Today, there were raindrops on our feet
On my mind —a memoir next to my seat
Tonight, in a wrap of my loaded slumber
I’ll go on a deep rest;
Tomorrow I’ll beat my ‘best’
As you’ve said seek to not see it over;
—To be happy is the sadness’s aftermath—
—ley
---
Ala-sais na ng gabi at nandito pa rin ako sa loob ng Educ Building. May iilan-ilan pa naman na mga tao ang naglalagi rito. Kabilang na si Amber na kasama ko rin sa Journ Org.
An hour had passed since our last class but because of sudden meeting in our Org, inabutan tuloy kami ng malakas na ulan. Nagpasya akong itext sila mama dahil anong oras na at wala pa ako sa bahay.
Ilang minuto pa at nagpaalam na ang iba pa naming nga kasama. Malapit lapit lang naman ang mga boarding house nila sa University. May pailan-ilan ring sinusugod na ang basang paligid.
Sandali lang, naubos na ang tao sa lugar.
"Ma'am wala po ba kayong sundo?" wika ng isang malalim na boses. Marahan ko itong nilingon at nakita ko namang si Kuya Guard pala ito.
"Wala po, hinihintay ko lang din po huminto yung ulan. Pasensya na po, " wika ko. Nakita ko naman ang pag iling nito na tila ipinaparating na huwag akonh mabahala. Maya-maya pa, narinig ko na may sumigaw mula sa kabilang direksyon.
"Let's go, sumabay kana sa'kin" wika ng pamilyar na boses. Nagkunwari pa akong walang narinig. Bigla naman itong lumabas mula sa itim nitong sasakyan. Kahit na nakapayong, nakarating sya sa direksyon ko ng basang basa. Ganoon parin talaga kalakas ang ulan no?
Di katulad kaninang umaga sa booth, naka bomber jacket na ito.
"Ikaw pala, akala ko sino nang tumawag," bati ko. Ngumiti naman ito sa akin, halatang nahihiya pa.
"U-uhm, It's getting late, if you'll consider, I'll give you a ride kasi itong building na lang na ito yung may iilan pang tao" kabado niyang sabi at hindi pa makatingin ng diretso. Napaisip naman ako at naintindihan ang sinabi dahil galing pa sya sa CEA building na located pa sa likurang bahagi ng University habang itong Educ building ay malapit-lapit na sa mismong gate. Gayon pa man, nag dalawang isip pa ako dahil sino naman ako para bigyan ng special ride sa kotse niya.
"I'm good, hihintayin ko lang na tumila yung ulan baka makaabala ako. At saka, ni hindi ko nga alam pangalan mo," I said while giving stress to our earlier encounter. Na-gets naman niya ito at saka bahagyang tumawa. Hindi ko maipaliwanag, parang may tila kung anong kumurot sa loob ng tiyan ko.
"S-sorry. I-Im Blanche. It will give me a peace of mind kung sasabay kana sa akin kasi, who knows? Baka bukas mabalitaan ko na lang na may nasaksak or other unbearable news. I promise, hindi ka nakakaabala, " wika niya habang inilalahad ang kamay nya. Ilang sandali kaming nanatili sa pwesto. Kinuha ko naman ang kamay niya at sinabi rin ang pangalan ko. Lumingon ako sa paligid at napansin ko nga na ako na lang at si Manong guard and naririto kaya pumayag na ako sa alok niya.
Hindi ko na namalayan na naglalakad kami papunta sa kotse niya. As expected, mabilis na niyakap ng tubig ang mga suot namin. Given that the umbrella is too small for us. Muntikan pa akong natisod. Mabuti nalang ay agad niyang nasapo ang braso ko.
Pagkarating sa tapat ng sasakyan, inalalayan niya pa ako papasok ng kotse. Pagkasara ng pinto ay dali dali rin syang umikot sa kabilang pinto para samahan ako sa loob.
"Seatbelts, " mahinang wika niya bago tuluyang sumilip ang kaunting liwanag sa loob.
Agad kong hinanap ang seat belt at sinubukang ayusin. Dahil na rin, siguro sa medyo madilim na setting, nahirapan akong pagdugtungun iyon. Nagsimula na rin akong makaramdam ng pressure dahil sa oras na ginugugol ko sa pag aayos nito. Alam kong hindi lang ako ang ganoon. Pakiramdam ko kasi ay nakakaabala ako sa tuwing hindi naisasagawa ng mabilis ang mga bagay-bagay. Maya-maya, nakaramdam nalang ako ng malambot na kamay sa ibabaw ng mga kamay ko. Napaakyat ng tingin ang mga mata ko at bumungadang ilang pagitang distansya ng katawan ni Blanche mula sa akin.
"T-there..." aniya sabay iwas ng tingin.
