"What?" Bulalas ni Grae nang sabihin ng isa sa mga tauhan niya, maingat ang boses, na parang may masamang balitang ihahatid. “Sir… nag-check out na po si Ms. Ramiro kaninang madaling araw.” Tumigil ang kamay ni Grae sa pag-aayos ng cufflinks niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang braso at napalingon kay Ronnel. “Anong ibig mong sabihin—nag-check out?” malamig niyang tanong. “Umuwi na raw po ng Manila. Maaga po. Walang iniwang mensahe.” Ilang segundo na napaisip si Grae saka napakuyom ang kamay. Walang sigaw, walang mura pero ramdam ang tinitimping galit. “Sigurado ka?” “Opo, sir. Personally, siyang nagbayad. Ayaw po niyang ipaalam sa inyo.” Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, may nangyaring hindi niya kontrolado at hindi inasahan na mangyayari. Kinuha niya ang phone sa ibab

