Chapter 6: Overnight

2322 Words
“Kay Blanche galing yun?” Napataas naman ng kilay ang babae sa harapan ko. Tumawa ito ng pagkalakas lakas at saka ako tumayo para pisilin ang pisngi ko. My mind’s too occupied to process. “Oo b*tch! Yung tinutukso namin nila Sven na may crush sayo! Siya yon g*ga!” saad ni Lexi na patawa- tawa bago muling bumalik sa tapat ng computer desktop. Medyo hindi pa nag si-sink in sakin pero sinubukan kong unti-unting intindihin ang mga nasabi ni Lexi. She flashed a teasing smile while slowly unfolding the album. Maya-maya pa, naghalungkat siya ulit sa drawer. Nang makita ang hinahanap na CD player, inilagay niya agad ito at saka isinaksak sa isa pang aparato. Marahang lumingon sa akin si Lexi para magpaalam. Lumapit ako sa direksyon nito para tignan ang laman ng CD. Bumungad ang limang audio file sa screen at alphabetical na nakalagay roon ang mga title. “May I?” wika nito. Bahagya akong tumango para pagbigyan ito. Natuwa ako sa aksyon na iyon ni Lexi dahil ipinagpaalam niya pa ang pagbukas noong album. Atleast, tumatanaw siya ng kahalagahan ng privacy ko… Privacy??? Ano bang iniisip ko? Basta ayun, nagpaalam si Lexi dahil sa akin na iyong album hindi ba? Dahil ibinigay sakin nung kambal yung hard case… Tama! Wait?! Bakit ba ako nagpapaliwanag? Ah basta! Ilang sandali pa, unti-unting nabigyang buhay ang speakers sa harapan namin. As far as I know, lalaki ang vocalist ng The Topic pero ng marinig namin ang unang kantang ni-play ni Lexi, babae ang tinig noon. “Safest hours bring the loudest tears If these walls could talk, they’ll turn me in When the world’s asleep, my demons speaks Can you be the good in me? Can you be? Not that I’m afraid of the same old things It tires me to sleep could I just disappear? No, not tonight My any kind of happy is you” Suddenly, Blanche’s voice replayed in my head. “Any Kind of Happy” bulong ko sa sarili. Medyo kumunot pa ang noo ko. Patuloy lang na tumutugtog ang kanta. Pinapakiramdaman ko pa kung si Blanche nga talaga ang kumakanta roon. Inalala ko rin ang boses niya. Sa pagkakatanda ko ay husky ito at hindi nga nalalayong si Blanche nga ang kumakanta sa audio file. Bigla nagsalita si Lexi na nasa tabi ko pa rin, “Goosebumps! Hindi ko alam na composer din pala yung admirer mo. Ang talented!” Halos ibuga ko ang lahat ng hangin sa sinabi nito. Mabilis akong sumagot, “Admirer? Alam mo Lexi ang issue mo!” pagsusuway ko sa kaniya. Nagkibit balikat ito. I turned my back to avoid her reply. Kumuha ako ng suklay at saka paspasang trinabaho ang buhok ko. Saktong narinig ko ang pag ikot ng inuupuan ni Lexi. “Bella b*tch legit yun, ikaw na lang ang hindi naniniwala. Nagulat pa ako hindi mo alam yung pangalan. Hinatid kana nga dito sa bahay niyo. Atsaka binigyan ka na ng album oh? “ walang patid na wika ni Lexi. “Lex, first, nagpakilala siya as Blanche. Second, malay ko kung pinapa-play lang sa radio pag nag air na ulit. Lastly, hinatid ako ni Blanche dahil ako na lang ang tao sa building. Atsaka malay ko ba na Llyana Blanche Bar…” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang nag-replay ang mga pangyayari mula sa Mcdo. Yung mga pangalan na inisa-isa kong basahin noon, natatandaan ko na may Bartolo roon. I felt my eyes grew wider as I say Blanche’s name. Dali-dali kong tinulak si Lexi palayo sa harapan ng