Nagising si Charmie na parang naninibago sa paligid, mabigat ang katawan niya. Mabagal ang paghinga. Sandaling hindi niya maalala kung nasaan siya. Hanggang sa unti-unting bumalik ang lahat. Ang mahabang biyahe nila, ang baril, ang mga dugo, ang mga lalaking kasama ni Grae at si Grae mismo at sinabi nito bago ito nakatulog sa kandungan niya. “I can’t be without you, Charmie… I’m going insane.” Napadilat siya saka dahan-dahan na napabangon, inilibot niya ang mga mata sa paligid ng malaking kuwarto, pamilyar na amoy, mamahaling interior na agad niyang nakilala. Nasa bahay na sila, sa bahay na binili ni Grae para sa kanya. Hindi niya namalayang nakatulog siya. Napahawak siya sa ulo niya. Ilang araw din siyang puyat… kaya siguro bumigay na lang ang katawan niya sa gitna ng biyahe. Sinabaya

