Episode 16
LIGHT
Tumingin sa wrist watch si Sheena at Nakita nya Ang uras.. 6:45 am ng makarating sa resort Sina Zxander at Sheena.. at natagpuan nila si Gian sa Isang table sa gallery na halatang handa narin sa kanyang pagdating..
"Good morning po Sir Gian.!" bati ni Sheena sa amo..
"Gian nalang Akala ko ba ok na usap natin kahapon.?" kunot noong baling ng lalaki sa kanya..
"ayy sorry Gian pala nakalimutan ko na ata dahil sa himbing ng tulog ko kagabi.." hinging paumanhin nya dto Saka naiilang na ngumiti..
"ahem, ahhh Pare good morning.! Inihatid ko lang si Sheena.. papasada narin aq Ikaw na Ang bahala sa kanya pare.." singit ni Zxander sa usapan nila Gian at Sheena upang magpaalam na at makapag umpisa na Sila sa kani kanilang trabaho..
"ahh Sige pare salamat ako na Ang bahala sa kanya.." sagot ni Gian sa kaibigan..
"Sige pare salamat.." wika nya muli Dito at saka bumaling Kay Sheena.. "Sheena Mauna na ako ha.?" wika Niya Dito..
Lumapit si Sheena Kay Zxander at niyakap ito Saka nag beso Dito Bago tuluyang bumitaw.. "Salamat din mag iingat ka sa byahe.." wika nya Dito..
"o-oo si-sige ah, eh una na aq bye.." Wika ni Zxander na halos magka buhol buhol na Ang dila.. Saka tuluyan ng tumalikod at lumabas na sa gallery..
Napalapad Ang ngiti ni Zxander at naramdaman nya Ang pag init ng kanyang Mukha ngunit Hindi na mapansin Ang pagpula ng bahagya ng Mukha na kahit Hindi masyadong halata dahil sa Moreno nyang kulay ay kita Naman sa mga mata nya Ang saya na kanyang nadarama..
"oh pare.! saya natin ah.!" wika ni Reniel kay Zxander ng mapansin Ang malapad na pagka ngiti nito..
"ah ikaw pala pare kumusta mamaya Tayo ha.? pupuntahan kita Dito mamaya ha pag awas mo pag sundo ko kay Sheena.." sagot Naman ni Zxander na halatang iniba Ang topic dahil Kilala nya si Reniel na may kakulitan din..
"ahh Sige pare hihintayin kita.." sang ayun Naman ni Reniel..
"oo pare Mauna na ako.." wika Niya muli Bago tuluyang tumalikod at tinungo Ang palabas ng restaurant..
Nagsimula ng turuan ni Gian si Sheena ng mga dapat Gawin sa trabaho nya.. mataman namang nakikinig si Sheena at may hawak pa syang notepad kung saan, isinusulat nya doon Ang mga mahahalagang details na sinasabi ni Gian.. Palihim namang Napapangiti si Gian ng mapansin Ang ginagawa nya..
"So Sheena, waitress talaga Ang kailangan Namin Dito at cook pero dahil halata Naman na Hindi ka marunong magluto kaya waitress ka nalang.." wika ni Gian habang nakaupo parin Sila sa table sa gallery..
"okey po sir.." wika naman nya Dito..
"Gian.. Isa pang tawagin mo akong sir kukutusan na kita.." wika naman nito na nakangiti Naman kaya napangiti narin sya..
"ay sorry ulit Gian.." bawi Naman nya Dito..
"okey, tapus sa Ngayon ay morning shift ka at Ang pag palitan ng shift Dito ay tuwing linggo.. Pag pang Araw ka, straight ka ng 24hours duty pag linggo tapus pag lunes ay pang Gabi kana.." pagpapatuloy nito..
"okey.." sang ayon nya Dito habang nagsusulat parin sa kanyang notepad..
"tapus Ang sahud Dito ay mababa lang dahil provincial rate lang kami.. 10k lang fix na monthly mo.. pag absent ka, bawas ng Araw mo dun pero pag naka leave ka at reasonable Naman Ang leave mo ay Hindi ka na babawasan ng sahud.." pagpapatuloy nitong muli..
"okey.." pag sang ayun nyang muli..
"okey lang mag cellphone habang naka duty kung walang customer pero pag may customer bibitawan.." Si Gian na nakataas ng bahagya Ang kilay..
"yes si-ay Gian.!" muntik pang makatawag ulit ng sir kaya napangiti nalang sya sa kausap..
Napangiti Naman si Gian Bago tumayo na ito.. inilibot sya sa hotel, sa resort at sa restaurant.. Nang tumingin sa wrist watch si Gian ay Nakita nito na 10:00 am na at nasa front Sila ng restaurant.. Napatingin din sa sariling wrist watch si Sheena at napasulyap sa kanya si Gian.. Napa kunot Ang noo nito ngunit Hindi Naman tumagal kaya hindi na napansin ni Sheena.. Pinatawag nito Ang mga empleyado na makakasama ni Sheena at ipinakilala Sila Isa Isa Kay Sheena..
