CHARLOTTE POV
"Hoy! Ano ba't kanina ka pa tulala riyan? Kanina pa rin ako naghihintay sa kung ano ba ang sasabihin mo kamo," ani Annaisha.
Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga habang inaalala ko ang mga nangyari kagabi. On how Hiro ditched their own party just to be with me, only for me to break his trust, only for me to break him. Hindi pa rin alam ni Annaisha ang lahat kahit pa bigat na bigat na ako dahil wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.
Napaubob ako sa mesang naroon at saka ko ipinikit ang nga mata ko. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko ang naging reaksyon ni Hiro sa lahat ng mga nangyari. Iyong sakit at lungkot na nabasa ko sa mga mata nito, hindi ko alam kung paano ko iyon kalilimutan. When he looked at me yesterday, guilt streaked through me. Gustuhin ko mang sisihin ang lahat sa kung anong nangyari sa amin, I couldn't dahil alam ko na sarili kong desisyon ang itago ang nalalaman ko mula sa kaniya. Walang kung sinong nag-utos o pumilit sa akin.
Yes, I was hurt. Ngunit kung titimbangin ang sakit na naramdaman naming dalawa, walang-wala ang nararamdaman ko sa nararamdaman niya. Now, I don't know if I will be able to earn his forgiveness. He felt that he was betrayed by his own family, and I made it worse when I decided na itago ang lahat mula sa kaniya.
Nang makabawi ay kumawala sa akin ang isang buntong-hininga at muli akong umayos ng pagkakaupo. Bakas naman sa mata ni Annaisha ang pag-aalala para sa akin so I showed her a subtle smile. I took one deep breath bago ko ikinwento rito ang buong pangyayari, mula no'ng unang beses kong nalaman na daddy ni Hiro ang kinakasama ng nanay ko hanggang sa kung paanong tila bumagsak ang lahat nang magkaharap-harap kami kagabi. Panay rin naman ang paghingi ng pasensya ni Annaisha sa akin dahil pakiramdam niya raw ay may kasalanan din siya kung bakit nagkagulo kami ni Hiro.
"Hindi ko kasi alam anong gagawin ko matapos kong mabasa 'yong message mo. Pakiramdam ko no'n may malalim kang problema," saad nito. "I tried contacting you pero hindi mo pinapansin ang messages at tawag ko, so I decided to tell Hiro and ask him about your possible whereabouts. Kung alam ko lang na magiging ganito kakumplikado ang lahat para sa inyo, hindi ko na sana sinabihan pa si Hiro," dagdag niya pa.
I tapped her shoulders, signifying that she's not at fault. Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang pag-aalala nito sa akin.
Maybe this is the way of the universe to tell me that Hiro deserves a better treatment, and that he deserves to know the truth. Now, I have to face the consequences of my action dahil paniguradong hindi pa rin ako kakausapin ni Hiro matapos ang ginawa ko.
Maging sa klase namin ay lutang na lutang ako. I was only thinking of the way how I hurt the people around me. Hiro, and my mother, kung paanong inilagay ko sila pareho sa isang alanganing sitwasyon. Ni hindi ko namalayan na tumunog na ang bell na nagsasabing dismissed na ang klase at lunch time na kung hindi pa ako tinapik ni Annaisha sa braso ko at sinabihan ako.
"Halika na kasi," pagpupumilit sa akin ni Annaisha habang hinihila ako papunta ng cafeteria.
For the nth time, I hissed. "Ayoko nga. Wala nga kako akong gana kumain," saad ko.
"At bakit, aber? Magmumukmok ka na naman all day?" she asked. "Hay naku, Cha! Ginawa mo na ang part mo, okay? Nagkamali ka, oo, pero naitama mo na ang pagkakamali mo. Breathe, Cha!"
Napalabi ako dahil sa sinabi niya. Sana nga ay gano'n lang kadali tanggapin ang lahat—o siguro nga'y madali lang naman kung tutuusin. Nahihirapan lang ako dahil sa Hiro ang pinag-uusapan dito.
"Ayoko nga—"
Hindi ko na natuloy pa ang dapat ay sasabihin ko dahil sa pigura ng isang lalaki na nakasalubong namin ni Annaisha sa pintuan papasok ng cafeteria. His cold stares acted as if they were piercing through me.
