Dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ko nang namataan ko si Sabrine na laglag ang panga habang nakatayo sa hamba ng pinto ng aking opisina. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa gulat at bumagsak pa sa sahig ang dala nitong kahon na hula ko’y may lamang cake. Maging ako’y hindi rin nakakilos. Naiiyak ako. Pakiramdam ko ay gusto kong humagulhol ng malakas dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. “Dammìt! Shut the door, Sab!” Tila natauhan si Sabrine sa pagsigaw ni Soren. Pagkakuwa’y isinara rin nito ang pinto at ni-lock. Pati si Sabrine ay halatang aligaga rin. Parang wala sa sarili at hindi ko masisisi kung ganoon ang reaksiyon n'ya. Soren’s expression turns dangerous. I shot him a deadly and warning glare before I rushed towards Sabrine. Iginiya ko ito sa visitor’s couch at pinaupo

