Chapter 9: Self-pity (Amber)

2015 Words
Isa-isa kong dinampot ang mga nagkalat sa sahig habang tumutulo ang aking mga luha. Para iyong bukal na hindi natutuyuan. Kanina ko pa pinipigilan na umiyak ngunit ayaw makisama ng aking mga luha. Hanggang sa sumuko na lamang ako. "Ilang araw pa lang kaming kasal pero ganito na kaagad ang mga nangyari. Paano na lang kaya kapag tumagal pa ito? Kusa kayang mababawasan o mas lalala pa?" tanong ko sa aking sarili. Mga luha ko lamang ang sumasagot sa tanong ko. Sa mga oras na iyon ay nais ko lamang na iiyak ang lahat para kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Kumuha ako ng dust pan at winalis ko ang mga bubog na nakakalat sa sahig. Nang maalis ko na ang mga nakakalat ay nag-mop naman ako. Nais kong pagurin ang sarili ko para makaramdam uli ako ng antok at makatulog. Ngunit nabigo lang ako. Sinilip ko sa kuwarto si Darwin. Nakita kong nakahiga pa rin siya at nakapikit. "Mabuti pa siya nakatulog habang ako heto naaawa sa aking sarili," pabulong kong sabi sabay sara ng pinto. Bumalik ako sa sala at nahiga sa sofang kawayan. Habang nakahiga ay naisip ko ang sinabi ni Inay na pera na kailangan kong ibigay sa makalawa. Hindi maaring lumapit ako sa aking mga magulang. Malinaw ang sinabi nila sa akin ng pinili ko si Darwin. At siguradong totohanin nila iyon. Kung sakali man na bibigyan nila ako ng pera ay hindi sila papayag na wala iyong kapalit. Ano naman ang hihingin nila? Sigurado ako sa sagot - ang hiwalayan ko si Darwin. At iyon ang imposible kong gawin. Kahit anong mangyari ay maninindigan ako sa aming sinumpaan. Ipaglalaban ko siya hanggang kamatayan. "Pero saan ako kukuha ng pera?" muli kong tanong sa aking sarili. Imposible namang kay Nicole. Kahit pa sabihing mayaman din siya ay hindi rin siya makakahingi ng gano'n kalaking halaga sa kaniyang mga magulang. Saka nahihiya rin ako sa kaniya. Marami na siyang naitulong sa akin at ayaw ko na munang dagdagan pa iyon. Nang wala na akong maisip na paraan ay ipinikit ko ang aking mga mata ngunit naramdaman ko ang pagkulo ng aking sikmura. Nagugutom na ako. Tiningnan ko ang oras. Alas otso na ng umaga kaya muli akong bumangon at nagtungo sa kusina. "Kailangan ko pa ring pagsilbihan ang asawa ko kahit na masama ang aking loob," sabi ko sa aking sarili. Naghanap ako ng maaari kong mailuto para sa almusal namin. Nakita ko ang isang pirasong itlog at instant noddles. Iyon na lang ang iluluto ko pero kaunti lang iyon. Naisip ko kasi na baka dumating sina Inay at Denise at hindi iyon magkakasya sa amin. Siguradong makakarinig na naman ako ng masasakit na salita galing kay Inay. Nagpasya na lamang akong magsaing para iyon na lang ang aming ulam ngunit nang buksan ko ang lata ng biskwit kung saan nakalagay ang bigas ay nanlumo ako. Paano ba naman wala pang kalahating takal ang bigas na naroon. "Bibili na lang ako sa tindahan," sabi ko sa aking sarili sabay hinga ng malalim. Panay ang buntong-hininga ko habang patungo ako sa kuwarto para kumuha ng pera. Nang itutulak ko na ang pinto ay napatigil ko. Saka ko na lang kasi naalala na wala na nga pala akong pera. Naibigay ko na lahat kay Inay. Bigla na naman akong nanlumo at nakaramdam ng awa sa aking sarili kaya muling bumuhos ang aking mga luha. Mabilis ko ring pinunasan iyon nang marinig ko ang yabag ni Darwin na palabas ng kuwarto. "May pagkain na ba? Nagugutom na ako," tanong niya pagkalabas ng kuwarto habang humihikab at hinihimas ang kaniyang tiyan. Nakatayo lang ako sa gilid at tiningnan ko siya. Inaalam ko kung nakaramdam man lang siya ng sorry dahil sa sinabi niya sa akin kanina ngunit wala akong makita sa kaniyang mga mata. Sa kilos niya ay tila wala lang sa kaniya ang lahat. Na para bang walang nangyari kanina. "Anong problema, bakit para kang poste na nakatayo riyan?" walang kaemo-emosyon niyang tanong sa akin. "W-wala tayong bigas," mahina ang boses na tugon ko sa kaniya. Hindi ko na ibinalik ang nangyari kanina at baka lalo lang akong masaktan kapag muli niya akong sumbatan. "O ngayon?" tanong niya na parang wala lang sa kaniya. "Wala akong sasaingin." Nakita ko ang galit na rumehistro sa mukha ni Darwin. Napasuklay pa siya ng daliri sa buhok habang ang isang kamay ay nasa kaniyang beywang. "O ano ngayon? Naintindihan mo na kung bakit ako nagalit sa ginawa mo kanina?" tanong niya sa akin. "Gusto ko lang naman makatulong sa'yo pero minasama mo," may panunumbat kong sagot sa kaniya. "Anong tulong ang ginawa mo ha? Iyong binigyan mo siya ng pera? Tulong na ba sa tingin mo iyon ha? Sa totoo lang ay lalo mo lang pinalala ang sitwasyon. Tandaan mo na hindi tayo mamamatay sa salita ng Inay kahit gaano man iyon kasakit. Kaya nating palusutin iyon sa magkabila nating mga tainga. Pero 'pag wala tayong maisaing ay siguradong mamamatay tayo," paliwanag ni Darwin sa akin. Napahagulgol na ako at napaupo habang ang mga kamay ko ay nakatakip sa aking mukha. Sa sinabi ni Darwin, pakiramdam ko ay wala akong silbi at wala akong pag-iisip. "Bakit palagi na lang ako ang mali? Bakit wala na akong nagagawa na tama?" tanong ko sa aking sarili. "Stop acting like that, Amber. Please grow-up. Wala ka na sa mansiyon niyo kung saan buhay prinsesa ka na madadaan mo sa iyak ang lahat. You're in my world. At patibayan ng sikmura rito para maka-survive ka. Nagsisimula pa lang tayo. Kaya kung naiisip mo na matindi na ang nararanasan mo sa ilang araw mo rito ay wala pa ito, Amber. Kumbaga, patikim pa lang ito. At wala rin naman akong inilihim sa'yo. Sinabi ko sa'yo kung gaano ako kahirap at anong klaseng pamilya ang meron ako. Pero sinabi mo sa akin na wala kang pakialam. Kaya sana iyon ang ipakita mo sa akin. Panindigan mo ang pinasok mo dahil iyon din ang gagawin ko," mahabang pahayag ni Darwin saka lumabas siya ng bahay. Tama ang sinabi niya na wala siyang inilihim sa akin tungkol sa kaniyang buhay. Minahal ko siya kahit gaano pa siya kahirap. Ngunit hindi ang kahirapan ang nagpapasakit sa aking kalooban ngayon kundi siya mismo. Ang ini-expect ko ay aalalayan niya ako para unti-unting maka-adjust sa kaniyang mundo pero hindi iyon ang nangyari. Binigla niya ako. Pinipilit niyang maunawaan ko kaagad. Kaya labis akong nasasaktan. Naaawa ako sa kalagayan nila. Sa kahirapan na kanilang nararanasan pero bakit mas naaawa ako sa aking sarili? Deserve ko ba ang lahat ng ito? Marahil ay oo dahil sa nagpadalos-dalos ako sa aking ginawang desisyon. Puro puso ko ang aking sinunod. Ngunit huli na para magsisi at sisihin ang aking sarili. Kasal na kami ni Darwin at wala sa isipan ko ang salitang hiwalayan. "Magtiis ka, Amber. Kailangan mo pang magtiis. Pasasaan ba at matatapos din ang lahat ng ito," sabi ko sa aking sarili. Iyon na lamang ang aking gagawin kapag naulit ang ganitong mga pangyayari. Isisiksik ko sa aking isipan ang dahilan ko kung bakit pinakasalan ko si Darwin. Mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para mapatunayan iyon. Nang mahimasmasan ay tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maghilamos ng mukha. Inayos ko ang aking sarili at pagbalik ko ay naroon na sa kusina si Darwin at naghuhugas ng bigas. "Tatawagin na lang kita kapag luto na ang pagkain," matabang niyang sabi sa akin. "Okay. Sa kuwarto na muna ako," tugon ko na tila ako lang ang nakarinig. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako roon. Wala akong balak na umiyak dahil sa pagod na ako ngunit ayaw pa ring paawat ng aking mga luha. Kahit anong pigil ko ay kusa silang nalalaglag. Huminga ako ng malalim sa pagitan ng tahimik kong paghikbi. Pinilit kong humakbang patungo sa aming higaan. Pakiramdam ko kasi ay babagsak na ako at wala ng lakas ang aking mga paa. "What should I do?" Wala sa sariling tanong ko kahit na wala naman akong kausap. Muli kong ipinaalaala sa aking sarili ang salitang magtiis at iyon ang nagpatigil sa mga luha ko. Bumaba ako ng katre at muling lumabas ng kuwarto. "Anong ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Darwin nang makita niya ako. "Tutulong sa'yo," masigla kong tugon sabay ngiti sa kaniya na tila walang nagyaring iyakan kanina. "Are you sure you're okay?" nakakunot ang noo na tanong niya. "Yeah," maiksi kong sagot. Natawa naman ng bahagya si Darwin at nagkibit-balikat saka ibinigay niya sa akin ang chopping board at sibuyas. "Pakihiwa," aniya. "Okay, Babe," malambing kong tugon. Kinuha ko ang sibuyas at chopping board at ipinatong ko iyon sa mesa. Kumuha rin ako ng kutsilyo. "Dahan-dahan lang at baka masugatan ka," paalaala ng aking asawa at kinilig naman ako. Napansin ko na gaya ko ay bigla rin nagbago ang mood ni Darwin na para bang walang nangyari kanina. Napapangiti ako habang naghihiwa ngunit napapasinghot naman dahil sa sibuyas. "Are you okay, Babe?" tanong niya uli sa akin. "Nakakaiyak, Babe," tugon ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa aking likuran. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng ginhawa. Marahil ay iyon ang hinahanap ko sa kaniya. "I'm sorry for what I've said kanina. Hindi ko dapat ginawa 'yon," aniya habang nakapatong ang kaniyang baba sa aking balikat. "I'm sorry too, Babe for being weak." Binitawan ko ang aking hawak at iniharap ako ni Darwin sa kaniya. Hinaplos niya ang aking mukha habang nakatingin ako sa kaniyang mga mata. Napapangiti ako dahil ito nga ang lalaking minahal at pinakasalan ko. Ang lalake na hanggang ngayon ay nagpapakabog pa rin sa dibdib ko. Ipinikit ko ang aking mga mata nang dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Dinampian niya ako ng halik sa labi. Nagsimula sa isang dampi hanggang sa naging maalab na iyon. Napakapit na ako sa kaniyang batok at napatingkayad habang patuloy pa rin ang aming halikan. Nakaramdam na kami ng kakaibang init sa aming katawan at kailangan na naming muling pumasok sa aming kuwarto para ituloy ang iniisip naming gawin. Mula kusina hanggang sa kuwarto ay hindi naghiwalay ang aming mga labi. Isinandal ako ni Darwin sa pintuan nang maisara iyon. Napapaungol na kaming pareho. Ang mga kamay niya ay abala na sa paggalugad sa aking katawan. Napapaliyad ako nang makaramdam ng kiliti dahil sa nilalapirot niya ang korona ng aking dibdib. "I want to f*ck you now, Babe," aniya nang maghiwalay ang aming mga labi. Hindi ako sumagot sa halip ay hinalikan ko siya sa labi at alam na niya ang ibig sabihin n'on. Ibinaba niya ang suot kong p*nty. Lumuhod siya sa aking harapan habang nakasandal pa rin ako sa pintuan. Ipinatong ko sa kaniyang balikat ang isa kong hita. Napaungol ako nang maramdaman ang kakaibang sarap nang dilaan niya ang aking kaselanan. Napakapit pa ako ng husto sa magkabilang gilid ng pinto habang gumagalaw ang aking balakang sa hagod ng bawat pag-angkin ng bibig ni Darwin sa aking rosas. "s**t! This is heaven," usal ko at umungol naman ang aking asawa bilang pagsang-ayon. Patuloy kong ninanamnam ang ginagawa ng aking asawa. Panay ang ungol ko. Gaya kanina ay hindi ko inalintana na maaring may makarinig sa amin. Nagsimula na rin namang mag-ingay sa labas. May kumakanta na sa videoke kahit na maaga pa. At iyon ang pagkakataon naming dalawa. "Aaahhhhhh..." mahaba kong ungol nang sipsipin ni Darwin ang aking mani. Tumayo na siya saka naghubad ng damit. Gano'n din ang ginawa ko. Nang pareho na kaming hubo ay umupo sa sahig si Darwin. Kita ko na jumbo hotdog na naman ang nakahain sa aking harapan. Napapakagat pa ako sa aking labi na parang natatakam sa ari ng asawa ko. "Seat on my lap, Babe," sabi sa akin ni Darwin ng hawakan niya ang aking kamay. Sumunod naman ako. Dahan-dahan akong umupo sa kaniyang kandungan habang ipinasok niya sa aking butas ang kaniyang jumbo hotdog. "Aaahhhhhh..." sabay naming ungol na dalawa nang maipasok na niya iyon. Ang sarap sa pakiramdam nang nasa loob na ng kuweba ko ang sawa ni Darwin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD