Nagising ang diwa ko kinabukasan dahil sa mahinang hilik na naririnig ko, ramdam ko pa ang mainit na paghinga sa kaliwang pisngi ko rason para unti-unti akong magdilat. Sandali kong pinakiramdam ang sarili, lalo na ang bigat sa bandang tiyan ko kaya nagbaba ako ng tingin dito. Umawang pa ang labi ko nang makita ang isang braso na nakadagan sa akin. Sinundan ko rin ng tingin ang kamay ko na siyang nakapulupot sa braso nito and to my surprise, bigla akong natauhan. Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakitang posisyon namin ni Asher. He's beside me with only an inch apart for f**k's sake! Nakapatong pa ang ulo ko sa isang kamay nito kaya ganoon na lamang tumatama sa mukha ko ang mabibigat nitong paghinga. Maagap kong binawi ang kamay ko bago pa man siya magising, paunti-unti ko

