“Did you lose your voice? Why are you so quiet? Is something wrong?” tanong ni Grae ng mapansin ang pananahimik ni Charmie mula pa kanina ng umalis sila sa store ng furniture. Nag yaya na itong umuwi kahit hindi pa sila nakakabili ng mga appliances gaya ng nasa plano. Instead sinabi na lang nito na siya na ang bahala sa mga appliances. Naramdam siya ng kaba na ayaw sana niyang entertain. Bumalik na si Urielle, ibig sabihin bumalik na din si Richard. Tumawag na ba dito ang dati nitong nobyo kaya bigla na bago ang mood nito na kanina naman ay okay lang. Tahimik ang ambiance ng restaurant kung saan muna siya nag yayang kumain bago sila umuwi. Low chandelier lights, piano music sa gilid, at mga customer na naka-formal wear. Isa iyon sa mga lugar na hindi basta pinapasok kung wala kang reserv

