Chapter 15

1635 Words

"Ano, masarap ba?" pagtatanong ko nang tikman nito ang niluto kong kaldereta. Pareho na kami ngayong nakaupo at handa nang kumain, may mga nakahain na ring kanin at ulam sa lamesa. Napansin ko ang pagngiwi niya, hindi rin nagtagal nang tumango siya. "Masarap," aniya at muling humigop sa sabaw, "Sobrang sarap, nakakabaliw." "Sigurado ka? Bakit ganiyan ang mukha mo?" takang tanong ko, mukha kasi itong nangangasim at hindi ko mawari kung anong nangyayari. Hindi na siya nakapagsalita dahil inabala na nito ang ang sarili sa pagsandok ng kanin, lumuwa pa ang parehong mata ko nang makitang punung-puno ang kaniyang pinggan. Sunod nitong ginawa ay sinandukan din ako ng kanin, iyong tama lang para sa akin. Mayamaya pa nang ilapit niya sa akin ang tupperware na kaninang binigay ni Jade kaya nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD