Matagal na katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Nakatitig lang si Charmie kay Grae. Habang dahan-dahan namang bumabalik sa isip niya ang mga alaala ng nakaraang gabi. Hindi siya makapaniwala, hindi na pira-piraso ang lala niya, hindi na malabo. Unti-unti na silang nagiging malinaw sa alala niya. Ang club, ang pagtawag niya kay Grae, ang galit na galit nitong boses sa kabilang linya, ang biglaang pagdating nito, ang mga kamay nitong mahigpit ang hawak sa kanya, ang madilim na parking lot, ang mga maiinit nilang halikan, ang mabigat na hininga. Ang galit, ang init. Napapikit si Charmie ng maalala ulit niya lahat ng nangyari kagabi. At nang muli niyang imulat ang mga mata isang bagay ang malinaw. Hindi iyon hallucination, hindi iyon panaginip lang totoo nanaman ang lahat. Nakipag-s

