Pagpasok pa lang sa loob ng condo ni Charmie, ramdam na agad ang bigat ng hangin. Parang may bagyong naghihintay na sumabog. Nakaupo si Charmie sa sofa niya—halos nakasalampak, nakasubsob ang likod sa sandalan habang nakayakap pa rin sa sarili niya ang oversized shirt na suot niya. Sa kabilang side naman, naka-upo si Urielle sa isang single sofa. Elegant pa rin ang postura nito kahit halatang tensyonado ang mga balikat niya. Samantala, ang mga magulang ni Charmie ay nakaupo sa malaking sofa sa gitna. Parehong naglilipat-lipat ng tingin sa dalawang babae para silang nanonood ng tennis match. Pero mabigat ang katahimikan. Hanggang sa biglang nagsalita si Archie. Habang Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan si Urielle mula ulo hanggang paa. “Wait a minute…” Napatingin sa kanya si Charli

