Prologue
“Akin ka.”
Woah, deep. Ano bang ibig sabihin ng dalawang salitang ‘yan?
Sinasabi lang ba ‘yan ng mga taong nagmamahalan? Para lang ba ‘yan sa mga taong naniniwala sa forever? O ‘yong mga may ka-forever?
Nasabihan ka na ba nito? Ako kasi... Oo.
“A-ano?”
“I said you're mine, dear. All mine.”
Ang bigat na salita. Akala ko nga joke lang, noong mga oras kasi na ‘yon ... Paano ko ba sasabihin? Mukha siyang sabog na tulalang hindi ko maintindihan. Kaya nga nasabi ko …
“Dude, una sa lahat, hindi ako si dear. Pangalawa, hindi ako pag-aari ng kahit na sino, FYI manong mas mahal pa ako sa pinakamahal na bagay sa mundo!”
Hindi ko siya maintindihan, hindi talaga. Ni hindi ko siya kilala at ikalawang beses palang naming nagkita. Ano? Na love at second sight lang? Gandang ganda? Kasora.
Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon. ‘Yong mga salitang akala ko siya lang ang magsasabi ... Nagkamali ako.
Akala ko dati ako ang aangkinin niya, pero sa bandang huli, ako rin ang nagsabing …
“Akin ka.”