Chapter 7

1655 Words

Sa hinaba ng naging biyahe namin ni Penelope ay nakatulog na lang ako sa ganoong posisyon, naalimpungatan lang nang kalabitin ako nito dahilan para magmulat ako. "Nandito na tayo," aniya na siyang nakadungaw sa akin. Hindi ako gumalaw dahil ramdam ko pa ang antok at sakit ng katawan ko sa ilang oras na pagkakaupo. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakitang magtatakip silim na kaya nangunot ang noo ko. "Welcome to Isla Mercedes," dagdag ni Penelope. Umahon ako mula sa pagkakaliyad at umayos ng upo, makailang beses pa akong nagpalinga-linga sa paligid. Maliban sa malakahel na kalangitan ay tanaw na tanaw ko ang malawak na karagatan. Bahagya kong ibinaba ang bintana at agad na bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin sa labas, kasabay nang malakas na paghampas ng tubig-dagat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD