Tulala si Charmie sa katahimikan ng loob ng cottage ni Grae, gusto niyang umalis tumakas at iwan ang gulong pinasok niya pero hindi niya alam kung paano. Kanina pa siya sa living room naka upo sa sofa, baluktot ang likod and parehong kamay nakapatong sa hita niya. Sa harapan niya ay isang maliit na wooden table na meron isang tasa ng kapeng nakapatong. Mainit pa iyon—kita ang bahagyang usok na umaangat—pero ni hindi man lang niya magawang hawakan, lalo na inumin.
Kanina pa siya nakatitig doon, hindi dahil sa kape. Kundi dahil sa singsing na nasa daliri niya pa rin. Maganda ang sikat ng araw sa labas, sumisinag iyon sa bintana ng cottage na iyon, habang ang sarap sa tenga ang tunog ng alon sa dagat sa may di kalayuan lang kung natuloy lang siguro ang kasal nila ni Richard suot na niya ngayon ang pulang 2 piece na inihanda niya para ipakita kay Richard ang katawan niyang matagal na niyang iningatan para lang sana rito.
Iniwan ako ni Richard.
Paulit-ulit na bumabalik ang katotohanang iyon, parang sirang plaka sa isip niya. Wedding day niya, beach wedding, white sand, Perfect setup, perfect dress, perfect guests. Perfect lahat—maliban sa groom. Nasa isip pa rin niya ang eksenang iyon. Ang paglakad niya sa aisle, kasama ang mga magulang niya. Ang mga ngiting puno ng paghanga ng mga bisita. Ang hangin na humahaplos sa belo niya.
Tapos ang biglaang kaguluhan. Ang pagtakbo ni Richard, hindi papunta sa kanya. Kundi palayo. Literal na runaway groom. Napapikit si Charmie at bahagyang napahawak sa sentido niya. Parang sumasakit lalo ang ulo niya sa bigat ng alaala.
Iniwan niya ako. Napapikit si Charmie na napayuko.
At pagkatapos noon… sumandal siya sa alak. Nawala sa beach natuwang mag laro ng apoy. Nakakilala ng lalaking hindi niya kilala, natural! Napadilat siya bigla ng malala si Grae.
Grae.
Naalala niya ang mukha nito sa ilalim ng mga ilaw ng beach party. Ang tinig nitong kalmado pero may halong yabang. Ang paraan ng pagtingin nito sa kanya—hindi awa, hindi paghusga. Parang… interesado. Parang normal siya at hindi nakakaawa dahil iniwan siya sa altar.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya at muling tiningnan ang singsing sa daliri niya. Hindi iyon simple band lang kita ang magagandang diamond sa buong paligid ng singsing na obviously natitiyak niya na hindi magiging biro ang halaga ng sing-sing na yun. Sinubukan niyang hubarin dahil hindi niya gusto na may sing-sing siyang suot lalo at hindi naman galing sa lalaking mahal niya. Hinila na niya, inikot-ikot, konting pwersa pero ayaw man lang gumalaw ng sing-sing. Ayaw mahubad.
“Of course,” bulong ni Charmie na halos matawa sa inis.
“Pati ikaw, ayaw mo akong pakawalan.” Mas humigpit ang hawak niya sa daliri niya hanggang bahagyang namula iyon, pero hindi pa rin gumalaw ang singsing. Hanggang sa sukuan na niya at binitiwan iyon at napasandal sa sofa.
Naki pag-honeymoon ako… sa isang estranghero. Napakagaling mo Charmie... congratulation.
Sumabog ang mga alaala sa isip niya—pira-piraso, kahit ayaw nyang maalala pero malinaw niyang na aalala kahit pa magulo, pero malinaw ang pakiramdam. Ang halakhak niya. Ang init ng gabi. Ang pakiramdam na may isang taong nandoon para sa kanya, kahit sandali lang. Napahawak siya sa ulo niya, parang sasabog saka sunod-sunod na umiling.
“Hindi,” mahina niyang sabi.
“Hindi ito totoo.” Pero totoo ang lahat at wala na siyang magagawa, nandito siya sa cottage ng lalaking iyon. Bilang asawa. Parang gusto niyang matawa at iyakan ang kinasadlakan niya. Parang gusto niyang umiyak ng umiyak dahil hindi na siya virgin sa tagal niyang iningatan, ibibigay lang din pala niya sa estranghero. Sana pala noon pa nya sana ibinigay kay Richard baka hindi pa siya nito iniwan at pinag palit kay Urielle. At sa isiping iyon parang gusto niyang magwala at hanapin ang pinsan/bestfriend niya na tiyak niya na kasama ni Richard ngayon.
Ni hindi nila alam na ikakasal na din pala ito at kasabay pa ng kasal niya, hindi man lang nag sabi. Kaya naman pala itatakbo nito ang groom niya. At kung hindi pa niya nakilala si Grae by accident hindi rin niya malalaman na si Urielle ang kasama ni Richard na tumakas.
“Haven’t you had your coffee yet?” Napapitlag si Charmie. Napatingin siya sa direksyon ng boses at doon niya nakita si Grae, nakasandal sa pinto ng kuwarto at desente na ang kasuotan kahit papaano, may hawak na sariling tasa. Casual lang ang suot—white chinese collar polo na bahagyang bukas sa may leeg, kaya tanaw niya ang maganda nitong chest muscles. Ang relax ng aura nito parang walang kahit anong bigat na pasan. Ang guwapo-guwapo pa din, iyon nalang kahit papaano ang pinag papasalamat niya na guwapo at mukhang yummy naman ang naka virgin sa kanya. Kahit papaano hindi na masyadong masakit sa pride.
Pinag masdan niya ito sandali at tingin niya mukha siyang… masaya. Hindi yung masaya na OA. Kundi masaya na parang amused. At doon lalong uminit ang ulo ni Charmie dahil pakiramdam niya tumanda siya ng 5 years sa kakaisip habang ito smoking hot hadsome.
“Hindi,” malamig niyang sagot.
“Baka sakaling magising ako at mawala ’to lahat.” ani Charmie na tinapik ang dalawang pisngi. Sumipsip si Grae ng kape sa tasa nitong dala.
“Sayang. Maganda at ang sarap mo— este yung blend.” Tumayo si Charmie bigla galit agad ang mukha.
“Puwede ka bang tumigil diyan sa pagiging… chill? At wag ka ding feeling close." Umangat ang kilay ni Grae.
“I’m just stating facts.”
“Facts?” napatawa si Charmie, yung tawa na nakakaasar.
“Fact na iniwan ako ng fiancé ko? Fact na nagpakalasing ako? Fact na nagising ako bilang asawa ng lalaking hindi ko man lang kilala ang apelyido kagabi?”
“Falcon,” sagot ni Grae agad.
“Grae Joseph Falcon.” Napatingin siya rito, gulat at inis na gustong ibato mismo dito ang tasa ng kape pero nag timpi nalang siya.
“Hindi iyon ang punto.” Lumapit si Grae ng kaunti, pero huminto na may distansya. Hindi siya humawak kay Charm at hindi siya nagmadali na ipaintindi kay Charm ang sitwasyon nila.
“Charmie,” mahinahon niyang sabi,
“alam kong overwhelming.”
“Overwhelming?” umirap si Charm.
“That’s an understatement. This is a disaster.” Ngumiti si Grae na ibinaba ang hawak na tasa ng kape nito.
“Or destiny.” Tumalim ang tingin ni Charmie kay Grae.
“Huwag mo ngang banggitin ’yang destiny na ’yan.”
“Why?” tanong ni Grae, na kalmado pa rin kahit si Charmie ay parang gusto ng mag-ala taguro.
“Lahat ng signs nandoon.”
“Anong signs?” napataas ang boses ni Charmie.
“Na pareho tayong iniwan? Na pareho tayong lasing? Na parehong masama ang desisyon natin?”
“Na nagtagpo kayo sa pinaka-wrong moment,” sagot ni Grae.
“At may nangyaring hindi mo maitatanggi.” ngisi pa ni Grae.
“Hindi ko tinatanggi,” sagot niya agad.
“Pero pinagsisisihan ko.” Tumahimik si Grae saglit pero ngumiti ulit sa huli ng mas banayad.
“You don’t regret me, do you?” sabi ni Grae.
“You regret the timing.” parang may tumama sa dibdib ni Charmie na hindi niya matukoy.
“Don’t psychoanalyze me,” inis na wika ni Charmie
“What do you want, for me to just accept what you’re saying? I’m far too handsome and hot to be just a regret. Inumin mo na yan kape mo malamig na yan." nguso ni Grae sa tasa niya.
“Parang buhay ko,” sagot ni Charmie na bumuga ng hangin. Napatawa si Grae—mahina, hindi nang-aasar na tutuwa lang sa mga sinasabi ni Charmie, nakakainis pero at the same time gusto nalang niyang intindihin.
“You’re dramatic.”
“Iniwan ako sa altar, hello!” sagot niya.
“May karapatan ako.” singhal ni Charmie, tumango naman si Grae.
“Fair.” Tahimik ulit sila na parang nagpapakiramdaman.
“Alam mo,” sabi ni Grae pagkatapos ng ilang sandali,
“most people would be screaming right now.”
“Give me time,” sagot ni Charmie.
“Darating din ako diyan.” Ngumiti si Grae.
“I’ll be here.” Napatingin si Charm rito, may halong inis at pagtataka.
“Bakit parang hindi ka bothered? Sa nangyayari."
“Bothered ako,” sagot niya.
“Pero hindi ako natatakot.”
“Sa alin?”
“Sa atin.” Umiling si Charmie.
“Ako, takot na takot.” tumayo si Charmie na nag tungo sa bintana at tumingin sa malayong dagat na halos maliit lang sa paningin niya.
“Hindi ako ganito. Hindi ako yung babaeng gumigising sa bahay ng estranghero na may singsing sa daliri and worse of all nakipag s*x."
“You’re not the woman who was left behind, either.” sabi ni Grae.
“You’re not the woman who simply made a mistake, either.” napalingon naman si Charmie kay Grae.
“E ano ako?” Ngumiti si Grae na tumayo at diretso ang tingin sa kanya habang papalapit ito sa kanya.
“You’re the woman I chose last night—the one I want to spend my whole life with.” hinay-hinay Grae baka naman ma in love sa'yo agad... ikaw din mahirapan sa huli. sita ni Grae sa sarili.
“Stop,” mabilis na wika ni Charmie na tumaas pa ang kamay para pigilan si Grae na lumapit.
“Huwag mo akong gawing romantic story. Wala ako sa mood.”
“Too bad,” sagot niya.
“Hopeless romantic ka. Aminin mo na.” Napatawa si Charmie yung parang gustong maiyak nalang ulit.
“Hopeless, oo. Romantic? Ngayon? Hindi siguro." Lumapit si Grae ulit, mas malapit na ngayon pero maingat pa rin na tinabig ang kamay ni Charnie na naka harang sa pagitan nila.
“I won’t force you,” sabi ni Grae.
“I won’t touch you. I won’t persuade you.” ngumiti si Grae habang nakatitig sa kanya.
“Then why are you smiling?”
“Because no matter how angry you are,” sagot niya,
“you can’t erase what happened between the 2 of us." Napabuntong-hininga si Charmie na bumalik sa sofa at naupo ulit. Kinuha niya ang tasa ng kape sa wakas at sumipsip—napapikit siya. Mainit pa pero hindi na nakakapaso.
“Hayaan mo muna akong magalit,” sabi niya.
“Hayaan mo muna akong magsisi.” Tumango si Grae.
“Sige.”
“Pero huwag mo akong pilitin maniwala sa destiny.” Ngumiti ulit ni Grae.
“Hindi kita pipilitin pero,” dagdag ni Grae,
“And don’t force yourself to run away, either.” Napatingin si Charmie rito.
“Because I won’t allow it. I’ll give you time to adjust—but you won’t be able to run away from me anymore. We’re married, and we’ve already had our honeymoon.” umasim naman ang mukha ni Charmie.
“We’ll face this together as two mature people who were left by the ones we chose at the altar. It might be hard for you, but for me, I think I’ll enjoy having you as my wife. I don’t think it’s a very bad idea.” wika pa ni Grae na kumindat pa na ikinatarak ng mata ni Charmie.
Huminga nalang siya ng malalim. Tiningnan niya ulit ang singsing sa daliri niya. Hindi niya alam kung aalis siya. Hindi niya alam kung mananatili sa tabi ng estranghero na ito pero alam niya ang isang bagay—Hindi na siya makakatakbo palayo sa lalaking ito.
Kahit gaano pa siya kaguwapo, kahit gaano kagaling humalik at kahit gaano kagulo ang mundong pinasok niya. Isinuko na niya rito ang bataan at kinakabahan siya na baka magbunga ang pagkakamaling nagawa niya.