Bukod sa basang-basa nitong jacket, napansin ko rin ang tuloy-tuloy na pagtulo ng tubig mula sa ulo nito.
"You're wet, " wika ko na siya namang ikinagulat niya. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakapaskil sa mukha niya. Unti-unti na ring sumilip ang pamumula sa pisngi nito. Anong meron??
"Ahh... Uhm... Yung ulan. Oo! Yung ulan! Hahahahaha!" aniya na may bakas ng pagkataranta sa bawat salita. "Turo mo lang kung kailan at saan ako liliko" pagtutuloy ni Blanche.
Right after the conversation, I heard the car as it brought back to life. Bukod sa nasa harapan niya, may hawak na itong panyo sa kabilang kamay. Ramdam ko naman ang paggalaw ng sinasakyan namin.
"Thank you talaga sa pag-aalok. Baka hanggang ngayon nasa University pa ako at nilalamok, " wika ko habang pinapanood sya sa pagmamaneho.
Ngumiti siya bilang pagtugon. Momentarily, she wipes off her dripping hair while driving straight face.
Sandaling nanatili sa katahimikan ang lugar. Napansin din niya ito kaya nag clear sya ng lalamunan at rinig naman ito sa direksyon ko.
"H-hindi ba ikaw yung sa On Air with Sven and... u-uhm yung sa School Radio?" kabadong sabi nito na tila nabati sa assumption ko kanina tungkol sa confidence niya. Ngumiti ako sa narinig ko at saka tumango.
"U-uhm how's college? I-I mean, kamusta sa department nyo?" dagdag pa nito habang minemekaniko ang sasakyan paliko sa exit.
"Stress is life pero at least may tulog. Balita ko sa department nyo sleep is for the weak." patawa kong sabi. She joined my giggles after. Inexpect ko naman na tatawa talaga sya dahil stereotype na talaga sa mga Arki yung di natutulog.
"Yup, kaya mukhang zombies mga Arki students eh." pagbibiro naman niya sa akin. Kung kanina ay sobrang tahimik ng byahe, ngayon ay naging lively naman ito. At which, it's a good thing dahil hindi ko siguro alam kung paano aaliwin ang sarili ko kung masyadong tahimik ang byahe.
Bagya namang lumiwanag sa loob ng kotse, I saw her face again. Naka lip bite pa ito habang busy'ng -busy sa pag da-drive.
"I'll say you're a model type of zombie" bigkas ko na sya namang ikinagulat niya. Muli nanamang sumilip, ang pamumula sa pisngi nito kaya dali-dali niyang pinatay ang ilaw. Nawirduhan naman ako sa ginawa nya kaya tinanong ko sya kung may problema ba. Sumagot naman sya ng wala.
Every now and then chine-check ko sya dahil medyo odd ang kilos niya after nung huli kong sinabi. Kinakabahan na rin ako dahil baka na-distract ko siya at nakakaabala ako sa konsentrasyon niya.
Hindi na rin siya nag salita ulit matapos iyon. Mabuti nalang at hindi ganun ka awkward ang atmosphere kaya naging madali naman para sakin na balewalain ang nangyari kanina.
Sa kasagsagan ng tahimik na byahe, bigla namang tumunog ang tiyan ko. Hindi nga pala ako nakakain kanina ng lunch break dahil sa heavy load na gawain na tinapos ko rin. 'Sh*t' bulong ko habang hinihintay ang reaksyon niya. Nag eexpect ako ng tawa or kahit ano pero wala akong napala sa paghihintay. Muli nanamang tumunog ang tyan ko kaya napa facepalm nalang ako sa hiya, hinihiling na sana eh kainin nalang ako ng inuupuan ko anytime. Naramdaman ko naman na humina ang tunog ng makina hanggang sa unti unti na itong namatay. Lumingon naman ako sa kanya at napansin kong nakapark kami sa tapat ng Mcdo.
"Tara, " Wika niya sabay labas sa sasakyan. Hindi na ako nakakontra dahil sino pang kakausapin ko at ako nalang ang nasa loob. Dali-dali kong isinabit ang duffle bag sa balikat ko saka sumunod sa kanya.
"Sorry talaga sa abala, treat ko na to pambawi sa kindness mo sakin" pagi-initiate ko habang sinasabayan ang lakad nya papasok sa establisyemento. Medyo mahina ang ulan at di naman ganun kalayuan ang entrance door mula sa pinag paradahan kaya nilakad na namin ito ng walang panangga sa ulan.
Nagliwanag naman ang mukha nya at tumango sa sinabi ko. Natuwa ako dahil hindi na sya kumontra sa suggestion ko. Mabuti nalang at madali siyang kausap.
Dumiretso kami sa counter at namili ng kakainin namin. Sabay sabay namang natawa si Blanche pati narin yung babae sa cashier nang muling marinig ang tiyan ko na umiiyak na sa gutom.
"Thank you" wika ko ng maibigay na yung order namin. Walang ganong tao sa loob dahil na rin siguro sa oras at pag-ulan sa labas.
Nagtungo kami pareho sa dulong upuan malayo sa paningin ng iilang kumakain sa fast food. Magkahiwalay kong inilapag yung pagkain namin. Bumulong pa siya ng thank you bago nagsimula sa pagkain.
"Baka isipin mo malakas akong kumain, nakalimutan ko kasing mag lunch kanina sa dami ng ginagawa" defensive kong sabi. Nakita ko naman ang bahagyang pag ngiti niya dahil sa sinabi ko.
"It's fine... And it's cute. It's like you're showing me your vulnerability," aniya sabay tawa bago tuluyang sinubo yung burger.
"Sira! " wika ko naman habang tuloy-tuloy sa pagkain ng rice at fillet na inorder ko. Dalawang serving ito kaya enough na para din sa dinner, at saka late na rin at kailangan ko ulit mag review pagkauwi sa bahay.
"Blanche..." maikli kong sabi saka itinuloy ang paglunok sa pagkain ko. Umangat naman ang tingin niya sa akin. Uminom ako saglit bago tinuloy ang sasabihin ko.
"Parang familiar yung name na Blanche, " wika ko. Tumaas naman ang parehong kilay niya kasabay ng panlalaki ng mata. Maya-maya pa, agresibo niyang nilagok lahat ng laman ng baso.
Agad din syang sumagot matapos maubos ang iniinom, "A-uhm baka narinig mo lang kung saan " . Pinag kibit balikat ko nalang at patuloy na kinain yung nasa harapan ko.
"Y-yung kahapon, sa air time niyo. Yung sender..." putol-putol niyang sabi. Lumingon ako sa kanya at sinenyasan siyang magpatuloy.
Sa sobrang pagka-enjoy ko sa pagkain ay halos magkamay na ako sa harapan niya. Hindi naman ito big deal sa akin at sa di ko maipaliwanag na dahilan ay kumportable akong ipakita sa kanya.
"Uhm.. Y-you're fine with same s*x-x r-relationships?"
"Yup, why not?" mabilis kong sagot. Lumipat naman ako sa nakapilang pagkain sa harap ko. Nilantakan ko agad yung fries at sundae after ng rice meal. Nakita ko na tapos na rin si Blanche sa burger niya at nangangalahati na sa sundae.
"D-do you consider yourself in such relationship?" cautious na pagtatanong ni Blanche. Nakuha nito ang attention ko kaya huminto ako sa pagkain at lumingon sa kaniya. Napaisi ako at napansing bakas sa mukha niya ang pag aalala. Why??
Kumuha ako ng fries saka sinawsaw sa gravy ko. Dali dali kong sinubo iyon saka uminom muli sa basong nasa harapan ko.
"Why not? I mean, who knows? Ayoko naman magsalita ng tapos. Ikaw ba?" walang pag aalinlangan kong sagot. Hinintay ko rin siyang magsalita. Tulad ng actions ko kanina ay ganun din ang ginawa niya bago tuluyang sumagot. Sinawsaw niya yung fries sa gravy ko at saka sinubo.
"Yup, but I dont consider myself as Bi, Lesbian or what" casual niyang sabi. Napataas ako ng kilay dahil sa naging sagot niya. Akmang magtatanong na sana ako ng ngumisi sya at nagsalita muli.
"You know, I hate labels. Like for example sa religion, I dont wanna be labeled as any of these religions that are present. I mean, I believe there is someone above us, but I really hate labeling" wika nya.
"Ohh.. Naalala ko tuloy, it's because Religion makes you Religious, Jesus makes you Righteous" sagot ko sa kaniya. Tumango siya sa sinabi ko.
"Another example is like when you idolize somebody. For example sa fandoms, there were names they're call with. When you entitled yourself being one, malaking possibility na its necessary to act like what everyone does. Having no label is better, you own yourself. No pressure" pag e-explain niya habang may hawak pang fries sa dalawang daliri nya. Kung ako siguro yung fries ay nahilo na ako dahil kung saan-saan umabot yung kamay niya sa ere.
"Woah, yeah I get it! Parang entitled ka na gawin yung ganito dahil ito yung ginagawa nung sektor na to? At kung di mo naman gawin eh may pressure galing sa iba na 'Why are you even in this label?' Am I right?" paglilinaw ko pa sa kanya. Mas defined naman ngayon ang pagtango ni Blanche sa akin. I love how our conversation went. Napagtanto ko naman ang pagka-deep niyang tao at isa sya sa mga tipo ng tao na gusto kong kausap. Kadalasan kasi sa mga taong nakakasalamuha ko, kung hindi tungkol sa mag mababaw na bagay ang pag uusapan eh tungkol sa mga topic na wala akong interes. Tulad ng sports, showbiz, mga artista, fashion at iba pang mga bagay. Hindi sa sinasabi kong mababa ang tingi ko sa mga taong may hilig doon.
