Episode 7-Run all you want

1603 Words
Parang sasabog na ang utak ni Charmie habang nag papalakad-lakad sa loob na mismo ng cottage niya. Literal! Kung puwede lang niyang buksan ang ulo niya o ng isip niya at itatapon niya palabas lahat ng gumugulo sa utak niya. Pakiramdam niya mababaliw na siya konti nalang, may kausap si Grae sa phone kanina kaya naka salisi siya ng alis at bumalik sa cottage niya dahil hindi siya makapag-isip ng tama habang naroon si Grae sa harapan niya. Na aalala niya ang lahat ng detalye ng kalandian nila kagabi at nahihiya pa rin siya hindi lang kay Grae kundi pati sa sarili niya. Huminto siya at tumayo siya sa harap ng salamin sa loob ng cottage, suot pa rin ang damit na hindi niya inakalang magdadala sa kanya ng kamalasan. Napangiwi pa siya ng ayusin ang gusot na buhok na never mong makikitang nagulo ng ganun. Alagang-alaga niya ang sarili niya at ayaw niyang nag mumukha expired. Dahil ang ganda niya ang puhunan niya sa bawat rampa niya sa ibabaw ng entablado. Pero ngayon, mukha siyang labandera ng kapitbahay nila na meron 8 anak at lasengerong asawa. Hindi ito ang mukha ng isang babae na dapat bagong kasal at galing sa honeymoon. Ito ang mukha ng isang babaeng malapit ng masiraan ng bait. God! Ako si Charmie Ramiro. Bulong pa ni Charm sa sariling reflection sa salamin. Sikat na international supermodel. Sanay sa camera, sanay sa ilaw, sanay sa kontrol. Pero sa isang iglap iniwan siya harapan ng altar, sa harap ng parents niy, sa harap ng press. Sa harap ng buong high society na naghihintay ng fairy-tale ending. Tapos— Nagpakasal siya sa isang estranghero after niyang magpakalasing at subukan talikuran panandalian ang masakit na alala ng ginawa sa kanya ni Richard. Mabilis siyang napatakbo sa lababo ng makaramdam siya ng pangangasim ng simura, Napahawak siya sa sikmura ng mag simulang dumuwal pero wala naman lumabas. Kaya nag hilamos na lang siya para bawasan ang masamang pakiramdam dahil sa hangover niya. “Hindi ito totoo,” bulong niya. “Hindi ito ang buhay na pinangarap ko." muli siyang mapatingin sa kamay nandoon pa rin ang singsing sa daliri niya. Parang tinutukso pa siya sa katangahan na ginawa niya. Parang pinaalala sa kanya ang eksena na ginawa niya sa beach, malakas siyang napa-ungol na napapikit na muling nagpalakad lakad na sapo ang sikmura. Tumakas ka, sigaw ng utak niya. Habang kaya mo pa. Hindi niya kayang manatili sa resort na ito. Hindi niya kayang manatili sa tabi ni Grae bilang asawa nito. Hindi pa rin niya ito kilala, maliban sa pangalan nito, wala pang malinaw sa pagitan nila maliban lang sa kasal sila at isinuko niya rito ang virginity niya. Ang lalaking ito masyadong kalmado para sa kaguluhang siya ang dahilan. Iniwan din ito ng bride nito na pinsan niya na sinamahan ni Richard na groom naman niya. Grabeng plottwist ito hindi talaga niya kinakaya kaya bago pa siya mabaliw kailangan niyang lumayo. Mabilis siyang pumasok ng banyo at nag mamadaling naligo, uuwi na siya ng Manila at doon siya mag-iisip ng maayos mayo kay Grae, malayo sa lugar kung saan siya iniwan ni Richard. After niyang mabilis na maligo at nakapag ayos at nakapag bihis, siya na ulit ang maganda at glamorosang international model na si Charmie, isinuot niya ang isang mamahalin niyang sandals, kinuha ang bag at hinila na ang maleta. Tumawag na din siya sa lobby para sabihin na mag che-check out na siya. So far naman bayad na daw ang accomodation niya binayaran na ng ng full ng parents niya na kaninang umaga lang din daw umalis at hinahap daw siya. Wala siyang malinaw na plano pero sa ngayon wala siyang balak na magpakita sa parents niya, iiyak lang siya at hindi niya gagawin yun. Kaya basta ang alam lang niya—Kailangan niyang umalis. Bago pa siya tuluyang mabaliw kakaisip. Habang palabas siya ng cottage, nag-vibrate ang phone niya. Isang notification ang pumasok, galing kay Jeida ang bestfriend niya na isa naman sa mga make-up artist niya na hindi naka dalo ng kasal niya dahil nasa hospital ito dahil na operahan sa appendix. Isang blind item. Hindi niya sana bubuksan dahil alam niyang masisira lang lalo ang araw niya. Pero parang may sariling isip ang daliri niya na binuksan parang nanlamig ang katawan niya sa nababasa. BLIND ITEM: A heartbroken international model allegedly had a wild rebound with an adult film star after being left at the altar… Huminto ang mundo niya, nanlamig ang katawan niya saka umiling ng sunod-sunod. “Hindi ako ’yan,” bulong niya agad. “Hinding-hindi. Coincidence lang to,” bahagya pang tumawa si Charm pilit na sinasabi sa sarili na hindi siya ang nasa blind item pero ng buksan niya ang kasamang image, naka blur iyon pero malinaw ang dalawang