Panay ang mura ni Ulyses habang binabayo ang mesa, habang naka-upo sa harapan niya ang mag-ina niyang dumalaw sa kanya. Hindi niya napigilan ang init ng ulo, hindi dahil mainit sa loob ng kulunagan, kundi dahil sa balitang dala ng mga ito sa kanya. Hindi nga maganda ang sitwasyon niya sa loob ng kulungan, ang amoy ng kalawang, ang amoy ng pawis ng kapwa niyang preso, at desperasyon ay kumakapit sa bawat sulok ng lugar kung saan siya nakakulong. Hindi tahimik ang visiting area, marami din mga bisita ng ibang preso ang naroon na bumibisita sa kapwa detainee habang ilang na ilang sila Urielle at Ellena na halatang diring-diri sa lugar pero na pipilitan lang dahil sa kanya. Bakas sa anyo ng mga ito na gusto ng umalis agad pero walang magawa dahil sa takot sa kanya. “Ngayon na nga lang kayo