Ilang sandali lang, natapos na kami pareho sa kinakain namin nagpasya naman kami na tumuloy na at late na rin. Sumakay na kami ulit sa sasakyan nya at nagpatuloy ang pagku-kwentuhan namin.
Medyo malayo-layo pa ang bahay ko at in-advice ko sa kaniya na pwede niya na akong ibaba sa pinakamalapit na paradahan ng tricycle at doon nalang ako ulit sasakay ngunit tumanggi ito. Hindi naman daw big deal sa kanya. Totoo naman na nahihiya ako at baka nga nakakaabala na talaga ako.
Dahil hindi ako pwedeng tumalon bigla dito sa kinauupuan ko habang umaandar ang sasakyan, hinayaan ko nalang si Blanche na ihatid ako sa amin.
"I know you're good at advising.. So I wanna ask you something, " fluent na pag i-English nito. Na-challenge naman ako dahil naalala kong English Major nga pala ako. Naisip ko tuloy na sumagot ng English para magpakitang gilas pero syempre charot lang.
"Ano yun?" maikling sagot ko. Liningon ko ito at nakitang sobrang seryoso nito ngayon.
"I don't know where to start but, how do you deal with sadness?" seryosong pagkakasabi nya.
Huminga ako ng malalim at saka nag isip saglit. Inalala ko yung ilang pinakamalulungkot na scene sa buhay ko at kung paano ko sila nalampasan. Napangiti naman ako at medyo na proud dahil nakaupo ako ngayon dito at malayo na sa mga nakaraang sitwasyon.
"Sadness and Joy are bestfriends. Maybe sadness is just trying to befriend us in some ways. Kung hindi mo malalampasan yung lungkot ngayon, hindi mo mami-meet yung lungkot para bukas. Be excited to meet another sadness because right after it, you'll find your happiness soon, " wika ko habang nakatingin sa ma taong naglalakad ng nakapayong sa labas. Medyo mahina na ang ulan sa mga oras na ito. Maya-maya ay lumipat ang tingin ko sa kasama ko. Medyo nakangiti na siya unlike yung seryosong mukha nya akanina.
" I love it. Thank you" malapad na ngiti ang ibinalik nya sa akin. Ilang sandali pa ay natatanaw ko na malapit na kami sa bahay ko. Itinuro ko naman sa kanya kung saan hihinto at sinunod nya naman ito.
Nakarating kami sa bahay ng alas otso. Nakita ko naman na lumabas ng bahay si mama saka papa. Nanatili kami sa pwesto sa loob ng sasakyan. Lumingon ako kay Blanche at nagpasalamat sa libreng sakay. Lalabas na sana ako nang bigla ulit itong nagtanong.
"One more thing, what does happy means to you??" mabilis nyang paglalahad. She looks so cute while waiting for an answer. Animo ay, batang naghihintay na mabigyan ng candy.
"Kahit ano, I mean.. lahat maliliit at malalaking bagay. Yung life, yung family, kaibigan, experiences. Lahat. " sagot ko sa kanya. Hindi ko naman napansin na nakangiti ako habang binibigkas ang mga salitang yon kanina. Nilingon ko naman sya at halatang genuine din ang ngiting ibinabalik niya.
"Ikaw ba?" pagbabalik ko ng tanong.
"Anything. Any Kind of Happy" maikli at nakangiti nitong sabi. Marahan akong tumango sa kanya. Out of nowhere naalala ko tuloy yung hardcase na ibinigay sa akin kahapon. Kumunot ang noo ko at akmang magtatanong sana tungkol doon pero nagdalawang isip din. Ipinagpaliban ko na lang iyon dahil malay naman niya sa sasabihin ko. Nginitian ko nalang ito ulit. Lalo namang lumapad ang ngiti nito ngayon.
Maya-maya pa ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan kaya ganun din ang ginawa ko. Nakita ko ring dumiretso siya sa harapan ng naghihintay kong mga magulang. Nag bless pa ito at bumati na tila magkaka-kilala na sila nila Mama. Sinabi rin niya kung anong nangyari kanina at pati ang dahilan kung bakit kami magkasama. Matapos ang lahat ay bumalik na siya sa kotse at nagpaalam na tutuloy na. Nagpasalamat ako ulit at kinawayan siya. Muling nabuhay ang makina na minamaneho. Tuluyan na rin itong umalis kaya nagpatuloy na kami sa loob ng bahay. Hindi ko alam ngunit magaan ang pakiramdam ko.
---