Chapter 5: LBJ Who?

2712 Words
I was so anxious last night —where I passed out on our floor— And then I opened my door Latter is a brief dreams at my sight But I just saw you at 5' As the sun glares —scenes with you they all jive— Would you know it's me who speaks? Who am I? —ley ___ "May nabalitaan ako kaninang umaga! " masiglang bungad ni Lexi. Nagbanggaan ang mga tingin nila Sven at Sofia bago tuluyang bumagsak ang tingin nila sa akin. "Sinetch itey na hinatid daw ng chix gamit ang owned car sa kanilang house? Take note~ kumain pa raw sa labas, " palarong banggit ni Lexi na direkta pang nakatingin sa akin. Ganon kabilis sa chika tong babaeng 'to. Umiling ako matapos ang mga linyang binitawan ni Lexi. Napansin iyon ng dalawa pa naming kasama. Umirap pa ako bago lumipat ng pwesto para iwasan ang nang iintrigang tingin nung tatlo. "Alam mo kaya ayokong kasabay ka pumasok Lexi kasi nabubudol mo si Mama. Nadudumihan mo pa utak nitong dalawa, " sabi ko. Sabay-sabay kong narinig ang tawanan nina Sven at Sofia dahil huling-huli na nila kung sino ang laman ng balita ni Lexi. Ikalawang subject na namin sa araw na ito. Kaninang umaga ay sabay kaming pumasok ni Lexi dahil may idinaan siyang pasalubong kay Mama at Papa galing sa parents niya na bumisita sa Baguio. Habang papasok ng school, dahil mahaba-habang pagco-commute iyon, marami-rami rin ang napag usapan namin. Iilan ay tungkol sa school, mga datintg naging kaklase at karamihan naman na tungkol sa Org. Nakwento nya rin na may bagong member sa Journ Org at makakasama niya sa Photojourn. Ikinaka-hyper ni Lexi yung idea na hindi lamang siya ang mag ta-tumbling tumbling sa nalalapit na intrams. Nabigyan na rin kasi sila ng mga kanya kanyang toka at yun na nga, makakasama nya yung bagong member sa pag co-cover ng Volleyball at Basketball sport. Nakapagtataka naman dahil sa bawat banggit sa kwento niya ay may pang aasar ito. Na-curious tuloy ako kung sino. May dalawang oras kaming vacant kaya napagpasiyahan namin na bumili saglit ng makakain at tumambay sa field. Mabuti nalang hindi ganon kainit dahil na rin sa mga nagtatayugang puno roon. Pagdating sa convenience store, kanya-kanyang kuha na kami ng mga junkfoods at saka kami naghati-hati sa pagbili ng 1.5 ml. na softdrinks. Pagkatapos noon, dumiretso kami sa usual spot namin sa field at saka naglatag ng mga panyo para maupuan. Medyo maraming studyante ngayon hindi tulad noong huling punta namin. Sabagay Biyernes at malamang sa malamang ay maraming mga tinamad na ring pumasok na Prof kaya puro vacant. "By October daw yung Intrams, so it means 2 weeks from now busy na tayong lahat, " saad ni Sven sa amin. Pansin ko naman pagkahapo sa itsura nito. Isama mo pa ang maraming bitbit nito mula kanina. Nilingon siya ni Sofia saka inabutan ng tissue ng mapansing may pagkain malapit sa bibig nito. Heto naman kami ni Lexi at nagtinginan nanaman. Narinig ko namang tumugon si Sofia, "Ibig sabihin hindi nanaman tayo magkakakitaang apat kaya lubos lubosin na natin. " Inabutan siya ni Sven ng inumin sa paper cup. Isang mahinang 'thank you' ang sambit nito. "Gala tayo mamaya? G? Friday naman eh," suwestyon ni Lexi sa amin habang nginangata yung chichirya. Umiling ako sa idea nya dahil naalala kong kailangan kong umuwi ng maaga para maghanda ng hapunan. Kailangan kong bumawi dahil hindi ako nakasabay kumain sa kanila Papa kagabi. Sunod ding umiling si Sven at Sofia na siya namang sinimangot ni Lexi. Napansin kong na mas lalo pang dumami ang mga tao sa paligid namin. Dinig ko naman ang pagtugon ni Sven kay Lexi, "Naghahabol ako ng papers dahil napapadalas pag pap-eexcuse sa Volleyball team. " Nadagdagan ang kunot sa mukha ni Lexi. Animo'y gini-guilty kami dahil sa pagtanggi. Maya-maya, lumapat ang tingin ni Lexi sa huling kasama namin na hindi pa naririnig. "Nagpromise akong tutulong kay Lofi sa Science project nya. Next time nalang" pagsasaad naman ni Sofia. Tuluyan na ngang bumagsak ang mukha ni Lexi. Nabanggit na rin ni Sofia noon na kailangan nyang tulungan ang nakababatang kapatid dahil nagtatampo na ito sa kaniya. "Kung gusto mo Dinner ka nalang din samin later? Magluluto ako" pag iimbita ko kay Lexi. Nagliwanag agad ang mata niya sabay dali-daling tumango sa suwestyon ko. "Overnight nalang ako sainyo! G na! Wala ka nang magagawa decided nako, " pag kokompirma ni Lexi. Tumango nalang ako dahil totoo namang wala nakong magagawa kapag nag decide na sya. Chance ngayon ng dalawa pa sa harapan namin na sumimangot. Kung hindi lang dahil sa mga gagawin nila sigurado akong sasama tong mga to. Ilang sandali pa, tumayo na kami para pumunta sa susunod naming klase. Mas mabuti na yung may allowance pa kaming iilang minuto para hindi ma-late. Baka mamaya matiyempuhan pa naming badtrip yung prof, pare-pareho pa kaming ma-award. May mga ganong scenario at nakakatakot iyon. Not even worth risking. Baka iyon pa ang ikawala namin sa dean's list. Nagdaan ang ilan pang mga subjects namin. Walang ganong activities na nangyari. Karamihan sa mga Prof na pumapasok samin ay nag-attendance lang at hinayaan na kaming magpahinga. Ika nila ay 'rest day' dahil mula Lunes hanggang Huwebes ay matinding bakbakan ang nangyayari sa Education Department. Kung sa amin lang ay sanay na kami pero napakalaking bagay na yung kahit isang prof lang ang hindi gumamit ng oras nila. Sapat na ang iilang para makapagpahinga ang mga utak namin sa walang tigil na quizzes, reporting at activities. Malapit ng matapos ang klase, lumapit naman si Lexi sakin at sinabing uuwi muna sa kanila para kumuha ng gamit niya at magpapaalam na rin sa kanila Tita. Tumango naman ako sa kanya at sinabing hihintayin ko nalang sya sa bahay basta siguraduhin nyang wag syang mang iindian. Pagtapat naman ng maliit na kamay ng orasan sa ika-5 numero, mapapansin naman na lahat ng mga tao sa room na nagmamadali ng magsilabasan. Hinintay ko na munang humupa ang bilang ng mga tao dahil ayoko namang makipag siksikan sa pintuan para lang makauwi ng maaga. Sa kabilang direksyon, nagtawag pa si Sofia sa amin at sinabing mauuna na raw ito. Hinintay ko si Sven na matapos sa pagliligpit ng mga gamit para sabay na kaming makauwi. Matapos mabawasan ang bilang ng mga tao, sunod na kaming lumabas nila Lexi at Sven saka nagtungo sa paradahan ng sasakyan. Hindi katulad kahapon, tirik ang araw ngayon kung kaya't matiyaga kaming naghintay sa mainit na lugar hanggang makasakay. Matapos yung matagal tagal ding byahe nakababa na kami ni Sven. Tanaw ko na yung bahay namin pati na rin si mama na busy-ng busy. Dalawang palapag ito pero hindi siya yung tipo ng two-storey at three bedroom house na bongga ang pagkakadisenyo. Hindi ito kalakihan, kung baga ay tinaasan upang makapag-acquire pa ng ilang espasyo para sa mga kwarto. Kung tama ang pagkakaalam ko ay brutalist ang disenyo nito. Nauna akong makauwi kay, Sven dahil lalakad pa siya ng konti bago marating ang bahay nya. Hinintay ko siyang magpaalam dahil ganun naman palagi ang batian namin bago pa ko makapasok sa loob ng gate. "Una nako, ingat Buddy" Saad ng lalaki bago tuluyang naglaho sa paningin ko. Pagpasok ko sa gate ay nakita ko na agad si Mama na naglilipat ng mga halaman nya. Binati ko siya at agad na nagmano. "Mago-overnight si Lexi Ma, papunta na rin yun dito kumuha lang ng gamit" mahinang sabi ko. Nakita kong lumiwanag ang itsura ni mama matapos marinig ang pangalan ng kaibigan ko. Dali-dali siyang tumayo at saka nagligpit ng mga gamit nya. "Osya magluluto nako" excited nyang sabi na kinontra ko naman. "Ma ako magluluto diba? Tapusin mo na yan baka magtampo mga halaman mo sige ka malanta yan" suwestyon ko. Nag-pout ito na siya namang ikinatuwa ko. Tumango si mama at saka umupo ulit para ipagpatuloy ang pag hahalaman. Dumiretso na agad ako sa kwarto para ibaba ang mga gamit ko at para makapag linis narin ng bahagya. Hindi naman ganoon kagara ang kwarto ko. Tumatakbo sa bawat sulok ang beige na pintura nito. May double size bed sa gitna at may iilang fairy lights sa gawing ulunan nito. Sa sulok ang isang maliit na side table. Mapapansin rin ang magkatalikurang desktop computer at higaan. Higit sa lahat ay yung book shelf na gawa ni Papa sa sulok ng kwarto. Ang mini library ko. Mini dahil sobrang liit na space lamang at maayos na nakapila ang ilang koleksyon ko ng libro kabilang ang Twilight. Naisip ko na agad na ayusun yung desktop dahil malamang ay gagamitin ito magdamag mamaya dahil mahilig sa mga movies si Lexi. After ko maglinis, nagpalit naman ako ng kumportableng damit saka bumaba sa kusina. Pagkarating ko ay naghanda agad ako ng mga gagamitin. Kinuha ko yung stock ng chicken wings sa ref dahil balak kong mag luto ng Buffalo wings para sa dinner. Inilagay ko iyon sa bowl na may tubig na nasa lababo at hinayaang lumabot. Iniayos ko naman yung iba pang mga ihahalo ko. Naghiwa ako ng ilang amount ng sibuyas bawang at dali daling inilagay sa isang lalagyan. Nang makitang lumambot na ang manok, inilipat ko iyon sa lalagyan kung nasaan yung mga hiniwa kobg sibuyas at bawang. Sinangkapan ko pa iyon at saka ni- marinade ng ilang oras. Mamaya ko na ipi-prito pagdating ni Lexi. Sumunod namang pinuntahan ko yung Sala. Naglinis ako saglit at ng matapos eh agad ko namang tinawagan si Lexi. Malapit na raw siya kaya naman lumabas nako para abangan ito sa gate. Sakto ring kakauwi ni Papa galing sa trabaho. Nagmano ako agad sa kaniya nang ibinigay nito ang kamay nya. "Oh bakit nasa labas ka? Hinihintay mo ata ako?" wika ni Papa na agad na kinontra ni Mama. Patuloy pa rin ito sa paglilipat ng tatlong natitirang paso. "May bisita tayo, mag o-overnight si Lexi dito Pa, " sambit ni Mama na medyo tumili pa. Pansin ko ang pagtaas ng kilay ni Papa. Ngumiti na rin ito ng malapad. Hindi rin nagtagal at tanaw ko na si Lexi na akala mo walang bitbit na gamit. May dala lang siyang maliit na duffle bag at supot ng plastic na lulan ang mga chichirya sa loob. Nagbaon talaga siya, mukhang nararamdaman ko na walang matutulog mamaya. Ilang minuto lang ay rinig ko na ang tili ni Lexi na sinabayan naman ni Mama. Hindi naman excited si mama na may bisita kami. Sawakas ay may kadaldalan nanaman siya mamayang gabi. "What's Poppin Tita! Good evening Tito namiss mo ba ko?" masiglang bati ni Winton sa kanila. Isa-isa naman silang nagyakapan at nagkamustahan nila Mama at Papa. Matapos noon, sabay sabay na kaming pumasok sa sala. "b***h nagluto kana? Samahan kita, " anyaya ni Lexi. Hinatak niya agad ako sa kusina at saka naghugas ng kamay. Ganoon rin ang ginawa ko. "Kung gusto mo ikaw na mag fry ng wings na nakatakip sa tupperware. Gagawa naman ako ng dip" tumango naman sya sa suwestyon ko at saka dumiretso sa kinaroonan ng frying pan at stove. Gaya ng napagkasunduan, gumawa ako ng sawsawan. Nanatili kami sa ganoong scene hanggang natapos. Mag-aalas syete na nung naghapunan kaming lahat. Lively yung bahay ngayon dahil may lively din kaming bisita. Hindi matapos tapos yung tawa nila mama at papa dahil sa mga kalokohang kinukwento ni Lexi. Nang mayari kami sa pagkain at paglilinis sa kusina, nagtungo kami sa sala para doon ituloy ang pag kukwentuhan. Rather, pag kkwentuhan nila. Inilabas naman ni Lexi yung mga dala nyang pagkain. Natawa pa ito dahil katatapos lamang kumain ay pagkain ulit yung nilabas nito sa mesa. Inayos ni Papa yung Tv at nag set up ng movie para mapanood naming lahat. Occupied ang bawat kanto ng upuan at kahit may palabas na sa telebisyon ay walang tigil parin ang pagku-kwentuhan nila Mama. "Tito anong itsura nung nagpunta kagabi?" banggit ni Lexi "Maganda, maputi, mukha ngang model eh. Mabuti nalang hinatid na tong si Yna kundi baka dun na natulog sa school iyan" sagot ni papa sa kanya. Napansin ko naman na lumingon sakin si Lexi at saka nag tapon ng nang-aasar na tingin. Tinapunan ko si Lexi pabalik ng pag sasaway na tingin dahil kung sa school ay pwede kaming mag asaran ng tungkol sa mga crush-crush, dito sa bahay ay mahigpit sa ganoong topic sila mama at papa. Gusto kasi nila na pag aaral lang talaga muna yung inaasikaso para maging maayos 'daw' yung buhay namin na kung makakapagtapos. Hindi naman ibig sabihin nun na wala ng mararating yung mga walang degree, ang sa kanila lang ay gusto nilang makita na pinagsisikapan ang pag-aaral dahil hindi naman lahat may oportunidad. Kung baga ay patunayan namin na hindi nasasayang yung chance dahil maraming may gusto ng spot na meron kami. "Nasabi mo pala kay mama mo na maraming salamat dun sa pasalubong nila ni Pareng Jesse? Nag abala pa talaga sila naku" sambit ni mama. Tumango ng paulit-ulit si Lexi, hindi pa makapagsalita dahil sa laman ng bibig nya. Bahagya akong tumawa. Ang mga bulong ng bawat karakter sa telebisyon ay tila nababalewala lamang dahil mas defined pa ang boses ng tatlong kasama ko sa loob ng bahay. Tila background music lang para masabing may pinagkakaabalahan. Pagtingin ko sa orasan na nakapaskil malapit sa pintuan, nakita kong alas-otso na ng gabi kaya nagpasya na akong maglinis ng sarili dahil mamaya lang ay may susunod pang gagamit ng banyo pagkatapos ko. "Una nako maligo sa taas Lex, sunod ka nalang ha?" pagpapaalam ko. Hinintay kong tumango siya ulit bago ako tumuloy sa kwarto. Nang marating ko iyon, chineck ko saglit yung cellphone ko. Wala namang notification kaya ibinaba ko na iyon at saka nagtungo sa closet. Kumuha ako ng pantulog at malinis na towel at akmang didiiretso na sa katabing cr ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. "b***h na pakinggan mo na yung binigay sayong naka hardcase?" ani Lexi bago umupo sa tapat ng desktop. "Hindi pa" tipid kong sagot at saka nagpatuloy na sa pagpasok sa Cr. Maingat kong isinabit ang mga damit ko, nagsimula nako sa paglilinis ng katawan. Naririnig ko naman si Lexi sa labas na patuloy akong kinakausap kahit nasa paliguan. "Nasaan? Pakinggan natin. Buti naalala ko" narinig ko ng mahina dahil kulob din dito sa Cr. "Hanapin mo nalang sa mga drawer diyan" medyo malakas kong sabi dahil maingay yung agos ng tubig. Tumahimik naman sa kabilang side, busy siguro sya sa pag hahanap. Binilisan ko na ang pagligo at saka nag toothbrush ng maigi. Hindi ako nagtagal sa loob dahil nga alam kong may susunod pang gagamit. Pagkalabas ko palang ay rinig na rinig ko na ang hagikgik ni Lexi na nasa tapat parin ng Computer. "May iba pa yata akong nahanap Bells" nakangisi nyang sabi habang hawak hawak yung hardcase. Nakaupo sya sa maliit na swivel chair ko na tila boss ang datingan. "Anong meron?" wika ko. pagsilip ko naman, nakabukas ang f*******: account ko sa desktop at may message ding nakabalandra sa may bandang sulok. Binasa ko iyon agad. -------- From : Kristen Jaymes Pingul Hey good evening! Just wanna ask you, have you listened to Llyana's album? The one that Calumn has given you? -8:49 / 08-06-20 / seen. - ------- "Sinong Llyana naman??" curious kong tanong. Tinaasan ako ng tingin ni Lexi, tila obvious na ang tinatanong ko. Hinihintay ko naman syang magsalita muli para i-spill yung tea kung sino man yung Llyana na yun. "b***h kasama mo kagabi hindi mo alam pangalan?? Llyana! Llyana Blanche Bartolo" Pagkarinig ko palang ng pangalang iyon eh may tila kung anong kumurot sa sikmura ko. Hindi ko napansin na nanlaki na pala ang mata ko. "Kay Blanche galing yun??" ___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD