“... Akin ka.”
“A-ano?”
“I said you’re mine, dear. All mine.”
Is he in love with me already? Humayghad! Masama na ‘to, napapa-english na me! Pero imposible namang nainlab siya sa alindog ko, though, sa sobrang ganda ko minsan naiinlab na rin ako sa sarili ko. Pero hindi eh. Ohmagash! Hindi kaya tama ako? Sabog siya?! Omo! Anong school ba ‘tong napasukan namin!
“Dude, una sa lahat, hindi ako si dear. Pangalawa, hindi ako pag-aari ng kahit na sino, FYI manong mas mahal pa ako sa pinakamahal na bagay sa mundo!” Uber serious at may kasama pang duro chuchu na sabi ko then sinabayan ko ng walk out para may effects.
Adik na lalaking ‘yon. Baka mamaya, magulat na lang ako may mang tokhang dito. Nakooooo isusumbong ko talaga siya kay Duterte. I swear, he will gu tu hill (insert Duterte’s voice). Lelz.
Dumaan muna ako sa locker para kunin ang bag ko at dumiretso sa room. Pagdating ay naghanap agad ako ng upuan, sa likod ako pumwesto dahil siguradong mauunang tanungin ng legendary question ang mga nasa harap. Ang walang kamatayang ‘introduce yourself’ tuwing first day.
“Hoy babae!” Tawag ng papasok pa lang na si Ex.
“Ayy sa’n ka galing?”
“Pinagtulakan lang naman ako dahil dinumog kayo ng fans niyo sa eksenang ginawa niyo sa labas!” Nakapamewang at taas kilay na sabi nito.
Napanguso ako sa sinabi niya. Kung pinagtulakan siya edi sino pala ‘yong nakasalo sa’kin ng itulak ako no’ng girl? At hindi naman ako gumagawa ng eksena, ayoko lang talagang nagpapa-api. Ang lagay eh sa ganda kong ‘to, papayag akong itulak tulak ng babaeng ‘yon?
“Psh! ‘Yong babae kaya ang nauna!”
Naupo siya sa katabing silya at tiningnan ako ng seryoso. ‘Yong tinging nagsasabi na ‘tama-na-joke-sumeryoso-ka-kun’di-you’re-so-dead’, kaya shut up na ‘ko.
“Hindi ‘yon ang tinutukoy kong eksena! Walang masyadong fans no’ng nagsagutan kayo ng espasol na ‘yon. ‘Yong sa lalaki! Sino ‘yon huh?!” Parang nanay na sigaw niya, pinagtitinginan tuloy kami ng kakaunting tao dito sa room.
“Ewan.” Kibit balikat na sagot ko.
“Ewan? Eh ano ‘yong linyahan niyang, ‘Akin ka’? Sagoooooot!”
“Ganito kasi ‘yon …” At ikinuwento ko sa kaniya ang mga ganap mula enrollment, nanatili naman siyang tahimik at nakikinig.
“So I therefore conclude na adik siya.” Pagtatapos ko sa story telling.
“Sigurado kang hindi mo siya kilala?”
“Oo nga!” Tatango tangong sabi ko.
Sumandal siya sa upuan niya at umaktong nag-iisip. Sige lang, mag-isip ka lang. Pero para sa’kin adik talaga siya! Ganiyan talaga ‘yong masasamang tao ngayon eh, malayo na sa itsura. Hindi na magbabago ang isip ko. Hmph!
‘Di nagtagal ay dumami na rin ang mga kaklase naming pumapasok. At kung sinuswerte ka nga naman ... Kaklase ko si Kuyang tulaley na ngayo’y sabog na!
“He’s here.” Bulong ni Ex sa tabi ko.
“Kita ko nga.”
Diretso sa mata na naman ang tingin niya sa’kin, hindi naman ako umatras kasi mahilig talaga ako makipagtitigan. Napakunot pa nga ang noo niya ng makipaglaban ako ng tingin sa kaniya... Hanggang sa nakatayo na siya sa harap ko ay nakatitig pa’rin siya.
“Oh? Hinay hinay sa titig, mainlab ka.” Sabi ko.
Bahagya naman siyang natawa sabay lean sa armchair ko. Woah. Mas gwapo siya sa malapitan, as in ‘yong malapit na 5 inches away.
“What I told you earlier, I mean it.” Seryosong sabi niya.
“Ano bang problema mo?” Nakaka asar na kasi siya.
“Ikaw.” Mabilis na sagot niya, “Why do you have to bear that face?” Dagdag niya.
Huwat?! Itinulak ko ang dibdib niya at sinamaan siya ng tingin. Tumayo rin ako dahil nakakangawit tumingala.
“Aba sisihin mo ang nanay ko’t naging ganito ako kaganda! Eh ikaw? Why do you have to be ‘that’ weird?” Dinuro ko pa siya sa dibdib para intense.