"Guys may Bago kayong makakasama, si Sheena Ang Bago nating waitress Dito.. Sheena si ate Alma ang cashier natin Dito at si ate Tess Naman Yung pang Gabi na cashier at Yung iba pang pang gabi ay ipapakilala ko din sayo mamaya Bago ka umuwi siguradong nandito na sila.. Si Kuya arman Ang cook Dito at si kuya Nilo Ang pang Gabi mamaya mo parin makikita.. Sila naman Sina Edmond, John, David, Michelle, at Janice.. Sila Ang mga waitress na makakasama mo.. may mga pang Gabi din Sila sana Ang kulang pero dahil training ka palang ay baka si Kuya Reniel nalang Ang ipalipat ko sa pang Gabi kapalitan mo.." Pagpapakilala ni Gian sa mga makakasama nya..
"hello po.!" Matamis na ngiti Ang iginawad nya sa kanila kaya Naman tuwang tuwa Ang mga ito..
"Hi Sheena.!" sabay sabay na bati ng mga ito Kay Sheena.. Saka Isa Isang lumapit at nakipag kamay sa kanya.. Matamis na ngiti Ang iginawad nya sa mga ito at ramdam nya na mabait Ang mga ito dahil sa mainit nilang pagbati sa kanya..
"Sheena Ang ganda mo Naman parang Hindi bagay sayo maging waitress.." wika ni Michelle sa kanya..
Nginitian nya Naman ito.. "Naku bakit Naman.? kaw Naman maganda ka din Naman.."
"Oo nga Sheena, para ka kayang artista magayunon man ining Aki na ini.." wika naman ng pinakilalang Alma na cashier doon sa salitang Hindi nya naintindihan..
"ano po.?" maang na tanong ni Sheena..
"Hindi ka pala marunong mag bicol.?" wika naman ni Gian..
Natigilan si Sheena pero mabuti nalang at naalala nya Yung pakilala sa kanya ni Zxander Kay Gian ay sa Laguna na sya nag-aral.."ah, eh, oo sa Laguna na Kasi ako nag-aral kaya limot ko narin Ang salita Dito.. tapus yung-yung mga magulang ko Naman pag- pag natawag eh Hindi Naman nila ako kinakausap ng bicol.." mahabang paliwanag ni Sheena..
"ahh wow sa manila ka pala nag-aral kaya pala Mukha Ka talagang manila girl.." singit Naman ni Edmond..
Napa kunot muli ng noo si Gian pero Hindi din tumagal..
"At ito namang gwapong ito, pinsan ko ito si Reniel.! ohh pinsan si Sheena Bago mo tuturuan ng trabaho ha.? Hindi ng kalukohan.." Pakilala ni Gian sa pinsan nito na nasa likurang bahagi pala nya kaya Hindi nya napansin kanina pa.. Hindi Naman masabi ni Sheena na Kilala nya na ito..
"hello nice to meet you.!" may pagka pilyong wika ni Reniel Bago inilahad Ang kamay Kay Sheena..
"Hi.!" matipid na bati nya dito at matabang na nginitian.. inabot Naman ni Sheena Ang kamay dito pero halos dulo lang ng daliri Ang nahawakan ni Reniel ay hinila na niya Ang kanyang kamay.. ewan nya pero parang mabigat Ang loob nya Dito..
Naramdaman Naman ni Reniel Ang malamig nitong pakikitungo sa kanya kaya napakunot noo sya at Napa iling..
'Bakit ba Ang suplada mo sa akin.? inaano ba kita.? handa pa Naman sana kitang mahalin ng totoo tapus ganyan ka..' bulong sa isip ni Reniel habang naka tiim bagang.. Nakaramdam sya ng inis dahil Nakita nya Yung matamis na ngiti ni Sheena sa mga kasamahan nya.. tapus pag dating sa kanya biglang lamig at halos walang ka feelings feelings poker face na..
"Aba Teka Teka.. Anong kaguluhan ito.?" wika ng Isang baritinong boses na nagmula sa kusina..
"ohh tito Arnel Naritoo na po pala Yung sinasabi ko sa Inyo na nag apply kahapon kaibigan ni Zxander.." wika ni Gian.. "Tito si Sheena po, Sheena si Tito Arnel.! Sya Ang manager dito.."
"Hello po sir magandang Araw po.!" matamis na ngiti Ang iginawad nya Dito Bago iniabot Ang kamay sa lalaking sa tantya nya ay may 50s na Ang edad..
"naku Ikaw pala, it's my pleasure to meet you hija.! at napaka ganda mo nga pala Diba Reniel.?" nakangiti paring wika ng lalaki na tumingin pa Kay Reniel..
Sumimangot lang Naman si Reniel Dito..
"naku salamat po sir, nice to meet you din po.." matamis ulit syang napangiti Dito at na touch sya dahil sa mainit nitong pag approach sa kanya.. Ramdam nyang madali itong makagaanan ng loob..
"Ay hija, Tito Arnel nalang Ang itawag mo sa akin.. Masyadong pormal Ang sir, kung pwede nga ay papa nalang o kaya ay tatay parang tawag sa akin ni Reniel.." wika muli nito na may pag kindat pa kay Reniel.. Namula Ang pisnge nya at ng mapatingin sya sa Mukha ni Reniel ay Namula din Ang pisnge nito pero nka kunot Ang noo kaya parang naka ramdam sya ng hiya..
Maya Maya ay may dumating na Isang grupo ng mga customer na may 3 bakla, 5 lalaki at 3 babae medyo may kaingayan pero mukhang sanay na Ang mga staff sa kanila.. Maging Ang mga iyon ay mukhang sanay narin sa Lugar na ito..
"okey guys, back to work na regular customer is here.. Reniel Ikaw na Ang bahala Kay Sheena, turuan mo sya ng gagawin.." putol ni Gian sa kanilang usapan.. Saka kanya kanyang kilos Ang mga ito at nagpuntahan sa kani kanilang mga pwesto..
"Sige na anak, ako na Ang bahala Kay Sheena.." Salo nito sa pagtuturo Kay Sheena..
"Okey Sabi mo eh.." sagot Naman ni Reniel Dito.. Saka Dumiretsu sa kusina..
"Hello papa Gian pakain Naman.!" wika ng Isang bakla Kay Gian..
"Sus Ikaw talaga landi landi mo.." sagot ni Gian sa bakla..
"Halika.." pormal na wika naman ng Tito Arnel sa kanya na iginigiya sya patungo sa may counter..
Sumunod Naman si Sheena dahil narinig Naman nya Ang sinabi nito na ito Ang magtuturo sa kanya..
"ilagay mo muna Dito Ang bag mo.." itinuro nito Ang Isang drawer samay counter.. "Pag may customer tulad nila lalapitan mo Sila para hingin Ang order nila.." kumuha ito ng Isang menu at Isang order slip at iniabot Kay Sheena Ang order slip.. "ako Ang magpapa order ibibigay ko sa kanila Ang menu tapus Ikaw Ang maglilista ng order nila okey lang ba.?" pormal paring wika nito sa kanya..
Bigla syang kinabahan kayat humugot sya ng malalim na hininga Bago ibinuga ito.. Hindi sya Maka imik kaya tango lang sya ng tango Dito..
Nakita nyang nakaupo na sa Isang long table Ang dumating nilang customer.. Lumakad patungo sa mga ito Ang Kasama nya at sumunod Naman sya..
Hindi pa Sila nakakalapit sa lamesa ay ngiting ngiti na Ang mga customer sa Kasama nya..
"Tito Arnel.!" Halos pasigaw na wika ng Isang bakla..
"Hi Tito Arnel..!" wika naman ng Isa pang bakla..
"hello guys.! oh kumusta kayo.? kailangan nyo paba ng menu o dati parin Ang order nyo.?" tanong ng manager sa mga ito..
"Si Tito Arnel talaga alam mo na Ang paburito Namin Ikaw na Ang bahala Tito.." malanding wika parin ng Isang bakla sa Kasama nya..
"okey Sheena isulat mo, 3 sizzling chicken, 3 sizzling sisig, 2 sinigang na baboy, at Isang Shrimp butter garlic.. Ang rice ay kung ilan Sila yun Ang ilagay mo at mag add nalang Ang mga yan pag kinulang" sunod sunod na wika ng Tito Arnel sa kanya..
Naisulat Naman nya Ang lahat binilang nya Ang mga ito at 11 sila yun Ang inilagay nya sa bilang ng rice nila.. nakahinga sya ng maluwag ng matapus nya itong isulat..
"Teka, mukhang may Bago kayong waitress Tito Arnel ah.." wika ng Isa sa mga babaing Kasama ng mga ito..
Biglang Gumuhit Ang Isang matamis na ngiti ang may edad na lalaki na wari ba ay nakaisip ng Isang bright idea, at hinawakan sya nito sa braso..
"Naku hija, Hindi ito Basta Basta waitress lamang.. Ito nga pala si Sheena Ang mamanugangin ko, Fiancee ni Reniel.." nagulat sya sa ginawang pagpapakilala sa kanya ng Kasama nya.. Napanganga sya pero Hindi nya maintindihan kung bakit walang lumabas sa kanyang bibig.. inakbayan sya nito at bahagyang tinapik sa balikat..
Isa Isang ipinakilala sa kanya Ang mga ito ngunit Wala syang natandaan kahit Isa dahil para syang na engkanto sa paraan ng pagpapakilala nito sa kanya..
Ngumiti Naman sya sa mga ito ngunit pilit lamang Lalo na ng mapansin nya Ang panlilisik ng mga mata ng Isa sa mga babaing Kasama ng mga ito..
"okey anak, pakisuyo mo na Ang order nila paki bigay mo na ka Reniel para maipaluto nya na sa cook natin.." utos nito sa kanya na bagaman at lutang parin ay nakuha Naman nyang sumunod sa sinabi nito..
-to be continued