Napaungol si Charmie ng magdilat ng mata pero agad din pumikit ng pumitik ang ugat sa may sintido niya. Parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ni Charmie. Mabigat ang mga talukap ng mata niya, parang ayaw pa niyang gumising pero may sinag na ng araw ang tumatama sa mukha niya kaya mabagal siyang kumilos, parang bawat galaw niya ay kailangan niyang pag-isipan dahil sa sakit ng ulo na parang binibiyak ang bungo niya sa dalawa. “Ugh…sh*t!” Mahina siyang napadaing. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at isang pamilyar na kisame ang bumungad sa kanya, puti at may minimalist chandelier sa gitna. Napakurap siya ng bahagya at napaisip. Wait… Dahan-dahan siyang umangat mula sa kama saka tuluyan ng bumangon. Napalingon siya sa paligid. Ang walk-in closet niya. Ang vanity ta

