanila. I just hope na hindi makakaapekto sa laro ni Hiro ang presensya ko.
I heard how Annaisha hissed. "Minsan ang sarap na batukan ni Dela Vega dahil sa attitude niya," aniya. "If I know, namimiss ka na ring kulitin no'n at hindi niya lang masabi," dagdag pa nito.
Hindi na ako umimik pa at sinubukan na lang na ubusin ang laman ng plato ko kahit pa pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana sa pagkain. Good thing, Annaisha and Sarah did not push through that conversation dahil wala ako sa wisyo para makipag-asaran. Ayokong umasa na totoo ang sinabi ni Annaisha. The least thing that I could do for now is to not assume things na pwedeng makadagdag sa bigat ng nararamdaman ko.