Chapter 7 : Second

2446 Words
Delayed and more often I'm not sure —if I should tell you— To confess; cannot or I can? Intentions are pure Better yet; today I will Even it's you who's unsure Whether be it a turning page or what my foe calls —my last stage— —ley --- Hapon na rin noon nang tuluyang nagpaalam si Lexi sa amin kahapon para umuwi. Naging emosyonal pa si Mama dahil gusto pa sana niyang mag stay si Lexi hanggang ngayong araw. Ipinaliwanag ni Lexi na may kailangan rin siyang asikasuhin at babawi na lang siya ulit sa susunod. Minsan napapaisip na rin ako, kung may pagkakataon lang ay aampunin na nila mama tong kaibigan ko na to. Well, kahit sino naman sigurong magulang magugustuhan si Lexi dahil sa sobra bibo niya. Linggo ngayon ng umaga at wala akong ganong importanteng gagawin bukod sa pagrereview muli para sa quizzes na naka schedule para bukas. Maagang umalis si Papa kanina dahil sa naiwan nitong trabaho kahapon na kailangang tapusin ngayon. Bumaba na ako sa kusina para maghanda ng makakain ko para sa agahan. Nakasanayan ko na na maghanda para sa sarili ko dahil hindi naman mahilig sila mama kumain. Kape lang ay okay na sila. Inihanda ko ang apat na piraso ng tinapay, cheese, hotdog, scrambled egg at ham. Gagawa ako ng toast bread dahil sinisipag ako mag-prepare. After breakfast, I allotted my spare time on cleaning my room. It's not that messy. Gusto ko lang linisin iyon para kung sakaling magawi si Mama sa kwarto ko, hindi masita na parang lungga ng ahas ang lugar. May pagka mitikuloso kasi madalas ang mga nanay. Kung malinis sa paningin natin, siya namang dumi sa mga mata nila. Ako lang ba ang nakakapansin nun? Pagkatapos sa kwarto, bumaba ako agad para ituloy ang paglilinis sa sala. Dalawa lang kami ni mama sa bahay at ine-expect ko na na nasa labas siya at naghahalaman dahil iyon ang madalas niyang gawin. Nang magtanghali, nagpahinga ako sa sala. Binuksan ko iyong tv atsaka hinayaang tumunog sa background habang nag se-cellphone. Nagluluto si mama para sa lunch naming dalawa dahil nasa trabaho si Papa ngayon kahit na linggo. Tinawag ako ni mama matapos ang pagluluto. Pagkarating sa lamesa, inabutan ko ang sinigang na bangus. Ngumiti naman ako ng malapad dahil meron ding daing sa tabi nito. Natawa si mama dahil inasahan na rin siguro niya na ganoon ang magiging reaksyon ko dahil isa sa paborito ko ang daing. "Kumain ka ng mabuti para magkalaman ka pa lalo. Kunin mo na yung pinakamalaking parte Bella" pag-aalok ni mama. Ilang topic din ang napag-usapan namin ni mama at di na namalayan na mag-aala-una na ng hapon nang tumayo kami sa hapagkainan. Ganon lang ang naging takbo ng araw ko. Kwentuhan, linis-linis, nood, higa at cellphone. Pa-minsan-minsan ay humaharap din ako sa desktop para tumingin ng iilang balita at trending sa twitter. Hindi ko alam kung anong mga activities ang ginagawa ng ibang estudyante na katulad ko during their off day. May iilang stories sa social media akong nakita na mga estudyanteng nasa mall. Ang iba ay gumagawa pa rin ng mga group project para sa school. Meron ding katulad ko na nasa bahay ngunit nabuburyo naman. Masaya ako na naeenjoy ko ang pahinga ko sa loob ng bahay kasama si mama. Maya-maya pa, umakyat ako sa kwarto ko para doon ipag patuloy ang pag che-check sa mga social media accounts ko. Pag-upo pa lang sa upuan, binuksan ko ang ilang tab sa mga websites. Maraha akong nag scroll pa-taas-baba roon. Ilang request din ang nadatnan ko sa f*******: account ko. ---------------------- Llyan Blaire Bartolo Confirm | Delete