“WHAT DO YOU MEAN NAKAKULONG SI RICHARD?!” Umalingawngaw ang boses ni Archie sa buong bahay. Nakatayo siya sa gitna ng silid, hawak ang phone sa isang kamay habang ang kabilang kamao ay nakapatong sa mesa niya. Halatang-halata ang galit sa mukha niya. Sa kabilang sofa naman ay nakaupo si Charlise, ang asawa niya, tahimik ngunit halatang naguguluhan sa nangyayari. Kaaalis lang ng mga magulang ni Richard sa bahay nila at naguguluhan sila sa mga pinag sasabi ng mga ito. “Archie, please…” maingat na sabi ni Charlise. “Please what?” mabilis na sagot nito. Lumakad si Archie pabalik-balik sa loob ng study, parang leon na nakakulong sa hawla. “Kung hindi pa pumunta dito ang mga magulang ng lalaking iyon, hindi ko pa malalaman na nakakulong pala ang ex-fiancé ng anak natin!” Halos manginig ang

