Nagising ako nang muling umatake ang morning sickness ko. Inaantok man ay kaagad akong bumangon sa kama upang magtungo sa banyo na hawak-hawak ang nangangasim na tiyan. Shit! Wala sa sariling napahawak ako sa ulo nang maramdaman ang pagkirot nito dala nang biglaan kong pagtayo, tila ba umiikot ang paligid ko kaya sandali akong sumandal sa pader. Habol pa ang hininga ko nang pumikit ako, pilit inaalala kung ilang buwan na ba akong nagdadalang tao. And guess what, almost three months na ngunit hindi pa ganoon kaumbok ang tiyan ko. Animo'y hindi buntis dahil wala pa namang pagbabago sa katawan ko, kaya ganoon na lang din kalakas ang loob ko na manatili pa rito sa bahay ni Asher. Ganoon nga siguro kapag inililihim, ano? Hindi ko nga alam kung hanggang kailan pa ako magtatagal dito. Higit t

