Episode 17

2236 Words
episode 17 Actual training -Lights POV "Kuya Reniel hanap ka ni Sheena.." wika ni Dave Kay Reniel na may mapanuksong ngiti ngunit Hindi naman pansin ni Sheena dahil nasa likurang sya nito.. Sinamahan sya ni Dave sa kusina para ihatid Kay Reniel.. Dahil Ang utos sa kanya ng tatay nito ay ibigay sa anak nito Ang listahan ng paorder.. "Oh bakit.?" pa hard to get na tanung ni Reniel Dito na animoy boyfriend na nagtatampo sa girlfriend nito.. 'ang attitude ahh..' pabulong na wika ni Sheena na nainis din dahil sa tono ng boses nito.. "may sinasabi ka.?" pa asik muling tanung ni Reniel sa kanya.. "ahm, eh, Wala.. ito Kasi Sabi ni Tito Arnel ibigay ko daw Sayo.." wika nya sabay abot sa order slip na sinulatan nya ng mga order ng customer.. 'Maka Tito Arnel Akala mo close na close na Sila kanina lang nagka Kilala, tapus sa akin Ang suplada kahapon pa kami nagka Kilala ah..' pabulong na nag maktol si Reniel.. "ano may sinasabi ka.? tanung niya Dito.. "ahh Wala, akin na yan.." kinuha nito Ang papel Saka ini abot sa cook.. "Kuya Arman Ikaw na Ang bahala.. Dave, kayo na Ang maghintay ng mga niluluto at kayo narin muna nila Edmond, Michelle at John Ang bahala sa pagsi serve ha.? Sheena, manood ka muna sa gagawin nila kung paano mag serve.. Baka Kasi makabasag kapa o madapa pag magsi serve ka agad.." Pormal na wika ni Reniel sa kanila.. Tumango tango lang Naman siya bilang pag galang dahil alam nya na ito talaga Ang inutusan ni Gian na mag train sa kanya.. Habang niluluto pa Ang mga order ng customer ay iginagayak nila Ang table ng mga ito.. Sinabi din ni Reniel Kay Sheena na panuorin Ang paghahanda ng table ng mga customer.. Dinalahan ng mga Plato, mga baso, small bowl para sa soup dahil may order silang may sabaw.. pork and spoon na nasa stainless na mini bucket nilagyan iyon ng mainit na tubig.. may hawakan Naman ito kayat Hindi ka mapapaso maliban kung madikit ka sa bucket.. Dinalahan din ng 3 set ng Table napkin.. Ilang saglit pa ay naluto na Ang mga pagkain.. Ang 3 sizzling chicken ay nakaset sa Isang tray na napag kasya Naman Ang tatlong sizzling na umuusok pa dahil sa mainit nitong sizzling plate.. Magkasama din sa Isang tray Ang 3 sizzling sisig.. sa isang tray din Ang 2 sinigang at may tray din na sakto lang Ang Isang naka design na Shrimp butter garlic.. Bangong bango sya sa Amoy ng mga ito ngunit alam nyang bawal sa kanya Ang hipon.. "Dave Ikaw sa sizzling chicken, John, Ikaw sa sinigang, Janice Ikaw sa shrimp butter garlic, at ako na Ang bahala sa sizzling sisig.." Mando ni Reniel sa mga kasamahan.. "Sheena manood ka nalang muna sa Amin kung paano mag serve.." wika muli nito.. Sinunod Naman ni Sheena Ang sinabi nito at matamang nanuod sa mga nagsi serve.. Nanlaki Ang mga mata ni Sheena ng makita nyang kinuha ni Dave Ang tray ng sizzling chicken at gamit Ang tatlong daliri nito na parang naka sign ng Rock-'n'-roll ay itinaas pa nito Ang tray na umuusok.. ganun din si John sa tray na may lamang sinigang at si Reniel sa tray ng sizzling sisig.. habang si Janice sa tray ng shrimp butter garlic ay ganun din Ang ginawa.. Pero mas na mangha sya ng makita niyang ilalapag ni Reniel sa table Ang tray ay pinaikot pa nya ito sa kamay at nagtaka sya ng Walang matapon doon.. "wow Ang galing nyo Naman mag serve, I don't think I can do the same thing.." wika ni Sheena pagbalik ng mga nagserve sa kinatatayuan nya.. "wow pinapahanga mo din Naman ako Kasi Englishera ka pala.." wika naman ni Janice sa kanya.. "Ahh, eh ano Kasi, ahm, nakapag college naman ako Hindi ko nga lang natapus.." palusot muli nya sa kausap.. "Mukha namang matalino ka bakit Hindi ka nag apply ng schoolarship.?" wika naman ni Reniel sa kanya.. "ahm, eh kailangan ko pa ba ipaliwanag lahat.?" tanung nya ng Hindi na malaman kung paano lulusot sa mga ito.. "ahem," napa iktad pa sya sa pag tikhim ng Isang lalaki sa likuran nya.. Si Gian.. "Guys kakain narin Tayo pinahanda ko na kina Michelle at Edmond Yung Isang table sabay sabay na tayo mag tanghalian.." singit ni Gian sa usapan nila, at laking pasasalamat naman niya dahil nakaligtas sya sa pang iintriga ng mga Kasama nya.. Pag umu-order Ang customer nila ay pumapalakpak lang Ang Isa sa mga ito at may Isang tumatayo para puntahan Sila.. Kasabay nila kumain maging Ang Tatay ni Reniel, at Masaya silang nagku kwentuhan habang kumakain.. Natapus na silang kumain ngunit naandun parin Ang customer nila.. May dumating na Isang lalaking customer at Dumiretsu sa counter.. Nakita Naman iyon ng Tito Arnel nila kayat nagmadali itong lumapit upang malaman Ang kailangan ng customer.. "Sheena, usually pag ganyang sa counter Dumiretsu Ang customer, magchi check-in yan.. halika hija, samahan mo aq.." wika nito Bago tumayo at sumunod naman siya Dito.. Nang nasa harapan na nila Ang lalaki ay napansin Niya na sa kanya ito naka tingin at Napa kunot Ang noo Niya.. Dahil pakiramdam Niya ay Nakita Niya na sa Ang lalaki, ngunit Hindi Niya mawari kung kailan o kung saan.. "Hello sir.! welcome to *New Paradise hotel, resort and restaurant.!* good afternoon.! how may I help you sir.?" narinig niyang tanung ng Kasama Niya sa customer.. "he-hello sir.!" matipid na bati Naman Niya sa customer.. "ahm, how much is your room here.?" tanung ng lalaki.. "here is our rate here sir.." wika naman ng Tito Arnel sabay abot Dito ng Isang book kung saan doon nakalagay Ang rate ng mga kwarto sa hotel.. Room with Air-conditioning (para sa iniwan) (for single person) 700 -12 hours 999 -24 hours 2,499 -3 day's 4,999 -7 day's Room with Air-conditioning (para sa may nagmamahal) (sana all may nagmamahal) (couple room) 450 -3 hours 800 -6 hours 1,299 -12 hours 1,899 -24 hours 3,950 -3 days 5,000 -7 days Room with Air-conditioning (para sa malaki at masayang pamilya) (Sana all Masaya) (for 12 person's) 7,499 -12 hours 12,000 -24 hours 24,000 -3 days 35,000 -7 days Ordinary Bedroom's (para sa marupok) (for couple) 250 -3 hours 450 -6 hours 699 -12 hours 999 -24 hours 2,199 -3 days 4,999 -7 days "lahat ng rooms sir pag 24 hours and above Ang i-stay mo Dito samin ay may free breakfast and free narin po Ang pag gamit sa aming pool.." paliwanag muli ng manager.. "Napansin ko lang po Yung caption Hindi Naman po masyado mahugot Ang gumawa nito noh.?" naka ngiting wika ng customer.. "ahh naku pasensya kana sir gawa yan ng pamangkin ko Yung anak ng may-ari Dito.." paliwanag ng manager na Ang tinutukoy ay si Gian.. Matamang nakikinig lang si Sheena sa pag-uusap ng dalawa.. "it's okey napansin ko lang Naman po.. Pero Hanggang 7 days lang po ba talaga Ang longest staying Dito sa hotel nyo.?" tanung muli ng lalaki.. "well, yun lang po Kasi Yung longest term ng nagpapa book samin ng room for vacation samin sir.. but how long will you stay here ba.? so that I would do another computation just for you.." na excite Naman Ang manager sa kausap na customer.. "I have a business somewhere here and I need to stay here for maybe a month.." wika muli ng customer.. "ohh really.? well kung ganun sir, would you like to order some food first.? and so that I hope you don't mind if I will just do the computation first and I will get back to you as soon as I am done with this.?" masaya at excited na wika ng manager sa customer.. "okey sir, thank you but I'm not hungry I'm done with my lunch.. just let me stay somewhere here as I'm waiting for you to get back.." wika nito.. "okey sir, Sheena and my son will assist you later.. Anyway, if you don't mind may I know your name.?" Ang manager muli.. "okey sir, I'm Francis, Francis San Diego.." pakilala ng customer.. Malapit ng mabagot si Sheena dahil tamang nakikinig lang Naman sya sa usapan at Hindi Naman sya nagsasalita dahil alam Niya na Wala Naman siyang maitutulong dahil Wala pa siyang alam sa Hotel accomodation details.. Ngunit napa tingala siya at Napatingin muli sa lalaki dahil parang familiar din sa kanya Ang pangalan nito.. Napatungo Naman siyang muli ng mapansin na nakatingin din sa kanya Ang lalaki.. "ohh sir Francis I'm Arnel ako Ang manager dito at anyway, ito pala si Sheena.. Pasensya kana tahimik siya training palang Kasi siya kaka start lang Ngayon.." pagpapakilala sa kanya ng manager.. "ahh see, hi Sheena nice to meet you I'm Francis.." wika nito sabay lahad ng kamay nito sa kanya.. "hello, nice to meet you din po.." Inabot niya Ang kamay nito at pormal na ngumiti Dito.. "Okey wait, Reniel.!" tawag ng Tito Arnel sa anak nito sabay kaway sa nakaupo sa table na kinainan nila at Nakita niyang naka halukipkip at tingin Niya ay kanina pa silang pinapanood.. Mabilis Naman itong lumapit sa kanila.. "Bakit.? tanung nito.. "Sir Francis, it's Reniel anak ko staff din siya dito.." Inilahad naman ni Francis Ang kamay para Kay Reniel at inabot Naman iyon ni Reniel.. "Hello sir.! welcome to *New Paradise hotel, resort restaurant.!*" bati ni Reniel Dito.. "Just call me Francis.." pormal na wika ni Francis Kay Reniel.. "anak mag che-check in sya for a month at gagawan Namin ni Gian ng computation.. Samahan ninyo ni Sheena si Francis sa Gallery para masanay narin si Sheena.." utos nito Kay Reniel.. "okey.." matipid na sagot ni Reniel.. "Sheena si Reniel na muna magtuturo sa iyo.." baling naman ng Tito Arnel sa kanya.. "okey po Tito Arnel.." wika Niya Dito.. "okey Francis please excuse me for a while.. Follow them and they will assist you.. Reniel Ikaw na Ang bahala.." Saka ito umalis at lumapit Kay Gian.. "Sige, Dito po Tayo sir Francis.." wika ni Reniel.. "As i said Francis nalang,mukhang magka edad lang naman Tayo.." insist ni Francis.. "okey Francis.." pag Tama naman ni Reniel sa pag tawag Dito.. Igininiya siya nito na magpatiuna patungo sa gallery.. Lumakad na sya patungo sa gallery at nakasunod Ang dalawang lalaki sa kanya.. itinuro Naman ni Reniel Ang Isang table at doon iginiya para maupo si Francis.. Pang four seats Ang table at naupo si Francis sa Isang upuan at hinila Naman ni Reniel Ang Isang upuan sa tabi Niya para maupo si Sheena.. Naupo Naman siya Bago umupo din si Reniel sa tabi noon.. "anything for appetite sir.?" wika ni Sheena dahil naiilang siyang katabi si Reniel.. "Yes please, pero ano ba Ang special appetizer Dito.?" tanung ni Francis at medyo kinabahan siya dahil Hindi pa siya na inform sa mga menu Dito.. Wala Naman Kasi ipina memorize sa kanya dahil actual Ang training na ginagawa sa kanya.. "ahm, we have epec beef nachos Supreme, chicken/pork/beef tacos, Lasagna and we also have our special clubhouse.." Salo ni Reniel sa kanya kaya Naman naka hinga siya ng maluwag.. "okey tikman natin Yung epec beef nachos Supreme nyo, pang ilang tao ba Ang Isang order.?" tanung muli ni Francis.. "May pang good for one person kami at good for 3 person lahat ng klase.." wika ni Reniel.. "okey lang ba sa management Dito or pwede ko ba kayo ma invite Dito to snack with me.?" tanung ni Francis.. "yeah sure, but it is when we are out from our duty.." sagot ni Reniel.. "Pero habang hinihintay natin Yung computation ng pang 1 month na pag stay ko dto, pwede naman siguro kayo maki join sa akin.." wika muli nito.. "okey it's up to you.." "okey Sige Isang order nalang muna ng nachos.. Yung good for 3 para sa ating tatlo.." wika muli ni Francis Saka naka ngiting tumingin Kay Sheena.. Sumulat sa Isang order slip si Reniel Saka ini abot Kay Sheena.. "okey, ahh Sheena okey lang ba kung Ikaw nalang Ang magbigay Kay kuya Arman ng order.?" baling ni Reniel sa kanya.. "Yeah sure.." wika Niya Dito Saka kinuha Ang papel at tumayo na patungo sa kitchen ng restaurant.."excuse me sir Francis.." baling Niya sa customer.. "Francis nalang, nakaka tanda Yung sir.." wika nito Saka ngumiti ng matamis.. "okey Francis.." wika niya Dito Saka ngumiti Bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.. Habol Naman ng matamis na ngiti ni Francis si Sheena na pansin na pansin ni Reniel kaya Nakaramdam siya ng inis dahil naramdaman Niya na mukhang may gusto Kay Sheena si Francis.. Nangunot Ang noo Niya sa isipin.. Nagku-kwentuhan na Ang tatlo ng dumating Sina Gian at Tito Arnel at Dala Ang computation na ginawa nila para sa one month hotel accommodation na gusto ni Francis.. Nagka sundo Naman silang lahat at tuloy nag bayad agad si Francis ng lahat lahat para sa One month niyang pag stay sa hotel na iyon.. Nag alok pa si Francis ng Isang Party celebration para sa kanila after work nila at Hindi Naman ito nagawang tanggihan ng management dahil sa laki ng binayaran nito sa kanila.. Bago umawas sa trabaho si Sheena ay dumating na si Zxander, may usapan Sila ni Reniel na mag iinom.. Pero dahil sa alok ni Francis na maliit na party ay doon nalang balak na isama ni Reniel sa inuman si Zxander.. -to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD