Hindi alam ni Urielle kung tama ba na bumalik pa siya sa hospital, malikot ang mata niya dahil sa likod siya dumaan para iwasan ang mga bodyguard ni Grae na binilinan ni Charmie na wag siyang papasukin. Kailangan niyang makausap si Grae, gusto niya itong balaan sa masamang balak ng ama niya, although alam niyang malabong makalabas pa ang ama niya sa kulungan sa daming kasong isinampa si Grae laban sa ama pero mas mabuti ng sigurado. Tahimik ang hallway ng hospital malikot ang mata ni Urielle na patingin-tingin sa paligid. Tanging ang malumanay na tunog ng mga gulong ng wheelchair ang pumupuno sa katahimikan ng hallway habang si Urielle ay naglalakad ng mabagal at may kaba sa bawat hakbang, hawak ang maliit na basket ng prutas na dadalhin niya kay Grae. May kaba siyang na raramdaman dahil

