Kung hindi lang siya buntis hindi siya kakain, wala siyang ganang kumain pero meron ng batang humihinga sa sinapupunan niya, hindi niya puwedeng pabayaan ang sarili niya. Sobrang tahimik ang dining area, sila lang ni Grae ang tao wala ang maid nila. Sa sobrang tahimik parang na sasakal siya na hindi niya maintindihan. Magkaharap sila Charmie at Grae sa mahabang mesa. Punong-puno ng pagkain ang mesa—mga putahe na siguradong pinaghandaan, mamahalin, perpekto ang presentation. Mukhang inorder lang ni Grae at pinadeliver para sa hapunan nila. Pero walang gana si Charmie kahit anong sarap ng mga nakahain sa harapan niya. Halos hindi niya magalaw ang pagkain sa harap niya. At si Grae, tahimik lang din. Walang imik, walang tingin parang hindi sila magkakilala parang hindi sila nagkakilala sa