figure. Isang babae sa wedding gown. Isang lalaking naka-tuxedo. Sa beach magkayakap nag hahalikan, natuptop niya ang bibig parang may humigop ng hangin sa baga niya. “Hindi…” “Hindi…” Pero alam niya sa sarili niya kahit naka-blur, kahit malabo—kilala niya ang sarili niya picture at kilala niya ang lalaki. Parang nanlambot bigla ang tuhod niya habang napahinto sa paglalakad. Adult film star. P*rnstar. Sigaw pa ng isip niya, muli siyang napaduwal na napahawak sa dibdib, bago na tuptop ang bibig niya para pigilan ang pag suka. “Kaya pala…” mahina niyang sabi sa sarili. Kaya pala ganoon ang katawan ni Grae, napaka perfect. Kaya pala ganoon ang kumpiyansa sa sarili dahil sanay na sa mga babaeng na wawala sa sarili sa ibabaw ng kama kasama ito. Kaya pala parang walang kaba, walang hiya, walang takot kung humarap sa kanya. Hindi siya simpleng negosyante na inaakala niya, hindi lang siya mayaman lang dahil galing sa magandang family background. Kundi isa s'yang... Isa siyang p*rnstar. At pinakasalan niya ang isang lalaking may pinaka maruming trabaho sa balat ng lupa. Parang gusto niya magwala sa kaalamang iyon. Parang gusto niyang matawang maiyak nalang, parang gusto niyang sumigaw ng malakas at sisihin ang langit, parang gusto niyang mawala nalang sa mundong ibabaw. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit—yung iniwan siya ni Richard o ang pagpapakasal niya sa lalaking estranghero at isuko ang pinaka importanteng bagay sa pagkatao niya. Nasapo niya ang noo parang gusto na din niyang mag collapse. “Anong ginawa ko…” pabulong niyang tanong sa sarili. Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang lahat, pumasok sa isip niya ang isang ideya na kahit kelan hindi niya na isip na magagawa niyang isipin. Iyon ay ang wakasan ang buhay niya. Iyon ang eksaktong gusto niyang gawin sa mga oras na ito—isang mabilis na pagtakas, isang paraan para matapos na lang ang sakit at problema na susuungin niya. Pero agad niyang iniling ang ulo niya. “Hindi,” madiin niyang sabi. “Bakit ko gagawin yun. Makakabangon ako! Makakabangon ako." turan niya sa sarili niya. Hindi iyon solusyon. Hindi iyon si Charmie Ramiro, hindi gagawin ng isang tulad niya ang ganun kakitid na excuse para tumakas. Huminga siya nang malalim, pinunasan ang luha na umagos saka tumayo na ulit ng tuwid. Chest out, stomach in and chin up. Let's go! Tumakas muna tayo self. ulit ng isip niya. Mag-isip ka kapag humupa na ang bagyo. Agad na niyang hinila ang maleta. Hindi na siya lumingon. Pero paglabas niya— Naroon na si Grae naka-upo sa gilid ng wishing fountain na parang naging tourist attraction ng resort na yun. Nakatingin lang ito sa kanya na parang iniintay talaga siya. Relaxed pa rin ang postura nito, walang galit dahil nakita nito na paalis siya, walang din kababakasan ng gulat ang guwapo nitong mukha, parang alam na niya na tatakas siya at inaabangan nalang siya nito. Nagtagpo ang mata nila. Nakakapanood siya ng p*rn sila ni Jeida pero never pa niyang na panood ang video nito kung p*rnstar nga talaga ito. Sandaling katahimikan. “Please… just leave me alone,” sabi ni Charmie, nanginginig ang boses pero matigas ang desisyon. “I’m sorry. Staying—and being your wife—is something I simply cannot do.” hindi umimik si Grae pero tumayo ito at humakbang papalapit sa kanya na parang isang commercial model ng isang men's perfume ang datingan ng kaguwapuhan nito. Pakiramdam ni Charmie nag slow motion pa habang lumalapit ito. Hindi siya pinigilan ni Grae, Hindi siya hinawakan. Tumango lang siya, parang tinanggap lang ang sinabi niya na parang walang paki-alam. Huminto ito sa gilid niya hindi lumilingon nakapamulsa. “Go,” sabi niya. Napakunot-noo si Charmie, nagulat na napalingon kay Grae. “H-huh?” Ngumiti si Grae na nilingon din siya kaya nagtama muli ang paningin nila. Hindi playful ang ngiti nito, hindi rin naman mayabang. Isang ngiting mas nakakatako parang mas delikado. “You can go,” ulit niya. “Run all you want.” Lumampas siya kay Charmie, na napasunod ng tingin si Charmie kay Grae na huminto ng nasa may entrance na ng pinto. “You can go straight to hell,” sabi ni Grae habang nakatingin sa kanya diretso sa mga mata niya—walang biro, walang ngiti pero kita mo na meron pag babanta. “But there is one thing you must remember.” dagdag pa ni Grae. “Even if hell is the only place left for you to run.” "I will follow you, with or without your consent.” napalunok si Charmie na bahagyang nanlaki ang mata niya. Hindi iyon sweet. Hindi rin romantic, kundi na nakakatakot. At sa kauna-unahang pagkakataon— Alam niyang kahit gaano siya tumakbo, hindi talaga siya makakatakas sa lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD