Tulala si Charmie sa loob ng cabana matapos ang nangyari sa public restroom. Malinaw pa niyang na aalala sa isip niya ang mga narinig, ang malalaswang salita ang mga ungol at tunog ng salpukan ng katawan ng dalawang tao. Hindi siya makapaniwala na siya pa mismo ang makakahuli sa Tito Uly niya. Matagal na nilang alam na nang babae ito, ilang beses ng umiiyak ang Tita Ellen niya sa mommy niya na kapatid nito dahil nalulugi na daw ang mga negosyo ng mga ito at si Tito Uly daw parang walang paki-alam. Na aadik daw ito sa isang babae, pero hindi naman mahuli ng Tita niya. Magaling daw mag tago ang Tito Uly niya, magaling tumangi kahit buko na. Na lulong daw sa sugal ang Tito niya at kasama daw ang babae sa pag susugal at halos lahat ng ari-arian ng mga ito ay naka benta na daw ang iba daw nak

