Nasa loob pa rin sila ng exclusive subdivision, sakay ng kotse at tinatahak ang daan palabas para umuwi since ayaw pumayag ni Charmie sa offer niya at ayaw din naman niyang ipilit dahil hindi niya ugali na mamilit ng babaeng ayaw. Buong akala niya papayag na ito pero sa huli tumangi pa rin ito kaya heto ngayon pauwi na sila at tahimik lang silang bumibiyahe. Malamig ang aircon, Mahina ang instrumental music mula sa speakers. Pareho silang pagod sa argument sa araw na yun, sa usapan na paulit-ulit nalang na hindi na tatapos na issue. At habang nasa daan sila may naiisip si Grae at hindi niya alam kung uubra at kinakabahan din siya kung maniniwala si Charmie, gusto niyang subukan. Bahala na! Bigla niyang kinabig ang manebela at ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Na napalingon si Ch