"Pre, anong—" Hindi rin natuloy ni Caleb ang dapat ay sasabihin niya nang marealize nitong naroon kami sa tapat nj Hiro. "Uy! Kayo pala 'yan. Kakain pa lang kayo? Huwag kayong oorder no'ng chicken teriyaki nila. Hindi masarap," dagdag ni Caleb at saka ito tumawa mag-isa dahil sa sinabi niya.
"Let's talk," ani Hiro sa akin bago ako nilampasan. Humugot muna ako ng hangin bago ako nagpaalam sa dalawa at sinundan na si Hiro sa direksyon na pinuntahan nito. Sa daang tinatahak nito ngayon, alam kong sa bakanteng lote ito pupunta.
Nang huminto ito ay huminto rin ako sa paglalakad. I was one meter away from him ngunit ramdam na ramdam ko ang lamig sa paligid kahit pa tanghaling tapat naman. His coldness radiates even to me at mas dinagdagan no'n ang takot na nararamdaman ko sa presensya ni Hiro. Pakiramdam ko no'ng mga oras na 'yon ay hindi ako handa sa kung anong sasabihin nito.
"Now, tell me kung bakit hindi mo agad sinabi sa akin na mama mo ang kabit ng daddy ko," he uttered in a soft voice ngunit sa kabila ng pagkamahinahon no'n, ramdam na ramdam ko ang panlalamig nito.
I sighed as I closed my first para kumuha ng lakas doon. "I was scared. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo," saad ko. "Hindi ko alam paano ko sisimulan ang pagkikwento sa 'yo na nanay ko ang sumisira sa pamilya mo, na nanay ng mismong kaibigan mo ang siyang nagpapalungkot sa 'yo at nagcause sa 'yo ng sakit. No'ng mga oras na 'yon, ang hirap-hirap niyang sabihin."
"Kaya itinago mo na lang, gano'n ba? Na parang wala akong karapatang malaman ang lahat," he said, bitterness is now evident on his tone.
"Hindi sa wala kang karapatan, hindi ko lang naman nalaman agad kung paano ko sasabihin sa 'yo, Hiro," I said at saka buong lakas ng loob na tumingin sa kaniya. "I was torn kung sino ang mas matimbang sa inyo ni mama." Isang malungkot na ngiti ang kumawala sa mga labi ko. "Natakot lang din ako na once na malaman mo, aayawan mo 'ko, na maiiwan ako ulit kasi mas pinili kong magsabi ng totoo kesa protektahan kayo."
"I trusted you, Cha," aniya. Napatango-tango ako kasabay ng muling pagkabuhay sa dibdib ko ng lungkot at pakiramdam na para akong kinukurot sa puso ng reyalidad. "Sana maintindihan mo rin kung saan ako nanggagaling kasi hindi biro ang sakit na naramdaman ko no'ng sa lahat ng tao, ikaw pa ang nagtago sa akin."
Hindi ako nakasagot, hindi dahil sa hindi ko siya naiintindihan ngunit dahil nasasaktan ako sa fact na nasira ko ang tiwala nito sa akin. Gayumanpaman, pinilit kong ngumiti para sa ikagagaan ng pakiramdam nito—kung gagaan man.
"For now, mas makakabuti muna siguro kung iiwasan muna natin ang isa't isa hanggang sa makapag-isip-isip tayo pareho," ani Hiro sa akin. Awtomatiko akong napaiwas ng tingin dahil sa sinabi nito. I bit my lower lip to prevent myself from crying. I already saw this coming pero iba pa rin pala kapag kay Hiro na mismo nanggaling. Iba pa rin ang sakit sa dibdib ko kapag narinig ko na mula sa kaniya ang desisyon tungkol sa bagay na 'yon. "Please take good care of yourself, Cha. Kindly do reflect on your actions and decisions, too."
Isang bahagyang tapik sa balikat ang huli kong natanggap mula kay Hiro bago niya ako iniwan sa bakanteng lote. I stayed there for I don't know how long. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Masyadong maraming tumatakbo sa isip ko at hindi ko alam kung alin sa mga 'yon ang dapat kong unahin.
Napatingin ako sa direksyon na dinaanan ni Hiro but it was too late. Nakaalis na ito nang tuluyan...and I was left on my place, thinking what could've been happen if I did become honest noong una pa lang. Then, a sigh of regret came out of me.