episode 36 Lumabas na si Renniel sa opisina ng kuya Mon ni Light at dumiretso na sa kaniyang motor.. Habang sa byahe palang niya pauwi ay para na siyang lasing sa mga nalaman niya sa araw na ito.. Dumaan siya sa grocery store na malapit sa apartment na tutuluyan niya at namili doon ng mga makakain niya.. kahit mag-isa lang ay Wala naman siyang planong pabayaan o gutumin Ang sarili kahit naguguluhan ang kaniyang isipan sa mga nangyayari.. Pagdating niya sa apartment ay naligo muna siya bago nagluto ng makakain.. Matapus niyang kumain ay nagbukas siya ng TV sa Salas at naupo sa sofa.. Sumandal siya sa sandalan niyon at napa pikit siya ng maalala ang nangyari sa pagpunta niya sa kaniyang magiging part time job.. "Ang magiging boss ko ay kuya ni Light, at si Zxander kasama ni Light.. Tapu

