Pagkatapos ng photoshoot, hindi agad nagsalita si Grae basta sabay na lang silang lumabas ni Charmie, tahimik lang siyang nagmaneho, isang kamay sa manibela, isang kamay nakasandal sa bintana at nakatingin sa daan pero halatang kung saan-saan tumatakbo ang isip. Katabi niya si Charmie na naka-oversized blazer syempre hindi na nito suot ang lingerie kanina, maayos na ulit ito at mukha na ulit itong socialite na hindi marunong yumuko. Malayo sa babaeng pinapanood niya kanina, hindi siya nahihiya na i-showcase kung anong asset na meron ito. Sanay siya sa ganung klaseng trabaho, sanay siya sa ilaw, sa camera, sa tingin ng mga tao. Pero hindi siya sanay na i-share what he owns. Pero hindi niya puwedeng pigilan si Charm sa isang bagay na hindi naman siya naging parte sa simula pa lang. Dumatin

