Hinihilot ni Charlise ang sintido niya habang naka upo sa sofa sa malawak na living room. Ayaw niya sa office study ng asaw aniya dahil pakiramdam niya hindi siya makahinga kapag nasa loob siya ng isang silid. Kaya mas pinili niya ang mas malawak na espasyo ng loob ng bahay nila habang binabasa ang mga schedule ng anak niya na siya ang nag hahandle bilang personal manager mismo ni Charmie. Hindi niya alam kung bakit, balisa siya mula pa nang mangyari ang eskandalo sa kasal ng anak niya, mas madalas siyang magpuyat ngayon. Hindi siya maka move on, mas madalas siyang mag-isip, mas madalas siyang magalit. Lalo na ang daming mga binabatong pangit na article sa anak niya dahil sa ginawa ni Richard at tungkol sa pakikipag one-night stand ni Charmie sa isang p*rnstar na hindi niya alam kung paa