“Aha-hahahahahahahahahahahaahh!” Nagulat nalang ako ng dumagundong sa buong classroom ang malakas na tawa niya. Grabe! Pinagtatawanan niya ba ako? ‘Tong ganda kong ‘to gagawin niyang clown? Dis is anakseptabol!
“You know, I was born like this. Sisihin mo rin ang Nanay ko at pinanganak niya akong weird.” Nakangiti pang sabi niya.
Gwapo~! Mas gwapo siya kapag naka smile! Ajuju. Bakit hindi na siya mukhang adik? Hindi na siya tulalang sabog.
“E-ewan ko sa’yo!”
Naupo na’lang ako at tumingin sa harap, sakto namang dating ng teacher namin.
“Why are you still standing Mr. Kim?” - Guro
“Because this girl took my seat.” Sagot niya habang masama ang tingin kay Ex na katabi ko. Nasa dulong kaliwa kasi kami ng room. Pader ang katabi ko sa kaliwa then si Ex sa kanan.
“What?!” - Ex
“That’s my seat, move.” Kuyang -- wait ano nga bang pangalan nito?
“Sige na miss, lumipat ka na dyan sa vacant sa tabi mo.” - Guro
“Ako pa talaga mag a-adjust?” Halatang asar na bulong ni Ex habang lumilipat.
Dayaaaa~ sino na kadaldalan ko? Ay grabe si Sir, may favoritism, halatang pinapanigan si Kim. Oha! Naalala ko na pangalan niya, tinawag siyang Kim ni Sir di’ba?
“So guys, I am Noel Austria, but you can call me Sir Noel. I’m your adviser, and also your Pre Calculus teacher. Since I have introduced myself, your turn.” Mukha naman siyang mabait, harmless naman at ang gwapo! Halatang bata pa, freshly grad palang siguro siya. Humaygad! Mukhang mag eenjoy ako sa numbers kahit mag-nose bleed pa ako.
“Let's start wi--” naputol ang sinasabi ni Sir ng magbukas ang pinto at may pumasok na isang lalaki at babae
“Sorry we're late, Sir.” ‘Yong babae.
“It’s fine, first day pa’lang naman but I won’t tolerate it next time.” Sagot ni Sir.
Pumasok ang dalawa at naupo katabi ni Ex dito sa dulo ‘yong babae at lalaki, ipinagpatuloy naman ni Sir ang pagsasalita.
“Like what I’m saying, let's start with the lady at the back.” Lahh~ Labo ni Sir, kailan pa nauna ang na sa likod? Try ‘ko nga sa pilahan ng jeep, pupunta ako sa likod baka sakaling mauna ako sumakay. Pfth.
“I’m Elle Cristobal, Sir! 16 years young hehe.” Tanging nasabi ko pagkatayo. Ano pa bang sasabihin ko? Dapat kasi may ibang nauna para may pagbabasehan ako. Ajuju.
“Can you tell us more?” - Sir
“Ano pa pong sasabihin ‘ko? Magtatalambuhay pa po ba ako?” Nagtawanan sila sa sinabi ‘ko. What’s funneh? This is no fun!
“Hahaha sige na nga ‘yung susunod na.”
Napatingin silang lahat sa katabi kong si Kim. Tumayo siya at... Tumingin nanaman sa’kin? Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ko?
“I’m V Kim, you know it all.” Ayy V pala siya, apilido pala ‘yong Kim. Lol. Nalala ko tuloy ‘yong crush kong Koreano na member ng BTS, si Kim, Taehyung, actually medyo may hawig nga sila eh, uma-anggulo.
Tuloy tuloy na silang nagpakilala pero hindi ko naman matandaan. ‘Yah know, mahina ako sa pangalan but don’t worry kasi matatandain naman ako sa mukha.
Isang subject pa ang lumipas at break time na! Yieeehhhh~
“Exy taralets!” Aya ko.
Palakad na ako ng may humawak sa byutipul soft hands ko. Si V, yieeeeeeehh kunwari siya si Taehyung. Hihi.
“Sabay tayo.” Nakangiting sabi niya. Ang aliwalas ng mukha. Ang gwapo! Way is dat? Ang puti niya para sa lalaki, Senpai how to be you po? Haha
“Yoko nga.” Sabay bawi kay hands. Medyo scary kaya siya, ang weird.
“Ililibre kita.” Para namang may kumantang anghel sa tenga ko ng marinig ‘yon. Ngumiti ako sa kaniya and this time ako na ang humila sa kaniya.
“Ano pa bang hinihintay mo? Let's go bess!” Waaahh~ “Kung ganiyang lagi mo akong ililibre, ikaw na ang bespren ‘ko! Hehe.” Dagdag ko.
Ang taong gipit, sa nanlilibre kumakapit!
“Hoy Elle!” Narinig kong tawag ni Ex.