Episode 35 -Renniel's POV Nang Araw na ihatid ni Francis Sina Light at Zxander patungo sa mansion ng mga Del Juega ay hindi na makausap ng matino si Renniel.. Hindi narin tumatalab maging ang mga arti at pananakot ni Queenie.. "Renniel ano ba.? Tinataguan mo ba ako ha.? Ilang araw na kitang hindi matagpuan ah.!" Bulyaw ni Queenie Kay Renniel ng minsang sumipot ito sa new paradise at natagpuan si Renniel sa Gallery na nagmumukmok at nakaupo sa harapan ng Piano.. Nilingon ni Renniel ang buntis na babae ngunit inalis din niya ang tingin dito at ibinalik Ang paningin sa tinitingnang mga nota na naka patong sa piano.. "Ano na naman ang kailangan mo Queenie.?" Walang emosyung tanung niya dito habang sa mga papel sa harapan parin naka tunghay.. "Bakit Hindi ka nagrereply sa mga chat ko.? Sa