computer. Medyo na out of balance pa ko kaya may iilan na gamit na nahulog mula sa table. Agad ko ring narinig ang pag alma ni Lexi na nakauo pa rin sa tabi ko, “Dahan-dahan naman tao rin ako.” Humingi agad ako ng pasensya dahil halos matumba nga siya mula sa pagkakaupo. Maya-maya ay umayos siya ng postura at saka seryosong pinanood ang mabilis na pag mekaniko ko sa computer na nasa harapan naming dalawa. Nag-type agad ako sa search bar at bumungad sakin ang pangalan sa screen. ‘Llyana Blanche Bartolo’ Tama ang nasa isip ko. Bella bakit hindi mo alam yun?! My eyes landed again on the same spot on the screen. I re-read it again. ‘Llyana Blanche Bartolo’ Of course, Blanche lang ang sinabi niya diba?? Pero bakit hindi ko namukhaan gayong tinitignan ko ang bawat profile bago ako nag confirm??? Pero bakit big deal rin sakin iyon??? Haysss! Ewan! Napakunot na lang ako ng noo. I nearly forgot I still have Lexi beside me. Finally she broke the silence, “Ohh.. Friends na pala kayo eh, in-add ka rin kagabi? Speed ahh. Sabi sayo crush ka talaga ni Arki.” Patawa-tawa pa ito. Umiling na lang ako habang patuloy na naririnig ang kanta sa background. Sasabihin ko sana na isa siya sa mga nag-friend request noong nasa Mcdo kaso wag na lang dahil baka mas lalong mang asar itong si Lexi. Kahit mag-isa ay kaya niya akong asarin dahil ayun na ata talaga ang calling niya sa buhay. Gayon pa man, hindi ko maipagpalit tong babaeng to sa nangangalakal ng bote at bakal dahil love ko rin sya kahit papano. Denial pa sa ‘kahit papano’. Nasanay na yata talaga akong mag isa rito sa kwarto at muntik ko na naman makalimutan na may kasama ako. Agad akong sumagot kay Lexi, “In-add lang crush na agad???” I was confident when I said those lines. Well, Lexi didn’t buy it. Napansin ko ang pagtaas ng kilay niya at pati na rin ang animo’y reverse ‘U’ sa labi niya. She spoke, “Di mo sure.” My eyes grew big and I felt something in my cheeks. Parang pagbabaga ang namuo roon. Ayoko sanang isipin na ganun nga iyon dahil ewan, basta feeling ko lang. Ang itsura ni Blanche na mukhang model ng kahit anong produktong suot at gamit niya ay hindi akma para sa itsura ng magkakagusto sa kapwa niya babae. I mean, hindi sa may facial code ang gender ng tao pero hindi ko lang talaga ma-imagine na ganoon nga. Wag niyo ko i-bash pero hindi ko talaga alam i-pinpoint kung ano at sino yung mga bi or part ng lgbt. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Blanche na open siya sa mga ganoong bagay plus ayaw niya ng label ngunit heto ako at nile-label siya. Patawarin nawa ako ni Blanche kung naririnig man niya tong nasa isip ko. Too much self-talking and I forgot again. Napapadalas ang pagkawala ng atensyon ko sa aking kasama. Unti-unting nabigyan ng buhay ang boses ni Lexi sa pandinig ko, “Pero ang talented ni Blanche. Noong umulan ng talent baka sinigurado ng mga angel sa langit na sa kaniya unang ibagsak lahat ng talent sa mundo… Nagtira man lang sana para sayo no? “ tumawa pa ito bago muling inagaw ang mouse sa kamay ko. Minekaniko ni Lexi ang aparato sa harapan. Kung anu-anong keys ang pinindot nito sa timeline na nasa harapan niya. Alam ko na wala akong masyadong talent at naka tiyamba lang akong makakuha ng iilang skills sa pag di-DJ sa radio ng school. Well, at least, fair naman siguro ang mundo dahil may mediocre wisdom ako. Ay? Self-proclaimed? Ah basta. Out of curiosity, tinanong ko si Lexi mula sa naunang sinabi, “Talented?” Tuloy-tuloy lang siya sa pag pindot sa mga arrow upang ilipat ang mga sumusunod na pictures na naroroon. Lumingon si Lexi sa akin bago nagsalita, “Oo, ang alam ko nag pe-paint din siya. Saka ito na sasabihin ko na rin. Si Blanche yung bagong member ng Org na sinasabi ko kanina. Kasama ko mag cover sa intrams, ” pag lalantad niya. Na-impress ako lalo dahil masyado nga siyang blessed. Mapapa-sana all talaga ako lalo na at wala talaga akong ka-talent-talent sa katawan. “Ang photogenic pa nitong Bartolo’ng to.. Kung lalaki ako magiging crush ko to agad. Ikaw ba?” saad ulit ni Lexi bago pindutin ang seksyon ng photos sa screen. “Maganda siya...” pag sang ayon ko. Hindi maitatanggi ang looks niya . Unang kita ko pa lang dito ay eye-catching na ang itsura . Isa-isang pinindot ni Lexi ang mga pictures sa album na pinuntahan niya. May ilang picture roon na halos hindi ko na makilala kung si Blanche ba talaga dahil nakaayos ito na tila may okasyon. Kung sa school ay presentable ito, mas may igaganda pa siya kapag naayusan. Na-intimidate ako roon. Sa sumunod na pindot ni Lexi ay inabutan namin ang mga stolen shots ni Blanche habang nag pipinta. May iilan ding picture na nakasimangot ngunit maganda pa rin ang pagkakakuha. Nakukuhanan din naman ako ng stolen pictures pero hindi ako ganun kaganda tulad ni Blanche. Hindi talaga maipagkakaila ang pagiging itsurang modelo nito mapa-on and off cam. “B*tch no drooling please, “ wika ni Lexi. Nanumbalik ako sa wisyo nang marinig ang babae sa gilid ko. Siniko ko siya ngunit tinapunan lang ako ni Lexi ng mapang-asar na ngiti. “Maligo kana nga hanggang mamaya inaasar mo ako niyan eh. Marinig kapa nila mama sa baba. Pag nagkataon papasundo kita kay Tito Jesse, ” wika ko habang tinataboy ito palayo. Ayaw pa nitong magpatulak at halatang dobleng pwersa ang ibinibigay ni Lexi sa bawat tulak ko sa kaniya. Later on, I found her slowly giving up. Tumayo na ito at saka naglakad papunta sa kaniyang gamit. “Hindi mo ko mapapauwi Bella b*tch. Mas mahal ako ng mama mo kaysa sayo, “ saad ni Lexi at sinabayan pa ng malakas na tawa. Natawa rin ako sa sinabi nito dahil may katotohanan ito . Inimbitahan ko na lang ang sarili ko sa upuan atsaka pinagpatuloy ang pag check sa mga litrato roon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganon pa rin ang ginagawa ko ngunit hinayaan ko na lang dahil curious rin ako kay Blanche. Nagpatuloy ang pagtugtog ng music sa speaker, ngayon ay ibang kanta naman. Kahit nasa banyo, paulit-ulit ang pag co-commend ni Lexi hanggang sa natapos ang limang kanta. Aminado ako na maganda ang boses niya. Sa unang dinig palang, hindi ko talaga aakalaing si Blanche iyon kung hindi ko pa narinig ang boses nito. Hindi ko napansin na masyado na pala akong napapalayo sa pagtingin sa mga pictures niya na naroon sa account na iyon. Isang click pa ang ginawa ko at naagaw ng atensyon ko ang tunog na nanggagaling mula sa pintuan sa Cr. Nilingon ko iyon at kinalimutan ang litratong nakatambad sa desktop. Lumabas si Lexi sa banyo at kasunod noon ang biglaang pagluwa ng mata ko. I almost fell when I saw her standing few meters away. Nagtaas ito ng kilay sabay smirk. Hindi ko malaman kung papaanong pwesto ang gagawin ko para mawala sa direksyon niya ang paningin ko. Napansin ko rin na paulit-ulit siayng lumilingon sakin at sa screen ng computer. “Lexiii!!” pagsasaway ko sa kaniya. Paanong hindi ka magugulat? Lumabas itong walang damit pantaas at naka cycling lang. “Bakit? Meron ka rin naman nito ah, ” nakataas na kilay niyang sabi. Narinig ko na nag tawag sila mama sa baba at nagtanong kung anong nangyayari dito sa loob. Sumagot agad si Lexi na walang problema. Ngayon ay tila nangangalkal sa maliit na bag na dala-dala nniy. May naririnig akong ilang kaluskos at tunog ng zipper. She’s too comfortable huh? “Oo meron ako niyan pero baka gusto mo takpan para hindi ko makita, ” wika ko habang iniiwas iwas ang tingin palayo sa kaniya. “Pero diyan sa picture ni Blanche na naka two-piece hindi ka nagkusang lumingon palayo, ” sabay turo ni Lexi sa nakatungangang screen sa harapan ko. Marahan ko itong nilingon ang direksyon ng computer para kumpirmahin ang sinasabi nito. Room tuluyang lumuwa ang mata ko. “DJ Bells ha, ” dugtong ni Lexi. Tumambad sa harapan ko ang litrato ni Blanche na animoy bahagyang nakaluhod sa white sand. Tila modelo ng sinusuot nitong produkto. Tulad ng sabi ni Lexi, naka two-piece ito at may iilang mga buhangin ang nakayakap sa hita niya at pati na rin sa itaas na parte ng katawan. Malayang nakalugay ang buhok nito. Naka pwesto ang kamay nito sa ibabaw ng hita at ang isa naman ay nasa buhok. Mapapansin ang maliliit na detalyeng ito dahil HD ang kuha ng litrato. Dali-dali kong binunot ang plug ng computer out of adrenaline rush. Nawalan agad ng buhay ang screen. Pakiramdam ko ay nakanganga ako habang pinag mamasdan iyon. Narinig ko ang unti-unting pag hagikgik ng kasama ko sa kwarto. Nakalimutan ko ulit na nandito nga pala si Lexi. Mabuti nalang sa oras na ito ay nakadamit pantaas na ito. “Sexy no?!”pang-aasar ni Lexi. Tila nag-iinit ang mukha ko ng maalala ang litratong nasa harapan ko kanina. Bukod sa pagkakasabi ni Lexi ay hindi ko alam kung pano na rin mag re-react dahil sa di ko maexplain na emosyon na namumuo sa loob ko. Ang alam ko lang ay masyadong maalinsangan sa paningin ko ang litrato kanina. Pang ilang beses ko na bang nararamdaman tong pamilyar na kurot sa tyan ko? Lumapit si Lexi ng pwesto at saka lumevel sa akin. Nagtaas-baba ang kilay bago ako tinapik ng paulit- ulit sa ulo. Aniya, “Alam mo Bells sobrang na-convince mo nako. Isi-ship ko na talaga kayo.” Malakas na hampas sa braso ang inabot ni Lexi na sinuklian nita ng malakas na tawa. Tinapunan ko siya ng tingin at nakuha naman niya ito kaagad. Nagtaas pa ng kamay na tila sinesenyas akong hindi na nito itutuloy ang pang-aasar. Ilang sandali lang, napagdesisyunan namin na manood na lang ng pelikuka. Inilabas na rin ni Lexi ang iilan pang pagkain na dala- dala mula kanina. Bumaba ako saglit para kumuha ng inumin. Inabutan ko pa roon sila mama at papa na naghaharutan. Nagpaalam ako sa kanila sa binabalak naming marathon upang hindi na sila magtaka kung bakit mukha kaming mga zombie kinabukasan. Pagkabalik sa kwarto, naka-set up na ang lahat at nakapatay na rin ang ilaw ng kwarto. Tanging fairylights at screen ng computer desktop na lang ang natitirang pinanggagalingan ng liwanag doon. I joined Lexi and we watched for who knows how long.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD