Nang araw na 'yon ay hindi ako umuwi sa mansion, bagkus ay pinili kong manatili muna sa unit ng magkapatid na sina Mikaela at Penelope, kung saan alam kong ligtas ako. Hindi ko kasi mawari kung uuwi pa ba ako sa amin gayong mukhang pinagtatabuyan na rin ako ni Mommy, nakakalungkot lang na siya dapat itong karamay ko. Isa pa, nagpaplano na rin akong umalis. Balak kong sundin ang sinabi ni Penelope na magtago na muna ako sa Isla Mercedes. Bago lang iyon sa pandinig ko kaya hindi ko alam kung saan iyon. Bahala na, bahala na muna. Iyon na lang din ang nakikita kong solusyon sa ngayon, kung wala na akong magagawa upang isalba ang career ko ay kahit ang sarili ko na lang, pati na rin ang bata sa sinapupunan ko. Mas mapapanatag ako kung malalayo kami rito, gusto ko ring mapag-isa. Baka saka