Lliam Brielle Bartolo Confirm | Delete -------------------------- Ilang sandali lang, nag-notify sakin ang isang message mula sa pamilyar na pangalan. Binuksan ko ito atsaka binasa nang mabilis. From: Llyana Bartolo Hey, Hi! It's Blanche, sorry if I'm disturbing you. Kung napansin mo there were Bartolo names in your friend request, don't confirm em. My brothers are messing with me. Good day -2:27pm / 08-08-2020 / sent -. ------- To: Llyana Bartolo Hey~ yup napansin ko nga! But sure, i wont - 2:28pm / 08-08-2020 / sent -. -------------- From: Llyana Bartolo So how are you? I saw you last day. You're with Lexi and that tall guy from Radio too - 2:28pm / 08-08-2020 / sent -. ----------- To: Llyana Bartolo Im cool. Si Svensson yata yung sinasabi mo. Nag-overnight si Lexi sa amin mapilit eh - 2:29pm / 08-08-2020 / sent -. ----------- From : Llyana Bartolo Sana all. Hahahahah just kidding - 2:29pm / 08-08-2020 / sent -. --------- Natawa ako sa naging reply nito. Napaisip ako kung pano niya kaya sinabi ang word na 'sana all'. Medyo na-curious ako dahil akala ko hindi nagsasalita ng mga slang words si Blanche. Sumandal ako saglit para mag relax mula sa pagkakayuko. Naririnig ko kasi yung galit na boses ni Sofia sa tuwing nakikitang niisa sa amin nila Sven at Lexi ay naka-slouch. Bahagya kong nilapit ang keyboard sa akin at saka nagsimulang magtype muli. ----------- To: Llyana Bartolo Hahahahah! Sana all? Gusto mo rin mag overnight dito? Pwede naman - 2:30pm / 08-08-2020 / sent -. --------- Naitype ko yung 'hahahahah' nang hindi man lang tumatawa, well at least nakangiti naman ako... Napatigil naman ako agad sa sandaling iyon at saka dali daling nag ayos ng postura. Did I just invited her???? Wait waittt!! Akmang magta-type na sana ako ulit ng makarinig ako ng tunog galing sa aparato sa harap ko. ---------- From: Llyana Bartolo You just invited me right?? Baka seryosohin ko yan crush. - 2:30pm / 08-08-2020 / sent -. ------------ Muli, nakaramdam ako ng pagkataranta sa nabasa ko. Pakiramdaman ko ay umakyat lahat ng dugo papunta sa mukha ko. Was it an invitation?? Tama ba ang nabasa ko?? Crush??? Nawindang ako at ilang minutong nanatili sa huling posisyon. Hindi ko alam kung alin sa dalawang dahilan pero iyon lang ang naiisip kong possible reason. Basta, hindi naman siguro masamang ngumiti or ano pa man diba? Bigla akong nakaramdam ng pamilyar na di maipaliwanag na pakiramdam sa tiyan. Napailing ako nang muling basahin ang mga salita na naroon sa screen. Maya-maya pa, Blanche’s name appeared on my screen. Tumatawag ito. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Ilang sandali pa, natagpuan ko na lang ang sarili ko na inaayos ang web cam pati na rin ang mukha ko. Nagmadali pa akong maghanap ng salamin para i-check kung mukha pa ba akong tao tignan. Nakakahiya naman at baka sabihing wala akong proper hygiene tuwing nasa bahay. Matapos makita ang repleksyon ko mula sa salamin at nasigurong presentable naman ako kahit papaano, tuluya kong sinagot ang video call. "Hi hehe, " bati niya. Napatitig ako sa background niya. Hindi ganon kasigla ang ilaw sa paligid at tila may LED lights pa sa embossed part ng kisame nito. Tamang tono lang upang makapag set ng hindi ko maipaliwanag na mood sa kwarto niya. Kung titignang mabuti, magarang nakapintura ng kulay gray ang kwarto nito. Ilang sandali ko pang pinag aralan ang limitadong litrato na ibinibigay sakin ng screen ko. Hindi ko alam kung matagal na ba ang pagtitig kong iyon. Nakaka sanayan ko na atang mag observe masyado sa mga nakikita ko. Narinig ko na lang ang mahinang tawa niya. Umiling ako at muling ibinalik ang atensyon sa kaniya. "May pagka sira ulo ka rin pala Blanche. Good afternoon din, " saad ko at ilang na tumawa. Kung kanina ay confident siya sa chat, pansin ko ang pagbagsak ng aura at mahiyaing approach nito sa akin. "Hindi k-kana kasi nagreply-y, kinabahan ako-o, " wika ni Blanche. Halatang kabado. Hinawi naman niya ng bahagya ang buhok niya papunta sa kabilang dulo. Doon ko napansin na nakasando lang siya. Pakiramdam ko ay nanuyo yung lalamunan ko sa view nito. Nagsusumigaw ang collar bone pati na rin ang mala-porselanang kutis nito. Hindi ko alam kung gano katagal ang pagtitig ko roon bago ako tuluyang nakasagot muli. "Nagulat kasi ako.. Hindi ko alam yung sasabihin. Lakas mo mang trip ha? " wika ko habang ilang pa rin na natatawa. Habang sinasabi ang mga salitang iyon, ramdam ko pa rin ang panunuyo sa lalamunan ko, sinabayan pa ng pag iinit ng mukha ko. Bakit ka kasi nagsando Blanche?! Sabagay ayos na ito kaysa sa two-piece… At saan ko naman galing ang two-piece?!! Ewan! "O-okay lang ba? Na.. Ano.. Ayun" mahahalata sa boses niya na tensyunado siya. Muli nanaman nitong hinawi ang buhok sa kabilang side. "Na ano??" pagtatanong ko. "Yun yung kanina.. Uhmm. Seryoso kasi ako, na ano... Na crush kita. T-that literally sounds gay b-but my friends told me to confess na because..." biting wika ni Blanche. Hindi ko malaman kung anong ire- react ko. Lalo akong nailang dahil hindi ko alam kung anong itsura yung nakikita niya ngayon sa screen niya. At kung ano pa talaga ang itsura ko sa moment na to ang naisip ko, ano ka ba Yna?! Naalala ko naman na may kadugtong pa yung sasabihin niya kaya naglakas loob din akong itanong rin. "Becauseee???" paghihikayat ko sa kaniya. Every now and then, napapadalas ang paghawi niya sa buhok at lalo ko lang nararamdaman ang panunuyo sa lalamunan ko. Don’t do that girl, nakaka bakla dahil lalo kang gumaganda sa tuwing hinahawi mo ang buhok mo. Ano na naman ba ang sinasabi ko??! Nabarang na yata ako. "Because, uhmm.. I don't know how to say it but... Arghhhh! " she said in frustration. Blanche paused for a second before continuing, "I-I saw you way back 2018, sa Educ Building-g. I didn't-t know kung napansin mo ba talaga ako nun, but I know nagkatinginan tayo nun. I was holding my camera that time.. I-I have a picture of you t-that day too... Eversince, I've been crushing on you... M-my friends told me to confess because they think it's not just a simple crush since it's been 2 years... Ahh.. Uhmm..." paglalahad niya. At that moment, ang alam ko lang ay naka awang ang bibig ko. Hindi ko na narinig ang mga sumunod niyang sinabi dahil masyado ng napuno yung utak ko. Hindi ako sanay na may nagco- confess sakin. Mas lalong hindi rin ako makapaniwala na totoo nga talaga yung sinasabi ni Lexi. Medyo na intimidate pa ko dahil yun nga, tong kausap ko sa harapan ng screen ko ay hindi mo mapaghahalataan na nagkakagusto sa kapwa babae, lalo na sa akin? Pakiramdam ko sasabog ang tiyan ko sa di maipaliwanag na dahilan. Maya- maya pa unti-unting lumiliwanag ang boses na naririnig ko.. "I dont mean to upset you, I-I just want to let you know. I h-hope we can be friends? ...or not, unless you don't want me to, " malungkot na sabi niya. Her face fell down and ai heard her speak again, "H-hindi ako manipulative sad girl ha?" Napailing ako sa tono niya at saka in-assure ito. "O-of course we can be friends.. C-crush lang naman diba? I-Im thankful dahil out of all people na-appreciate mo ko..." wika ko. Nakita ko rin na nagliwanag uli ang mukha ni Blanche. Umayos siya ng upo bago yumuko muli. When she raised her face up again, she's now smiling brightly. I found myself pulling up a curve on my lip. Napaka-contagious ng ngit nito nakakainis. At dahil wala akong narinig mula sa kaniya, muli akong nagsalita, "Hindi ko lang inexpect kasi, look, Ang pretty mo tapos, ako?? Sobrang gulat talaga ako. " Sinuklian niya ako ang tawa mula sa kabilang linya. May kung ano sa tunog noon at pakiramdam ko na lang ay napangiti na lang din ako ng sobrang lapad. "Hmm I'm pretty.. And we're friends now... Friends for now? Or?? Hahahaha just kidding I'm not pressuring you" smooth na pagkakasabi niya. Nagtawanan kami pareho after non. Ilang sandali din kaming nag usap ni Blanche, salamat na lang at hindi na tungkol sa confession. Alas kwatro na rin noong nagpaalam kami sa isat-isa dahil pareho pa kaming may gagawin. Kinagabihan, tinulungan ko si mama sa pag pe-prepare ng dinner tulad ng nakasanayan. Pagkarating ni papa sa bahay mula sa trabaho, kumain na rin kami. Tulad ng nakagawian, tv at kwentuhan ang pinagsaluhan namin nila mama bago pa ako tuluyang umakyat sa kwarto. Natapos ang araw sa ganoong paraan. Pag akyat sa kwarto, inimbitahan ko ang sarili sa kama. Doon, nagmuni-muni ako pansamantala. Naalala ko naman yung pag uusap namin kanina ni Blanche. Sa punto ring iyon, nagmamadali kong hinanap ang cellphone ko atsaka tinignan ang mga account ko. Wala akong inabutang kahit isang notification. Biglang bagsak ng mukha ko. Ano bang inaasahan ko? I sighed. Aaminin ko na, I was hoping for a chat from her. I even recalled her husky voice this afternoon. Pati na rin yung suot niyang sando at pati yung continuous niyang paghawi sa buhok sa tuwing kibakabahan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, may kung akong pag-iinit ang naramdaman ko sa buong mukha. "Geez. Ano ba itong iniisip ko?" I said inwardly. Bigla namang may tumunog mula sa cellphone ko na siyang ikina-balikwas ko sa pagkakahiga. Sa pagmamadali kong buksan iyon, panibagong pagbagsak ng mukha ang naipaskil ko. ----------- From : Lexi Winton B*tch ang weird, may gagawin ba bukas na hindi ko ginagawa? Sabihin mo wala pls nang maituloy ko na tulog ko :< - 9:29pm / 08-08-2020 / sent -. --------- What an early celebration, umasa na naman tuloy ako. Napa-face palm pa ako sa early reaction ko. Yna! Yna! Hayy! ------ To: Lexi Winton Sleepwell good night love you. - 9:30pm / 08-08-2020 / sent -. --------- Minuto lang ang pagitan bago ako muling nakatanggap ng reply mula kay Lexi. Alam ko na kung saan papunta ito. Kung hindi mapipigilan, mapupuyat kami pareho dahil sa daldal nitong babaeng ito. ----------- From: Lexi Winton Nagpa-practice ka ata magka jowa. My ship is sailing na ba DJ Bells? - 9:31pm / 08-08-2020 / sent -. ----------- To: Lexi Winton Ge ge. Good night Lexington - 9:32pm / 08-08-2020 / sent -. --------- Matapos i-send, itinabi ko na ang cellphone malapit sa ulunan ko. I left the conversation dahil na rin na-anticipate ko nang magiging hyper lang lalo si Lexi pag sinilaban ko lalo ang apoy ng atensyon niya. Umikot ako ng pwesto at saka hinanap ang komportableng pwesto ko para matulog. Muling tumunog ang cellphone ko ngunit hindi ko na muling pinansin iyon. Unti-unti kong naramdaman ang pag bigat ng mga mata ko. Bago tuluyang mahimbing, I managed to mumble, "Lunes na naman". After that, everything went black and still. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD